Thursday , May 30 2024
Nahuling tulog sa duty TATLONG PULIS LAWTON BINALASA NI GEN DIZON Brian Bilasano Photo
PINAPANGARALAN ni MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon ang tatlong night shift duty officer na dalawang sarhento at isang patrolman ng Lawton PCP MPD Station 5 nang mahuling natutulog sa oras ng duty nitong Martes ng madaling araw, sa ikinasang spot inspection and correction, regular na isinasagawa ng una sa lungsod ng Maynila. Kasunod nito, bilang fair warning sa first offense ay binalasa ni Dizon ang tatlong pulis at inilipat sa Delpan Police Station bilang karampatang parusa alinsunod sa “two strikes policy” na ipinatutupad sa MPD. (BRIAN BILASANO)

Nahuling tulog sa duty
TATLONG PULIS LAWTON BINALASA NI GEN DIZON

BINALASA ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon ang tatlong pulis na naaktohang natutulog sa oras ng duty nitong Martes ng madaling araw sa Lawton Police Community Precinct (PCP) sa Ermita, Maynila.

Sa ulat, sinabing pagpasok ni MPD DD P/BGen. Dizon sa nasabing PCP ay inabutang nakaupo ngunit tila nasa kasarapan ng tulog ang tatlong pulis na isang patrolman at dalawang sarhento kabilang ang night shift duty desk officer.

Ang pagtulog habang nasa duty ng isang pulis ay nagpapahina umano sa mahigpit na direktiba na pagpapalakas ng presensiya ng pulisya sa lansangan lalo ngayong nalalapit ang kapaskuhan bilang pagtalima sa kautusan ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at SAFE NCRPO ni P/BGen, Jonnel Estomo.

“Kapag duty e duty! Kailangan nating maging alerto ngayong papalapit na ang kapaskuhan lalo sa oras ng gabi dahil diyan posibleng lumabas ang mga mapagsamantala para maghasik ng krimen sa kalsada. Sabi nga ni RD habang tulog ang ating mga kababayan dapat ang mga pulis ay gising na nagbabantay sa lansangan.”

Nabatid mula nang manungkulan bilang District Director ay nakaugalian ni Gen. Dizon ang ilang beses sa isang araw na pag-iikot sa kanyang area of responsibility (AOR).

Sa pag-iikot sa umaga, siya lulan ng bisikleta (Bike Patrol) at sa rush hour ay nakamotrsiklo kasama ang kanyang Tactical Motorcycle Response Unit (TMRU) na iniispatan ang latag ng pulisya sa lansangan partikular ang pagbabantay sa seguridad ng mga paaralan, pamilihan, business establishments, at komunidad.

Ang natiyempohang tulog na tatlong pulis ay nakita ni Dizon sa kanyang pag-iinspeksiyon sa iba’t ibang himpilan na regular niyang ginagawa tuwing madaling araw.

Kaugnay nito, mula sa Lawton PCP ay binalasa ang tatlo patungo sa bago nilang destino sa dulo ng Delpan  Police Station  12.

Sa panayam kay Dizon, sinabi niya sa kanyang spot inspection and correction ay aabot sa 50 miyembro ng iba’t ibang presinto ang binalasa at sumailalim sa first offense nang makitaan ng pagkukulang sa pagtupad ng tungkulin.

“Naka 100 days na po tayo sa MPD pero may mga nahuhuli pa rin tayong tulog, minsan talaga aabutin rin ng antok kaya we have 2 strikes policy na atin pong inilatag sa pulisya pero kapag nakitaan ulit ng pagkukukang o pagkakamali sa pagtupad ng tungkulin ay atin nang papatawan ng karampatang parusa na makaaapekto rin sa kani-kanilang mga pamilya.”

Ayon kay Dizon, sa unang offense ng pulis-Maynila ay binabalasa niya o inililipat sa ibang presinto bilang “fair warning” upang hindi masampahan ng kasong administratibo na makaaapekto sa kanilang suweldo at bonus lalo ngayong panahon ng kapaskuhan.

“Salary forfeiture, mawawala rin ang bonus nila ‘pag nakasuhan sila na makaaapekto pati sa pamilya ng pulis, kawawa rin kaya’t two strike policy tayo, pero kapag naulit e pasensyahan na tayo,” pagtatapos ni Dizon.

Ang Lawton PCP ay nasasakupan ng MPD Ermita Police Station (MPD PS5) na may ilang bus terminals, mga opisina ng gobyerno, at ilang metro ang layo sa Manila city hall.

Sa sigasig ng bagong direktor ng MPD sa pag-iikot sa lungsod ay kusang nag-iinspeksiyon ang ilang station commanders sa kanilang mga PCP upang matiyak na alerto ang pulisya sa oras ng trabaho alinsunod sa programa ni Dizon. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Sa Bulacan 3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Sa Bulacan  
3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Arestado ng Bulacan PNP ang tatlong nangangalakal ng droga at isang pugante sa isinagawang anti-crime …

Quezon Provincial Police Office Lucena

8 intel officer arestado sa palpak na drug raid

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA — Walong intelligence officer ang inaresto ng kanilang mga kasamahan sa …

shabu drug arrest

 6 tulak ng droga, timbog sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkakahiwalay …

Arrest Caloocan

Wanted sa kasong Murder
MISTER HOYO SA KANKALOO

ARESTADO ang isang mister na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa …