Tuesday , April 23 2024
dead gun police

Sa Tanauan, Batangas
DATING AHENTE NG ONLINE SABONG PATAY SA PAMAMARIL

BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos lalaking napag-alamang dating ahente ng online sabong nang barilin ng riding-in-tandem sa isang karinderya sa Purok 2, Brgy. Darasa, lungsod ng Tanauan, sa lalawigan ng Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Nobyembre.

Kinilala ang biktimang si Alejandro Tañedo, Jr., alyas Lucky, 40 anyos, residente sa Brgy. Boot, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nakatanggap ang pulisya ng impormasyon mula sa Daniel Mercado Medical Center (DMMC) dakong 12:45 am kahapon na may dinalang biktima ng pamamaril.

Base sa imbestigasyon, dakong 7:30 pm noong Martes, 22 Nobyembre, nang magtungo ang biktima sa sabungan sa nasabing lugar at umalis na may dalawang kasama dakong 12:20 am ng Miyerkoles upang kumain sa isang karinderya.

Makalipas ng ilang minuto, dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo saka ilang beses binaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng lungsod ng Sto. Tomas habang isinugod ang biktima sa pagamutan kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Narekober ng mga imbestigador ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril at isang depormadong bala ng hindi matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril.

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …