Saturday , July 27 2024

Track record mantsado,
LEDESMA SA PHILHEALTH ‘NO CLEAN BILL’ — HEALTH WORKERS

112822 Hataw Frontpage

KINUWESTIYON ng health workers mula sa Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay Emmanuel Rufino Ledesma Jr., bilang acting president at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Lubos na ikinabahala ng health workers na si Ledesma, may history ng mga iregularidad at mga alegasyon ng korupsiyon, ang mamumuno sa corrupt-ridden Philhealth, lalo na’t may ulat na hanggang limang taon na lamang ang itatagal ng ahensiya o hanggang 2027.

Anang grupo, namamatay ang mahihirap na pasyente dahil hindi nila kayang bayaran ang pangangalagang medikal. 

               Gayonman, ang bilyon-bilyong piso sa Philhealth na maaaring direktang ilaan sa mga serbisyo ng pasyente ng mga ospital ay nawala bunsod ng mga iregularidad at anomalya.

Mantsado umano ng iregularidad ang termino ni Ledesma bilang presidente at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corp:

               • Noong 6 Mayo 2015, inilagay si Ledesma sa 90-araw preventive suspension ng PSALM Board. Noong Setyembre 2014, isang reklamo ang inihain ng mga empleyado ng PSALM laban kay Ledesma dahil sa kabiguan na “magsagawa ng agarang aksiyon laban sa isang nanalong bidder na nagsumite ng mga pekeng dokumento sa pribatisasyon ng Sucat Thermal power plant.”

• Noong Disyembre 2013, si Ledesma bilang PSALM president ay kinuwestiyon ng mga mambabatas sa House of Representatives sa pagbibigay ng P87-milyong kontrata sa isang kompanyang walang track record at kagamitan para linisin ang oil spill sa Estancia, Iloilo.

• Noong Hulyo 2021 at Abril 2022, pinagtibay ng Korte Suprema ang Commission on Audit-issued Notice of Suspension and Notice of Disallowance noong 2008 at 2009 para sa Extraordinary and Miscellaneous Expenses (EME) ng PSALM noong 2008-2009 at walang pagtanggap ng mga dokumento, mga disbursements at “irregular, unnecessary, excessive or extravagant (IUEE) expenditures” sa ilalim ng Business Development Expenses at termino ni Ledesma bilang PSALM president.

• Kasama rin si Ledesma sa mga board member ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) na inakusahan ng People Opposed to Unwarranted Electricity Rates (POWER) na malamang na nakinabang sa manipulasyon ng artipisyal na pagtaas ng presyo ng koryente sa merkado noong Disyembre 2013.

Giit ng HEAD, ang appointment ni Ledesma sa Philhealth ay nagpapatunay muli sa lip service ng administrasyong Marcos Jr., na unahin ang serbisyong pangkalusugan at pagsugpo sa katiwalian.

Ang kailangan anila ng mga Filipino ay mga pinuno at opisyal sa kalusugan na puno ng oryentasyon sa serbisyo, at may malinis at napatunayang track record ng pagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawang pangkalusugan at mamamayan sa kalusugan nang higit sa kanilang sariling pansariling interes. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …