Saturday , May 28 2022
rape

Acts of lasciviousness, grave threat isinampa ng masahista vs Batangas vice mayor

NAGHAIN ng pormal na reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang isang masahista laban kay Mataas na Kahoy, Batangas Vice-Mayor Jay Manalo dahil sa kahalayang ginawa nito habang nagpapamasahe sa loob ng kanilang bahay sa nasabing bayan.

Sa tulong ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang biktimang itinago sa pangalang Marites (di-tunay na pangalan) ay nagharap ng kasong Act of Lasciviousness at Grave Threat laban kay Manalo.

Isinampa ang kaso nitong nakalipas na Martes, 26 Abril, sa National Prosecution Service (NPS) ng DOJ, saka nagpadala ng kopya ng sumbong sa Office of the Provincial Prosecutor ng Batangas.

Sa sinumpaang salaysay ng biktima kay P/SMSgt. (PSMS) Carolina DT Santos ng Women and Children Protection Section ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office (PRO) 4-A sa Camp Vicente Lim, sinabi ng

33-anyos biktima, unang naganap ang pang-aabuso sa kanya noong Hunyo 2021 sa mismong silid ng bise-alkalde sa sariling Santol Farm, ng nasabing bayan.

“Noong araw na iyon po ay na-refer po akong mag-home service kay Ilagan na akong katropa na nagtatrabaho kay vice-mayor na sina Lot at Jojo. Pinapunta po ako ng nasabing araw sa farm ni Vice-Mayor mga 4:00 pm ni Jojo upang mag-massage kay vice-mayor,” anang biktima.

Pagdating niya sa isang maliit na kubo, katabi ng bahay, ay dinatnan niya ang vice-mayor na nagpapagupit kung saan ay may isa rin lalaki na nagkakabit ng CCTV.

“Pagkatapos po noon ay sinabi niyang sa kuwarto na po niya ituloy ang pagmasahe sa kanya sa 2nd floor. Ako po ay pinauna ni vice-mayor sa paglakad papasok sa kuwarto niya…..Pagkatapos po noon ay narinig ko na ini-lock niya ang pinto at ng kinukuha ko po ang lotion sa may (la)mesa, paglingon ko sa kanya ay nakapagtanggal na siya ng damit,” salaysay nito.

“Nagulat po ako, sabay hawak niya sa aking dibdib at itinutulak ako papunta sa kama hangang ako po ay mapahiga. Diniinan ako ng isang braso sa leeg at tinaas niya ang t-shirt at bra ko po sabay pilit na hinahalikan ako at nilamas niya nang mahigpit ang aking dibdib at nang ako nagpumiglas ay hinatak niya ang kamay ko at pinapahawak ang ari niya,” aniya.

Nagpupumiglas umano siya, ngunit “Binalaan niya ako na ‘wag nang manlaban at alam ko na raw ang kakayahan niya na kaya niya akong burahin at sirain ang buhay.”

Habang ginagawan ng kahalayan, sinabi ng biktima na nagsariling sikap umano ang suspect saka nagparaos sa sarili.

Ang pangyayaring ito ay sinabi niya sa isang kasambahay na nagngangalang Ate Annie. Sa labis na takot, hindi na siya nagpakita sa vice-mayor kahit na makailang ulit ipinatawag para magpamasahe.

Enero 2022 ay nasalubong ng biktima ang driver ng vice-mayor sa isang mall at doon inulit na ipinapatawag siya ng suspect.

“Tapos noong February 16 2022 po ay nakatanggap po ako sa messenger ng message kay Lot na magpunta sa bahay niya at magpapa-massage siya. Pumunta po ako at roon may kasunod po akong dumating na isa pang therapist. Bernadette po ang pangalan. Nagkataon lang po na dalawa daw kaming ipinatawag niya para kung sino mauna mag-reply,” wika niya.

Kinumusta umano silang dalawa, pati ang kanilang mga kamag-anak. Nag-alok umano ng tulong sa kanilang dalawa ng therapist na noon lamang niya nakilala,” dagdag nito.

Isinusulat ito’y wala pang sagot hinggil sa paratang si Vice-Mayor Manalo. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …