Friday , September 20 2024
PRC LET

PRC ‘paasa’ sa muling kanselasyon ng LET

BINATIKOS  ni Senator Joel Villanueva ang Professional Regulation Commission (PRC) sa muli nitong pagkansela sa nalalapit na Licensure Exam for Teachers (LET), pitong araw bago ang schedule nito sa 26 Setyembre.

Tila “stuck in the past” ang komisyon dahil hindi pa rin nasunod ang mandato ng PRC Modernization Act of 2000 na nagtakda sa komisyon na gawing “fully computerized” ang pagsusulit, paglalarawan ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee.

“Ito pong mga postponement at cancellation ay nangyari na po sa nakalipas na halos dalawang taon. Nauunawaan po natin ang kaakibat na health risks sa pagsasagawa ng board exams,” ani Villanueva.

“Paasa. ‘Yan po ang description sa PRC ngayon ng ating mga kababayan. Ang problema, hindi lang naman po kumukuyakoy na naghihintay sa bahay ang mga examinees. Nagbabayad po ang mga ‘yan sa review centers, hindi pa kasali ang non-refundable P900 application fee nila sa PRC, at higit sa lahat hindi sila makapag-apply ng trabaho dahil wala silang mga lisensiya,” dagdag ni Villanueva.

Paliwanag ni Villanueva, “maraming LET takers ang sumailalim sa 14-day quarantine, bilang bahagi ng requirements ng PRC. Isang abala ang biglaang pagkansela sa LET, lalo sa mga takers na nag-leave pa sa kani-kanilang mga trabaho.”

Mula sa 101 board exams na nakatakdang idaos, 24 lamang ang natuloy, ayon kay Villanueva, matagal nang hiniling sa komisyon na ilatag ang malinaw na plano para isagawa ang mga board exams ngayong panahon ng pandemya.

“Wala pa rin pong ibinibigay na proposal ang PRC kung paano natin sila matutulungan. Wala rin po sa kanilang proposed budget ang computerization ng board exams,” ani Villanueva. “Nangyayari po ito kahit malinaw sa PRC Modernization Act na dapat minamandato ang full computerization ng board exams pagdating ng 2003.”

Ngayong halos dalawang taon nang paulit-ulit na nakakansela ang LET, dalawang taon na rin nabibitin ang mga teacher graduates.

“Hindi po makahanap ng trabaho ang ating mga teacher graduates, samantala hindi rin po makakuha ang iba sa kanila ng ranking sa DepEd.

“Hindi po makapag-renew ng kontrata ang ibang senior high school teachers sa DepEd dahil kailangan nilang kumuha at pumasa sa LET. Idinulog na po natin itong usapin na ito sa PRC noong Marso 15, 2021,” ani Villanueva.

“Tila nasa ‘wait and see’ lamang ang PRC. Habang patuloy ang pagtatapos ng mga graduates sa kolehiyo sa pamamagitan ng flexible learning, tila stuck in its old ways ang komisyon at humahadlang sa pagkakataong magkatrabaho ang ating fresh graduates,” ayon kay Villanueva.

“Hanggang kailan po ba mauunawaan ng PRC na hindi na maaaring ipagpatuloy ang kanilang nakagisnang paraan ng pagsasagawa ng board exams?” aniya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dan Fernandez

Fernandez: Mga opisyal ng gobyerno nabulag ng pera kaya POGO pinayagan

‘NABULAG’ sa malaking peraang mga opisyal ng gobyerno kaya pinayagan ang ilegal na operasyon ng …

Alice Guo

Sa patuloy na pagsisinungaling
Cite in contempt ipinataw vs Alice Guo sa pagdinig ng House Quad Comm

DESMAYADO sa mga nakuhang sagot, inirekomenda ng isang kongresista na patawan ng cite in contempt …

Jed Patrick Mabilog Duterte drug matrix

Ayon kay Iloilo ex-mayor Mabilog
PEKENG NARCO-LIST GINAMIT NI DUTERTE VS KALABAN SA POLITIKA

ni GERRY BALDO GINAMIT ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘drug war’ laban sa …

James Reid Nadine Lustre Jadine Issa Pressman

James naapektuhan sa sunod-sunod na pamba-bash ng netizens

MA at PAni Rommel Placente INATAKE raw ng depression at labis na naapektuhan ang actor-singer …

DOST trains 14 Jasaan milk producers on food safety and good manufacturing practices

DOST trains 14 Jasaan milk producers on food safety and good manufacturing practices

In its mission to enhance its production standards, the United Livestock Raisers Cooperative (ULIRCO) underwent …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *