Tuesday , May 24 2022
shabu drug arrest

Sa Minalin, Pampanga
P300-K SHABU NASAMSAM, TULAK KINALAWIT

NAKOMPISKA ang higit sa P300,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang drug suspect sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Minalin, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 23 Abril.

Sa ulat mula sa Minalin MPS, kinilala ang suspek na si Alezandro Cunanan, 43 anyos, at residente sa Doña Victoria, Brgy. Dau, Mabalacat.

Bukod sa P360,000 halaga ng drogang shabu, narekober din mula sa suspek ang P1,000 buy bust money, isang cellphone, driver’s license, at isang motorsiklo.

Nabatid, matagal nang minamanmanan si Cunanan dahil sa kaniyang ilegal na gawain at ang kanyang mga suki ay mula sa naturang bayan at mga karatig lugar.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nakatakdang isampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong …

Marawi

462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi

PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 …

MMDA, NCR, Metro Manila

Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions …

shabu drug arrest

P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers

TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na …

shabu

P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado

AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang …