Sunday , May 29 2022
Rose Lin Stampede Vote Buyingte Buying

Stampede sa Vote Buying, lola pilay, mga tao sugatan

ISANG stampede ang naganap sa isang political activity ng kampo ni congressional candidate Rose Lin na pinapalitan ang mga inisyu nilang ID sa mga tao noon ng P500 kada ID.

Nangyari ang nasabing kaguluhan sa Capasco Warehouse sa P. Dela Cruz St., Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa mga nakapila, nagpatawag ang mga leader ni Rose Lin ng payout na P500 kapalit ng naturang ID. Agarang dumagsa ang mga tao mula sa ibang lugar kaya lumobo at hindi na nakontrol ang pila hanggang umabot sa 2,000 katao.

Hakot ang nangyaring sistema, maski taga-ibang barangay ay dumagsa sa nasabing lugar at pumila sa ilalim ng mainit na araw. Kitang-kita ng publiko ang nangyayaring talamak na vote-buying. Maraming retrato at video ang nakuha at nagkalat sa Facebook at chat groups.

Kuwento ni Lola Emmie, 74 anyos, matapos makuha ang P500 at palabas na siya ng gate ng warehouse, nag-anunsiyo ng cut-off ang mga coordinator at sinabing 1,500 katao lang ang mabibigyan. Doon nag-umpisa ang tulakan at siksikan kaya marami ang nasaktan.

“Itinulak po ako at muntik nang tapak-tapakan, kaya nabalian ako ng buto sa braso! Pinulot lang ako ng tricycle driver at nagmagandang loob na ihatid ako sa pagamutan!”

Si Nanay Marilyn naman, isang senior citizen, ay hinimatay habang nasa pilang siksikan at nanakawan pa ng cellphone. Aniya, ginawa silang parang hayop sa nasabing lugar kaya nagkagulo.

Nagdulot ng mga sugat at pasa ang nasabing “payout” operation. Ito ang pangalawang pagkakataon kung saan may napinsala sa kampanya ni Rose Lin.

Kamakailan ay may namatay na matanda na inatake sa puso dahil pinapila ito sa kasagsagan ng init ng araw.

Ang mga naturang operasyon ay tinawag na vote buying ng NGO na Kowalisyong Novaleno Kontra Korapsyon at pormal na silang nagsampa ng 290 cases ng vote buying sa Comelec.

“Kahit saang sulok kayo ng Novaliches magtanong. Talamak na talamak ang pamimili nila ng boto. Tahasang pang-iinsulto at pang-aalipusta ito sa kahirapan ng mga tao,” ayon sa grupo.

Tinawag ng kampo ni Rose Lin na fake news ang mga naglabasang balita at ibinintang sa mga kalaban sa politika ang mga paninira.

Ito ay mariing itinanggi ng Chief of Staff ni Congressman Vargas na si Rhodora Salazar na tinawag na kuwentong kutsero ang mga paratang ng kampo ni Rose Lin.

“Bakit nila ipapasa sa iba ang mga nangyayaring eto sa mga HQ nila mismo nagaganap lahat?! Ang totoo, pinagsasamantalahan nila ang kahirapan ng Novalenyo at ang hirap na dulot ng pandemya para sa sarili nilang politika! First time nangyari sa kasaysayan ng QC na ganito katindi at katalamak na vote-buying! Ayan may naaksidente na naman!

“Siguro dapat nilang sagutin ang mga kasong isinampa sa kanila ng iba’t ibang malayang mamamayan ng Quezon City,” dagdag ni Salazar.

Ipinangako ng Comelec na aaksiyonan ang mga reklamong isinampa sa madaling panahon at bago pa man matapos ang eleksiyon.

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …