Sunday , July 13 2025
Leni Robredo

IMK Leni susuyod sa silent majority
Para ipagtagumpay sa pagka-Pangulo si VP Leni

PUSPUSANG susuyurin ng Isang Mamamayan para kay Leni (IMk Leni) ang silent majority mula sa 11 regional chapters sa bansa upang pukawin at imulat ang mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan para suportahan ang kandidatura sa pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo.

Ito ang nilalaman ng paninindigan at pagkakaisa ng mga chapter convenor, sectoral leaders, at mga area coordinators ng IM Pilipinas o Ikaw Muna Pilipinas na may 11 organisasyon ang bultuhang lumipat sa IMk Leni upang tulong-tulong nilang ikampanya ang kandidatura ni VP Leni Robredo.

Lumagda sa isang pahinang manifesto sina Rowena Jaffar ng Northern Mindanao, Jeoff Marshall Cortez ng Caraga, Eunice Dalisay ng Zamboanga, Orville Tatco ng Northern Luzon, Peter Dela Peña ng Mindoro Occidental, Rudy Palapal ng Nueva Ecija, Alex Solis ng Leyte, Elizabeth Dy ng La Union, John Michael Lequigan ng Mandaue, Lislie Llido ng Nueva Ecija, Nikita Malazarte ng Cebu Province, Nelson Vargas ng Bohol, Fave Arthur Sevillano ng Davao de Oro, Francis Sandoval ng Laguna, Hazel Pabre ng Cebu City, Marita Roque ng Tarlac, Dick Castañeda ng Bataan, at Jayson Cruz Luna – Media Head.

Ayon sa pahayag, “buong sigla naming ipalalaganap sa aming mga kasapian, kamag-anak, kaibigan, at makakasalamuhang kababayan ang prinsipyo at adhikain ng Isang Mamamayan para kay Leni (IMk LENI). Walang humpay kaming mag-oorganisa upang ibayong mabuo ang solidong puwersa na gagapi sa nagbabadyang panunumbalik ng madilim na kasayasayan. Bunsod nito ay puspusan naming palalawakin ang bilang ng mamamayan para mapagtagumpayan ang laban na maiangat ang  buhay ng lahat sa pangunguna ni madam VP Leni.”

Ayon kay Rudy Palapal – IM Nueva Ecija Convenor at pinuno ng Farmers Irrigators Association, “Susuyurin namin ang bawat pamayanan at kanayunan sa aming bayan at karatig kanayunan upang magbigay inspirasyon at pakilusin ang ating mga kababayan na suportahan ang ating mithiin na maging Pangulo ng bansa si Madam Leni Robredo.”

Kasabay nito, nagpalabas ng pahayag ng pagsuporta ang Farmers Association of Bukidnon  (FABUK) na may 7,635 miyembro nang magdeklarang suportahan ang kandidatura ni VP Leni at kanyang koponan.

Nilagdaan ang pahayag ng pagsuporta nina Eduardo Narag, Jr., Presidente ng FABUK, Teddy Jumawan, Vice-President at Janice Valdez, Secretary.

Ayon sa FABUK, napakakaunting oras na lang ang natitira at dapat tayong bumangon upang magtrabaho at aktibong mangampanya para sa pinakapanalo at hindi mapag-aalinlanganan, pinaka-kalipikadong kandidato, si VP Leni, may malawak na karanasan, kakayahan at mahusay na mga katangian ng isang pinuno para pamunuan at  labanan ang krisis pang-ekonomiya para sa maunlad na bukas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …