Saturday , July 27 2024
National Irrigation Administration NIA

NIA ops ‘di apektado ng suspensiyon vs acting chief

“…IF there was that conflict inside the agency, baka ngayon na nawala ‘yan, baka mas gumanda pa ang takbo.”

               Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa publiko, kaugnay ng suspensiyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa acting administrator ng  National Irrigation Administration (NIA) na si Benny Antiporda.

Sinabi ng Pangulo na siyang Department of Agriculture (DA)  secretary,  walang epekto sa operasyon ng NIA ang ipinataw na preventive suspension ng Ombudsman sa  acting administrator ng kawanihan.

“There are enough people there in the NIA who know what to do. At (And), in fact, I’m meeting them after this. So, make sure that ‘yung function ng NIA ay tuloy-tuloy,” ayon sa Pangulo sa panayam matapos dumalo sa 49th founding anniversary ng Career Executive Service Board sa Pasay City kahapon.

Aalamin ni FM Jr., Ang puno’t dulo ng kaso ni Antiporda.

“We have to find out what happened to Benny and see what really is the situation there, why Ombudsman Martires suspended him,” anang Pangulo.

“It happened all when I was away. So I have asked them to give me the background on what happened. Yeah. But the function of the NIA is not going to change,” dagdag niya.

Sa katunayan, aniya, ngayong nawala na ang tunggalian sa NIA, ay maaaring mas gumanda pa ang takbo ng kawanihan.

“In fact, I suppose parang – if there was that conflict inside the agency, baka ngayon na nawala ‘yan, baka mas gumanda pa ang takbo,” sabi ng Pangulo na siya ring Department of Agriculture secretary.

Matatandaang pinatawan ni Ombudsman Samuel Martires ng anim na buwang preventive suspension without pay si Antiporda noong 11 Nobyembre 2021 dahil sa iba’t ibang reklamo gaya ng grave misconduct na isinampa laban sa kanya ng NIA Employees Association of the Philippines (NIAEASP). (ROSE NOVENARIO)          

About Rose Novenario

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …