Monday , May 5 2025

Front Page

House arrest hirit ni Jinggoy

KUNG siya ang masusunod, mas nanaisin ni Senador Jinggoy Estrada na isailalim na lamang sa house arrest imbes makulong sa bagong selda na inihanda ng Philippine National Police (PNP) para sa mga akusado sa pork barrel scam. Gayon man, aminado si Estrada na maliit lamang ang pag-asa na pagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang kanyang kahilingan para sa house arrest. …

Read More »

Selda ng 3 pork senators handa na — PNP (Walang VIP, malinis lang)

MAKARAAN maipakita sa media ang magandang custodial center sa loob ng Camp Crame na pagkukulungan sa mga akusado sa pork barrel fund scam, nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang VIP treatment na mangyayari kahit pa maituturing na mga high profile ang mga akusado. Ayon kay PNP spokeperson, Chief Supt. Reuben Sindac, bukod sa isang higaan, electric fan at …

Read More »

Bong handa na; Tips sa buhay-hoyo hiningi kay Trillanes

INAMIN ni Senador Antonio Trillanes IV na kumunsulta na sa kanya si Senador Ramon Revilla, Jr., ukol sa buhay sa loob ng kulungan ng isang bilanggo. Magugunitang si Trillanes ay minsan nang nakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center bunsod ng kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon kay Trillanes, sinabi niya …

Read More »

HDO vs JPE, Bong et al inilabas na

INILABAS na rin ang hold departure order (HDO) kahapon para kina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at iba pang mga akusado sa pork barrel fund scam. Magugunitang kamakalawa ay unang inilabas ang HDO laban kay Sen. Jinggoy Estrada kasama sina Janet Lim-Napoles, Pauline Labayen, Mario Relampagos, Rosario Nunez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Allan Javellana, …

Read More »

6-anyos, 3 pa tiklo sa shabu

KIDAPAWAN CITY – Arestado ng pulisya ang isang 6-anyos batang babae at tatlo pang kabataan sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na si Alvin Alamada, 20, at sina alyas Saudi, 15; alyas Tanya, 16; at ang 6-anyos na si alyas Sophia, pawang mga residente ng Brgy. Poblacion sa Kabacan, …

Read More »

Yagbols sapol sa shotgun ng kaibigan (Binatilyo napisak sa palpak na jack)

BACOLOD CITY – Minalas na tamaan sa kanyang ari ang isang lalaki sa naganap na shooting incident kamakalawa ng gabi sa Bacolod City. Kinilala ang biktimang si Reymund Babor, 20, residente ng Brgy. Bata, Bacolod City. Batay sa imbestigasyon, dakong 8:15 p.m. nang magkaroon ng komosyon ang biktima at ang hindi pinangalang kanyang kaibigan. Binaril ng suspek ng 12-gauge shot …

Read More »

Tiis muna sa taas presyo — Palasyo (Sagot sa publiko)

HINIKAYAT ng Palasyo ang publiko na magtiis mula sa napakataas na presyo ng bigas, bawang at luya dahil wala silang magagawa para kontrolin ito sa idinidikta ng “market forces.” Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., tinututukan ng National Food Authority (NFA) ang presyo ng bigas na ang pagtaas ay dulot ng mababang supply at inaasahang magiging matatag ang supply …

Read More »

Metro Manila ‘mahihiwalay’ sa 7.2 lindol (31,000 katao mamamatay)

HINIKAYAT ni top state seismologist Renato Solidum ang mga organisasyon at local officials na sestimatikong magplano ng mga mekanismo para mapababa ang pinsala at bilang ng mga posibleng mamatay kapag tinamaan ng 7.2 magnitude earthquake ang Metro Manila. Sa kanyang pagsasalita sa harap ng disaster risk experts sa summit na ini-ere sa radio kahapon, sinabi ng director ng Philippine Institute …

Read More »

HDO vs Jinggoy inilabas ng Sandiganbayan

NAGLABAS na ng hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan 5th division para kay Sen. Jinggoy Estrada. May kaugnayan ito sa kasong plunder na kanyang kinakaharap dahil sa pork barrel fund scam. Ang pag-isyu ng HDO ay nangangahulugang pipigilan na si Estrada sa pag-biyahe sa labas ng bansa upang tiyak na maharap niya ang mga kasong ipinupukol laban sa kanya. Samantala, …

Read More »

2 NBP doctors, head guard sinibak (Sa VIP treatment sa high profile prisoners)

SINIBAK ang dalawang doctor at head guard ng New Bilibid Prisons at nakatakdang sampahan ng kasong administratibo bunsod ng pagrekomenda sa high-profile prisoners na madala sa ospital sa labas ng piitan bagama’t hindi emergency ang kanilang kondisyon. Sa Department Order 405, kinilala ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga sinibak na sina Dr. Gloria Achazo-Garcia, acting NBP hospital head; …

Read More »

Mister nagbigti dahil sa sinaing

NAGBIGTI ang isang lalaki nang hindi sila magkasundo ng kanyang misis sa pagsasaing sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Salvador Estaniel, 23, residente ng Baliwasan Grande, Zamboanga City. Sa ulat, bangkay na ang biktima nang matagpuan ng kanyang asawa na si Roselyn dakong 7 p.m. sa loob ng kanilang silid. Bago nagpatiwakal ang biktima, nagtalo sila ng kanyang …

Read More »

Kapitan inutas sa sabungan

PATAY ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki habang palabas ng sabungan sa Tiaong, Quezon, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Restituto Hernandez Perez, 66, Barangay Chairman ng Sta. Maria, San Pablo City, Laguna. Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong 3:10 p.m. sa cockpit arena sa F. Castillo Coliseum, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon. Nabatid na …

Read More »

Principal nagbigti sa P.1-M utang

TINAPOS ng isang 47-anyos school principal ang kanyang P.1-M utang sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Davao City, iniulat kahapon. Maitim na ang mukha at halos lumuwa na ang dila ng biktimang si Bernard Catalia, nang matagpuan ng kanyang misis na si Austria na nakabigti sa kanilang kwarto gamit ang nylon cord. Si Catalia ay principal …

Read More »

Ops ni Cam vs De Lima itinanggi ni Lacson

MARIIING itinanggi ni dating senador at ngayon ay rehab czar Panfilo “Ping” Lacson ang mga balitang siya ang nasa likod ng aksyon ni Whistleblowers Association president Sandra Cam laban kay Justice Sec. Leila de Lima. Magugunitang si Cam ang isa sa mga nagsumite ng oposisyon sa Commission on Appointments (CA) laban kay De Lima upang harangin ang pagkompirma sa kalihim …

Read More »

PDAF scholars pinangakuan ng Palasyo

INIHAYAG ng Malacañang na hindi nila hahayaang tumigil sa pag-aaral ang mga scholar dahil lamang ibinasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dating sumusuporta sa pag-aaral ng mga estudyante. “We want the scholars to continue studying. We don’t want them to go astray,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Aniya, naghahanap na ang Commission on Higher Education (CHED) …

Read More »

Championship sa Asian V8 ‘misteryo’ sa ambush kay Pastor?

NAGKAKAROON na ng linaw sa posibleng motibo ng pagpatay sa Filipino car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Richard Albano, malaki ang paniwala ng pulisya na ang pagiging car racer ni Pastor ang dahilan ng pamamaslang bagama’t hindi isinaisantabi ang personal na motibo. May hawak nang testigo ang pulisya sa …

Read More »

Koreano kinuyog ng ‘dirty dozen’

ISANG Koreano ang naniniwalang nabiktima siya ng isang dosenang marurungis na bata na nag-alok sa kanya ng bulaklak at nanghingi ng limos habang nag-aabang ng taxi sa Malate, Maynila, kamakalawa ng madaling araw. Dumulog sa Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS) ang Koreano na si Yeonkyung Jin, 27, nakatira sa 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig …

Read More »

Bagyong Hagibis ‘di na papasok sa bansa

HINDI na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Hagibis na nasa West Philippine Sea. Ito ang sinabi kahapon ni Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, kasunod ng patuloy na paglayo ng naturang sama ng panahon. Nilinaw rin ng Pagasa na kahit Filipino name ang taglay ng naturang bagyo (Hagibis), hindi ang state weather bureau ang nagbigay ng …

Read More »

Kelot nahulog sa MRT walkway, tigok

TODAS ang isang hindi nakilalang lalaki matapos mahulog mula sa walkway ng MRT Bonifacio Station sa Mandaluyong City kahapon. Ayon kay Roel Teves, tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mismong sa gitna ng northbound lane ng EDSA nahulog ang ‘di kilalang lalaki na nasa pagitan ng edad 30 hanggang 40-anyos. Nakasuot ng shorts at bahagyang marumi ang itsura. Ayon …

Read More »

Aresto vs 3 Pork Senators tiniyak ni De Lima

KOMPIYANSA si Justice Sec. Leila de Lima na uusad ang mga kasong naisampa sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam. Aniya, umaasa silang tulad ng Office of the Ombudsman, makikita rin ng Sandiganbayan ang probable cause sa plunder at graft charges na naisampa laban sa ilang senador, kongresista at agents na kasabwat ni Janet Lim-Napoles. Ayon kay De Lima, maingat …

Read More »

Ikukulong sa Crame off gadgets — PNP

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kapag nakulong sa PNP Custodial Center, Camp Crame ang mga senador na sangkot sa PDAF scam ay mahigpit nilang ipagbabawal ang paggamit ng gadgets. Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, mahigpit nilang ipagbabawal sa bilangguan ang lahat ng uri ng gadgets gaya ng laptop, cellular phones, iPads at iba …

Read More »

Sex video muling itinanggi ni De Lima

DIRETSAHANG itinanggi ni Justice Sec. Leila de Lima kahapon na siya ay may sex video at pinabulaanan din ang iba pang personal na pag-atake sa kanyang pagkatao. Tahasan niyang sinabi na walang ganoong sex video at kung meron man, malamang peke ito. Ayon kay De Lima, labis siyang nasasaktan at na-offend sa aniya’y ‘foul’ na paratang dahil paglapastangan ito sa …

Read More »

PNP nakatutok sa high profile cases — Palasyo

TINIYAK ng Malacañang na kumikilos ang Philippine National Police para malutas ang pinakabagong mga krimen na naganap kamakailan, kabilang ang pagpatay sa dalawang prominenteng tao. Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inatasan ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang pulisya na lutasin ang kaso ng pagpatay sa car racer na si Enzo Pastor at sa negosyanteng si Richard …

Read More »