Monday , December 5 2022
Mandaue Cebu Fire

Coastal community tinupok ng apoy
700 PAMILYA NAWALAN NG TAHANAN SA MANDAUE

HINDI bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang sumiklab ang malaking sunog sa isang coastal community sa Sitio Paradise, Brgy. Looc, sa lungsod ng Mandaue, lalawigan ng Cebu, nitong Martes ng gabi, 22 Nobyembre.

Umabot sa pang-apat na alarma ang sunog na umabo sa 250 kabahayan na tinatayang P1-milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

Ayon kay SFO1 Danny Zamoras, nasugatan ang isang bombero at dalawang residente ng Sitio Paradise ang may paso sa kanilang mga katawan.

Nakaranas si FO1 Freyje Pono ng first degree burns sa kanyang balikat, at second degree burns sa kanyang braso ang residenteng si Reynaldo Devilleres, habang napaltos rin ang likod ng isa pang residenteng si Alejandro Cerina.

Naiulat ang sunog dakong 11:46 pm kamakalawa, idineklarang kontrolado dakong 2:12 am nitong Miyerkoles, 23 Nobyembre, at tuluyang naapula dakong 2:38 am.

Pahayag ni Mandaue Mayor Jonas Cortes, pansamantalang tumutuloy ang mga apektadong residente sa mga itinayong modular tents sa covered court ng Mandaue City Central School.

Nagpadala rin ang lokal na pamahalaan ng mobile kitchen sa lugar upang magluto ng pagkain, at namahagi ng mga disaster kits at food packs sa mga biktima ng sunog.

About hataw tabloid

Check Also

road accident

Rider todas, angkas kritikal

PATAY ang isang rider habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang angkas nang ma-hit and …

Bongbong Marcos Santa Claus Malacañang

FM Jr., nag-Santa Claus sa 600 bata sa Malacañang

MAY 600 batang nakatira sa mga komunidad sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, …

Consumer Act

Ngayong Christmas rush
PROTEKSIYON PABOR SA MGA MAMIMILI NAIS PAIGTINGIN

SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador …

baboy money Department of Agriculture

Suplay ng baboy, sapat para sa Pasko — DA

TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sapat ang suplay ng baboy …

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan 

NA-TRAP ang isang 22-anyos babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang 4-storey residential …