Tuesday , December 6 2022
Honey Lacuna

Peace and order pinatututukan  ni Mayora Lacuna

IBINIHAGI ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang kanyang direktiba para sa pulisya ng Manila Police District (MPD) bilang pamamaraan upang mapaigting ang peace and order na kabilang sa prayoridad na programa sa lungsod ng Maynila.

Nais ni Lacuna, tutukan ang mga insidente ng crime against person lalo ang mga pag-abuso sa mga kababaihan at mga kabataan.

Batid ng punong alkalde ang problema sa ilegal na droga kaya’t iniatas niya kay MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon na tugisin ng mga pulis ang mismong  ‘source’ sa kalakaran ng droga upang mas mapadali at mailayo sa masamang dulot nito ang nga kabataan lalo ang mga kababayan nating salat na nga sa kabuhayan ay nasasadlak pa sa ilegal na droga.

Kaugnay pa rin ng peace and order, nabatid na rin na kasado na ang MPD para sa posibleng pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria at ipinaalala na bawal ang mga illegal vendors sa mga kilalang pamilihan sa mga kalye ng Carriedo, Blumentritt, at sa Divisoria.

“In general, maayos po ang performance ng MPD,” patapos na pahayag ni Lacuna. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …