Saturday , November 23 2024

News

2 kabataan timbog sa pagnanakaw sa construction site

ARESTADO ang dalawa sa tatlong lalaki na pumasok at nagnakaw sa isang construction site sa Valenzuela City. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina John Alforte, 22 anyos, at Jerico Policarpio, 21, kapwa residente sa Meycauayan, Bulacan habang pinaghahanap ng pulisya si alyas Johnski Cabanilla. Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Michael Calora, natutulog sa loob ng kanilang barracks sa construction site …

Read More »

Obrero kritikal sa pananaksak ng tatlong kelot

NASA malubhang kalagayan ang isang obrero makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong lalaki sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktima na kinilalang si Marvin Gabriel, 36 anyos, residente sa Block 2 Lot 23 MPV Dulong Hernandez, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod sanhi ng mga saksak sa katawan. Kasalukuyang pinaghahanap ng mga …

Read More »

Sapat na pondo sa SHS financial assistance program giit ni Gatchalian

Win Gatchalian

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian na mapunan ang kakulangan sa pondo ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP) upang maiwasan ang paglobo ng utang ng pamahalaan sa mga pribadong paaralan. Ang SHS-VP ay isang programang nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga kalipikadong mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan o non-DepEd na pampublikong senior high schools. Ipinamamahagi ang naturang tulong pinansiyal …

Read More »

Pandemya tapusin mamamayan magbakuna — Pangilinan

Kiko Pangilinan

NANAWAGAN si vice presidential aspirant Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lahat na huwag sayangin ang tatlong araw na National Vaccination Day upang mabakunahan. Naniniwala si Pangilinan, ito ang magiging susi upang mawakasan o tapusin ang pandemya sa buong bansa. “Ang pagpapabakuna ay proteksiyon kontra CoVid-19 para sa ating sarili, mga mahal sa buhay, at kapwa. Makilahok at magpabakuna ngayong 29-30 …

Read More »

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

Sir Jerry Yap JSY Rommel Sales

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal sa’yo, pati na rin ang (naiinggit) sa ‘yo, pati buong industriya ng malayang pamamahayag, lumuluha sa biglaan mong pag-alis sa mundo. Pero lahat ito’y nakatakda na, kung minsan, ang katulad mong umalis patungo sa kabilang buhay na walang problema at lahat masaya. Isa ako sa …

Read More »

Appointment ipinababawi kay Duterte
BANTAG NG BUCOR PERSONA-NON-GRATA SA MUNTINLUPA

Gerald Bantag BuCor Muntinlupa

PATULOY ang pagmamatigas ni Bureau of Corrections (BuCor) Director, Undersecretary Gerald Bantag na nasa tama ang kanyang ginagawa makaraang isara at lagyan ng harang ang kalsada na sakop din ng reservation compound ng Bilibid, hindi alintana ang prehuwisyo at hirap na daranasin ng mga residenteng nakatira sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Biyernes ng gabi nang magsagawa sa paglalagay ng hollow …

Read More »

Kano natagpuang patay sa nirerentahang kuwarto sa Kyusi

NATAGPUANG patay ang 55-anyos Amerikano sa loob ng kaniyang inuupahang silid sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. May umaagos pang dugo mula sa bibig nang madiskubre ang bangkay ni William John Messerich, 55, American National, US pensioner at nangungupahan sa No. 89 Republic Avenue, Barangay Holy Spirit, QC. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit …

Read More »

Sa Kankaloo
P.1-B SHABU NASAKOTE SA ‘TAO’ NG CHINESE ILLEGAL DRUG TRADER

Randy Rafael 15 Chinese teabag shabu

AABOT sa P102 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang hinihinalang big-time na tulak nang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director P/BGen. Remus Medina ang naarestong suspek na si Randy Rafael, alyas RR, 42 anyos, residente sa P. Dandan St., Pasay …

Read More »

2 opisyal ng Pharmally ‘di bibigyan ng VIP treatment — BJMP

Lincoln Ong Mohit Dargani Pasay city jail

TINIYAK ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang special treatment na ibibigay ang Pasay City Jail sa dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, na inilipat sa naturang bilangguan nitong Lunes ng hapon, sa utos ng Senado. Sa isang pahayag, sinabi ni BJMP spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, handa ang Pasay City Jail para tanggapin …

Read More »

PH gov’t dapat mag-imbak
ANTI-VIRAL PILLS EPEKTIBO SA LAHAT NG COVID-19 VARIANTS

113021 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO DAPAT mag-imbak ang pamahalaan ng anti-viral pills na gawa ng pharmaceutical companies na Merck at Pfizer para panlaban sa CoVid-19 na inaasahang magkakaroon pa ng maraming variants sa mga susunod na taon. Inihayag ito kagabi ni microbiologist at OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco kasunod ng pag-alerto ng buong mundo sa Omicron variant ng CoVid-19. “When people …

Read More »

Quarantine sa isolation room
2 OPISYAL NG PHARMALLY ‘HOYO’ SA PASAY CITY JAIL

113021 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN NASA kamay na ng Pasay Bureau of  Jail Management and Penology (BJMP) ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Linconn Ong at Mohit Dargani. Mismong ang mga tauhan ng Office of Sargent at Arms (OSSA) ang naghatid at nag-turnover sa Pasay BJMP kina Ong at Dargani. Bago dinala sa Pasay Custodial Center ang dalawa, sumailalim …

Read More »

Marcos nanguna pa rin sa November presidential surveys

Bongbong Marcos

NANANATILING top preferred presidential candidate si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Sa pinakahuling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., na isinagawa mula 16-24 Nobyembre na nilahukan ng 10,000 respondents, 24% ang pumili kay Marcos, Jr., bilang kanilang presidente, sinundan ito ni Manila Mayor Francisco Domagoso na nakakuha ng 22% percent. Lumabas din sa broadsheet polls, patuloy na umaani …

Read More »

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

Isko Moreno Joven Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ni Presidential aspirant, Manila Mayor Isko Moreno sa kung ano at nagawa sa kanya ng showbiz para marating ang kasalukuyang estado niya sa buhay. Kasabay ng paglingon sa showbiz at apila ni Yorme sa entertainment press na tulungan siya …

Read More »

Ciara, sakalam ang suporta sa Lacson-Sotto tandem

Ciara Sotto Tito Sotto Ping Lacson Vic Sotto Vico Sotto Tony Tuviera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang suportang ipinakikita at ibinibigay ni Ciara Sotto sa tambalang Ping-Sotto. Hindi na naman kataka-taka kung bakit pero masasabing “sakalam” ang suporta ng bunso ni Senate President Tito Sotto, hindi lang sa kanyang ama kundi maging sa pambato nitong pangulo sa May 2022 elections na si Senador Ping Lacson. Sa Instagram account kasi ni …

Read More »

Direk Darryl sa Pornstar: Sampal sa mga konserbatibo

Sab Aggabao Cara Gonzales Ayana Misola Stephanie Raz Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “THIS is a testament.” Ito ang iginiit ni Direk Darryl Yap ukol sa kanyang ika-13 pelikula sa Viva, ang Pornstar 2: Pangalawang Putok na seguel ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na nagtatampok pa rin kina Rosanna Roces, Maui Taylor, Alma Moreno, at Ara Mina kasama ang apat na baguhang sina Sab Aggabao, Cara …

Read More »

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Biyernes ng tanghali, 26 Nobyembre. Isinagawa ang drug sting ng mga tauhan ng PDEA Zambales Provincial Office kasama ang Zambales PPO PDEU at ang local police na nagresulta sa pagkakadakip ng …

Read More »

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama sa bayan ng San Simon, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 27 Nobyembre. Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio “Jon” Salvador, 42 anyos, kumakandidatong konsehal sa nabanggit na bayan, at kasama niyang si Joel Salvador. Ayon sa ilang testigo, bumibiyahe ang mga biktima sakay ng sports …

Read More »

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod ng Cebu, nitong Biyernes ng hapon, 26 Nobyembre.Ayon kay Fulbert Navaro, imbestigador ng Cebu City Fire Department, nagsimula ang sunog dakong 5:06 pm sa inuupahang silid ng isang Rolly Siso, 39 anyos.Pinagtulungang bugbugin ng kanyang mga kapitbahay si Siso, isang dating PDL (person deprived of …

Read More »

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto ang suspek nang magsumbong ang nakatatandang kapatid ng biktima sa kanilang ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek kamakalawa ng hapon sa Navotas City. Hindi muna ibinulgar ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang tunay na pangalan ng 48-anyos suspek upang maprotektahan ang pagkakakilanlan …

Read More »

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang biktima ay kinilalang si Ritchie Galantao, 24 anyos, binata, at residente sa Castro Compound, Nitang Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Agad nadakip nina P/Cpl. John-Edel Nolasco at Pat Ernest John Collado ng Novaliches Police Station 4, …

Read More »

Dargani siblings ipinakulong na sa Pasay city jail

Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Pharmally

IPINAG-UTOS ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee kay Office of Senate Sargent at Arms (OSAA) chief, ret. Gen. Rene Samonte ang agarang paglipat sa magkapatid na Pharmally Official Mohit at Twinkle Dargani sa Pasay City Jail. Ang kautusan ay ipinalabas ni Gordon nang mabigong makipagtulungan si Mohit sa Senado na ipagkaloob ang mga dokumentong hinihingi nila. Ayon …

Read More »

Manggagawa magbabayad sa CoVid testing hindi patas — Bayan Muna

Covid-19 Swab test

UMALMA si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares sa polisiya ng gobyerno na ang uring manggagawa ang magbabayad sa CoVid-19 testing. Ani Colmenares hindi makatarungan ang ganitong polisiya sa gitna ng kakulangan sa bakuna. Aniya, kailangang paigtingin ang pagbabakuna kung gusto ng pamahalaan na lumago ang ekonomiya ng bansa. “A healthy workforce is essential as they are the ones who drive …

Read More »

Duterte admin hinimok magbantay vs Omicron variant

Travel Ban Covid-19 Philippines

NANAWAGAN si Rep. Angelina “Helen” D.L. Tan, M.D., chairperson ng Committee on Health sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay laban sa Omicron CoVid-19 variant. Aniya ang publiko ay dapat manatiling mapagbantay sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng CoVid-19 sa iba’t ibang bansa at pagsulpot ng nakababahalang bagong Omicron variant. Hinimok ni Tan ang Department of Health (DOH) na …

Read More »

Mandatory face shield policy posibleng ibalik

Face Shield Face mask IATF

MAAARING pairalin muli ng pamahalaan ang mandatory face shield policy bunsod ng banta ng Omicron variant ng CoVid-19. “We will look at the possibility. ‘Yan nga ‘yung inaano ni Secretary Duque na he is, he is pro na ano, maibalik ‘yung any protection na puwede nating gamitin. Kasi some people from WHO also believe na kaya nagkaroon tayo ng result …

Read More »

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita nang atakehin sa puso dahil sa takot habang ginigiba ng demolation team at mga armadong tauhan ng Rizal PNP ang kanilang bahay nitong Sabado, 27 Nobyembre, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ang pumanaw na biktimang si Mica Antoinette Ferrer, 14 anyos, nakatira sa V. V. Soliven, Open Space, Brgy. Mayamot, sa nabanggit …

Read More »