INIHAYAG ni Justice Sec. Leila De Lima na minsan ay hindi siya nakatutulog dahil sa kontrobersiyal na affidavit ni Janet Lim-Napoles na naglalaman ng iba pang mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na isinasangkot sa multi-billion peso pork barrel scam. Ito ay sa harap ng kaliwa’t kanang pressure sa tanggapan ni De Lima na isapubliko ang nilalaman ng salaysay …
Read More »Tarima para kina JPE, Bong at Jinggoy inihahanda na
INIHAHANDA na ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame ang sinasabing special detention facility para sa tatlong senador na nahaharap sa kasong plunder na kinabibilangan nina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. Ayon kay PNP PIO Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ang nasabing special detention cell ay inihahanda lamang sakaling magpalabas ng …
Read More »Resignation ni Juico tinanggap ni PNoy
TINANGGAP na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw sa pwesto ni PCSO Chairperson Margarita Juico. Si Juico ay nagsumite ng irrevocable resignation kay Pangulong Aquino dahil sa personal na dahilan. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hangad ni Pangulong Aquino ang mabuting kahinatnan ng desisyon ni Juico na tapusin ang career sa public service. Ayon kay Coloma, magiging epektibo …
Read More »Puwet natuhog yagbols muntik madurog (Senglot na laborer nahulog)
BUTAS ang hita, wasak ang puwet at muntik madurog ang yagbols ng lasing na obrero nang mahulog mula sa bubungan ng gusaling kanilang kinukumpuni sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Malubha ang kalagayan sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ng biktimang kinilalang si Edwin Sorita, 44-anyos, stay-in worker ng Arellano University nasa Gov. Andres Pascual St., Brgy. Concepcion. Sa …
Read More »Pasaherong Iranian nagholdap ng taxi driver
ISANG Iranian national ang nasakote ng mga awtoridad, habang patakas na naglakad matapos holdapin ang taxi driver ng sinakyan niyang taxi sa Sta. Mesa Maynila, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Roy Ronquilio, 57, may asawa, taxi driver, ng Sta. Cecilia St., Valley 1, Parañaque City. Dinala sa tanggapan ng General Assignment Section ng Manila Police District ang suspek …
Read More »Graft case vs GMA ibinasura ng Ombudsman (Sa P728-M fertilizer fund scam)
IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft na isinampa laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Gayon man ipinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang pagbasura ng Ombudsman sa kasong graft laban kay Arroyo kaugnay sa P728 milyong fertilizer fund scam. “We note the May 08, 2014 Resolution of the Office of the Ombudsman dismissing the graft complaint against …
Read More »Sariling bunganga tinarget ng kano (Sa Makati Jethro Firing Range)
NAGBARIL sa sarili ang 60-anyos American national sa loob ng firing range ng Makati Cinema Square kahapon ng hapon sa nasabing siyudad. Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban ang biktima sa pamamagitan ng kanyang pasaporte na si Jeffrey Allen Klein tubong California. Napag-alaman, dumating ang biktima sa Makati Cinema Square at pumasok sa firing range upang …
Read More »Bayad sa ospital ‘ibinitin’ ni Napoles (Para magtagal sa labas ng hoyo)
MAAARI nang kasuhan ng estafa at ipa-contempt sa korte si Janet Lim-Napoles dahil sa patuloy na pananatili sa pagamutan sa kabila ng clearance na maaari na siyang ibalik sa kanyang detention facility. Ayon kay Senate justice committee chairman Sen. Koko Pimentel, mistulang niloloko na ni Napoles ang legal system ng bansa nang igiit ang kanyang pananatili sa pagamutan. “Kasuhan ng …
Read More »Zoren Legaspi inasunto sa P4-M tax case
SINAMPAHAN ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue ang actor-director na si Zoren Legaspi sa Department of Justice (DoJ). Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, hindi idineklara nang tama ni Legaspi sa kanyang income tax return (ITR) ang income niya sa taon 2010 at 2012. Umaabot sa P4.45 million ang hinahabol na buwis ng BIR mula kay Legaspi …
Read More »Uncle Sam ‘spoiled’ sa EDCA
“SPOILED guest” si Uncle Sam sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil papayagan siya ng Filipinas na esklusibong makagamit ng mga pasilidad sa mga base militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “These matters would be threshed out still when we talk about the details for the agreed locations. There will be discussions for which facilities would be for …
Read More »Reloading sinisi sa nasunog na army facility
MAY teorya na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig City hinggil sa posibilidad na naging sanhi ng sunog at pagsabog sa Explosive Ordnance Division (EOD) Battalion headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City kamakalawa na ikinasugat ng 25 katao. Sinabi ni Taguig City Fire Marshall C/Insp. Juanito Maslang, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, bagamat …
Read More »Kagawad, 1 pa utas sa ratrat (Pagkatapos ng Caloocan traffic chief)
PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang kanyang misis, at patay rin ang isang lalaki habang sugatan ang babaeng kanyang katabi makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City. Ito ay isang araw lamang makaraan ang naganap na pagpaslang 66-anyos dating hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) na si …
Read More »Military armory sumabog sa 4 sunog sa Metro (70-anyos patay, 5 kritikal, 20 sugatan)
SUMABOG ang armory ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, patay ang 70-anyos Tsekwa at umabot sa P6 milyon ang naabo sa apat na sunog na naganap sa Metro Manila. Lima ang kritikal sa 25 kataong sugatan nang masunog kasunod ng pagsabog ng armory ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon ng umaga. Sa ulat, kinilala ang limang kritikal …
Read More »Preso sa Lucena nagprotesta (4 patay, 20 sugatan)
UMABOT na sa apat ang mga napatay na bilanggo habang tinatayang nasa 20 katao ang sugatan sa naganap na protesta ng mga preso sa provincial jail sa Lucena City, sa Quezon province kahapon ng umaga. Kinilala ni Lucena City Police chief, S/Supt. Allen Rae Co, ang mga namatay na sina Gary Esguera, Jose Umali Escasa, Cristian Contemplacion, at Manuelito Palma. …
Read More »2 gabinete sinisi ni Ping sa mabagal na Yolanda rehab
HINDI naitago ni Rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson ang pagkadesmaya sa dalawang cabinet officials na aniya’y hadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto sa pagbangon ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Lacson, kung hindi “dedma,” walang pakialam, o kaya ay nananadyang nagpapaimportante ang nasabing mga opisyal. Ayon kay Lacson, dating tatlo ngunit nagbago na ang isang tinik sa kanyang …
Read More »Pinay nurse sa Saudi pumanaw na sa MERS-CoV
NAMATAY na ang isang Filipina nurse na taga-Negros Occidental, makaraan isailalim sa quarantine para obserbahan sa kilalang pagamutan sa Saudi Arabia dahil sa hinalang nahawaan ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV). Ayon kay Arnold Diaz, kamag-anak ng pasyente, kinompirma sa kanya ng asawa ng nurse na si alias Toto na namatay ang biktima dakong 11 a.m. (Saudi time). Aniya, …
Read More »5 tauhan ng RWM towing inasunto (Hinatak na sasakyan ‘kinarne’)
NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang limang tauhan ng towing company nang kanilang ‘karnehin’ ang mga spare parts ng sasakyan na kanilang hinatak, kamakailan. Sa report ng MPD-District Tactical Operations Center, tinutugis ang mga suspek na sina Jeff Mercullo, Alex Tomas, Cedie Sanchez, Anthony Navez at Jon Buen, mga tuhan ng RWM Towing Services na may tanggapan sa A. Mabini St., …
Read More »Heat mainit sa playoffs
PINASO ng two-time defending champions Miami Heat ang Brooklyn Nets, 107-86 upang magtuloy ang pagiging malinis sa second round playoffs ng 2013-14 National Basketball Association (NBA) kahapon. Kumana ng 22 points, limang rebounds at tatlong assists si basketball superstar LeBron James upang kaldagin ang Nets sa Game 1 ng kanilang best-of-seven series. Winalis ng Nets ang Heat sa regular …
Read More »Chinese teacher ‘binugbog’ sa airport (BI NAIA confidential agent under hot water)
ni Jerry Yap PINAG-AARALAN nang sibakin ang isang Immigration confidential agent (CA) na natukoy sa isang recorded video shot na siyang kumaladkad, nanampal at nambugbog sa isang lady Chinese national na pinigil pumasok sa bansa kahapon ng madaling araw. Sa isang recorded video shot na kumalat sa internet, nakitang kinakaladkad ni Immigration confidential agent Rashid Rangiris ang isang babaeng dayuhan …
Read More »Snatcher patay sa bugbog ng bayan
PATAY ang 44-anyos snatcher nang bugbugin ng taong bayan sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alfredo Simbulan, ng 931 St. Mary St., Tondo, namatay habang inooperhan sa ospital dahil sa traumatic brain injury. Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa C.M Recto Ave., kanto ng Maya St., dakong 6:00 …
Read More »Daliri ni PNoy ‘ubos’ na sa pinaslang na journalists (Saan pa bibilangin sa kanyang administrasyon?)
KUNG ang mga pinaslang na mamamahayag ay itinala at ibinawas sa mga daliri ni Pangulong Benigno Aquino III, ubos na ito ngayon, at lumabis pa nang pito, mula nang maging pangulo ng bansa ang unico hijo nina democracy icon at dating Pangulo Corazon Aquino at dating war correspondent at Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr. Ito ang inihayag ni Alab ng …
Read More »Market admin patay sa ambush (2 suspek tigok sa SWAT)
PATAY ang market administrator ng Tanuan City sa Batangas makaraan tambangan ng riding-in-tanden kahapon ng tanghali. Binawian ng buhay ang biktimang si Noli Rojas habang ginagamot sa ospital dahil sa tama ng bala sa ulo. Katatapos lang mananghalian ni Rojas at naninigarilyo sa harap ng kanyang tanggapan, nang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo. Samantala, napatay rin ng …
Read More »Deniece Cornejo sumuko na
SUMUKO na ang modelong si Deniece Cornejo sa Camp Crame. Sinabi ni PNP spokesman Reuben Theodore Sindac, dakong 4 p.m. kahapon nang dumating sa Camp Crame si Cornejo at dinala sa tanggapan ni PNP chief General Alan Purisima. Si Cornejo ay nahaharap sa kasong serious illegal detention na walang piyansa, at grave coercion kaugnay sa pagbugbog sa TV host-actor na …
Read More »Korupsiyon sa Media laganap — Teodoro
SA kabila ng pagpupursigi ng administrasyong Aquino na walisin ang korupsyon, patuloy pa rin lumalaganap ito hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa hanay ng media. Ito ang pananaw ni dating dean ng University of the Philippines College of Mass Communication Luis Teodoro sa pagtalakay sa kalagayan ng Philippine media at usapin ng malayang pamamahayag sa bansa. Ayon kay Teodoro, …
Read More »5 priority bills dapat aksyonan
UMAASA ang Malacañang na agad aaksyonan ng Kongreso ang limang priority legislative measures na naglalayong i-modernize ang Bureau of Customs (BoC) at ayusin ang tax incentives sa mga negosyo. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kabilang dito ang Tax Incentives Management and Transparency Act, Fiscal Incentives Rationalization Plan, Customs Modernization and Tariff Act, Rationalization of the Mining Fiscal Regime at …
Read More »