Sunday , November 27 2022
Manuel Bonoan Erwin Tulfo

DPWH Sec. Bonoan kompirmado
TULFO NG DSWD ‘NAKABITIN’ SA CA

NAUNSIYAMI ang kompirmasyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) Committee on Labor, Employment, Social Welfare and Migrant Workers.

Ito ay matapos halungkatin ni CA Member Rep. Oscar Malapitan ang usapin sa citizenship ni Tulfo na siya ay naitalang enlisted personnel ng United States Army noong 1988 hanggang 1992.

Bukod dito, inihayag ni CA member Rep. Rodante Marcoleta ang conviction ni Tulfo sa kasong libelo sa mababang hukuman na hanggang sa kasalukuyan ay nakabinbin sa Korte Suprema.

Aminado si Tulfo sa naging conviction sa kanya ng mababang hukuman ngunit aniya kaniya itong inapela at hiniling sa mga miyembro ng komisyon na magsagawa ng executive session upang ipaliwanag ang lahat.

Ngunit sa kabila ng executive session ay bigo pa rin makompirma si Tulfo kahit ilan sa miyembro ng komisyon ay suportado ang kanyang nominasyon.

Tinukoy ni Marcoleta, sa ilalim ng batas ang nahatulan ng tinatawag na moral turpitude ay hindi maaaring humawak ng puwesto sa pamahalaan dahil ito ay immoral at dishonesty.

Ang kasong libelo ay sinabing isa sa mga nagtataglay ng moral turpitude na lubusang pinag-isipan ng buong komisyon.

Dahil dito, itatakda ang susunod na pagdinig sa nominasyon ni Tulfo upang higit na mapag-aralan ng komisyon ang mga isyu na inihayag laban sa kalihim ng DSWD.

Samantala kinompirma ng komisyon ang nominasyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Hindi naging madali ang kompirmasyon kay Bonoan dahil sa ilang paglilinaw o tanong ngunit nagawa niyang matugunan nang kasiya-siya sa mga miyembro ng komisyon para siya ay kompirmahin.

Dati nang nagsilbi sa DPWH si Bonoan at hindi niya inakalang babalik siya muli rito para muling magsilbi.

Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kompirmasyon kay Bonoan, bilang pinuno ng komisyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sa Lumban, Laguna NO 1 KAGAWAD, 1 PA TIKLO SA BUYBUST Boy Palatino Photo

Sa Lumban, Laguna
NO. 1 KAGAWAD, 1 PA TIKLO SA BUYBUST

ARESTADO sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust ang isang barangay kagawad at kanyang kasabwat sa Brgy. …

dead gun police

Sa Tanauan, Batangas
DATING AHENTE NG ONLINE SABONG PATAY SA PAMAMARIL

BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos lalaking napag-alamang dating ahente ng online sabong nang barilin …

Mandaue Cebu Fire

Coastal community tinupok ng apoy
700 PAMILYA NAWALAN NG TAHANAN SA MANDAUE

HINDI bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang sumiklab ang malaking sunog sa …

Daniel Fernando Alexis Castro Children’s Congress Bulacan

Provincial Children’s Congress ginanap sa Bulacan

“BILANG tagapagtaguyod ng mga bata at ama ng lalawigang ito, batid ko ang aking tungkulin …

prostitution

5 bebot naisalba vs ‘drive-thru’ prostitution,  bugaw timbog

NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division ang limang kababaihan, kabilang ang …