TINATAYANG P700,000 halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa tatlo katao, kabilang ang dalawang menor de edad na babae at lalaki, nitong Biyernes Santo sa isinagawang buy-bust operation ng Marikina PNP. Sa nakarating na ulat kay S/Supt. Vincent Calanoga, chief of police ng Marikina-PNP, kinilala ang mga suspek na sina Recon Pimba, 38, alyas Recon, may-asawa, isang alyas Yasmin, …
Read More »Power reserves sa Luzon nanganganib (Masinloc power plant bumagsak)
SA harap nang nakaambang aberya sa supply ng koryente sa Luzon, bumagsak kahapon ang Masinloc coal-fired power plant sa Zambales. Ayon kay Department of Energy Electric Power Industry Management Bureau director Mylene Capongcol, tinatayang aabutin ng tatlong araw bago makumpuni ang nakitang leak sa boiler ng planta. Ang Unit 2 ng planta ay mayroong output na 300 megawatts ng koryente. …
Read More »TRO extension vs power rate hike hiniling sa SC
ILANG araw bago ang pagpaso ng temporary restraining order (TRO) laban sa bigtime power rate hike ng Meralco, umapela muli ang mga militanteng mambabatas sa Supreme Court (SC) na palawigin ang pagpigil nito. Nabatid na P4.15 per kilowatthour ang power rate hike dahil sa paniningil ng mga generating company laban sa Meralco. Kasama sa mga naghain ng motion to extend …
Read More »Umatras sa drag racing kelot tinodas (6 pa sugatan)
MATAPOS makipag-karera sa laro ni kamatayan, tinodas ang isang lalaki, habang anim ang sugatan, nang mamaril ang kaniyang tinalong kalaban, kahapon sa Quezon City. Patay na nang makarating sa Commonwealth Medical Center ang biktimang si Jacky Rajaroja, 22-anyos, ng Lot 2, Blk. 30, Tesalonian st., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches. Kinilala ang mga nasugatan na sina Carl Webb, …
Read More »MRT pumalpak na naman
Inihayag ng Metro Rail Transit (MRT) na nagka-aberya ang kanilang operasyon nang masira ang riles sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue stations na nagdulot ng abala sa mga pasahero. Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, dahil sa aberya, nagpatupad ng provisional service ang MRT na nagsimula dakong 9:35 a.m. na ang biyahe ay mula Taft Avenue Station, …
Read More »‘Holy fish’ mabenta
DAGUPAN CITY – Malakas ang benta ngayon sa Pangasinan ng tinaguriang isdang dapa o mas kilala sa tawag na “holy fish” sa panahon ng Semana Santa. Napag-alaman, ang isda ay tinatawag sa lalawigan bilang “kera-ke-ray Diyos” o “tira-tira ng Diyos” dahil ito ang kinain ni Hesus noong muli siyang nabuhay ngunit hindi niya ito inubos kaya’t ibinalik ng mga Apostol …
Read More »Basted ‘nanunog’ ng bahay (Tinalo ng karibal)
ATTEMPTED arson ang kahaharapin ng lalaking nagtangkang sumunog sa bahay ng kanyang karibal, nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Taguig. Swak sa detention cell ng Taguig police ang suspek na si Renato Bianzon, Jr., nasa hustong gulang, tubong Cavite city, nang masakote ng pulisya dahil sa pagtatangka niyang silaban ang bahay ng kanyang karibal na si Johnny Valdez sa Orchids …
Read More »Arrest warrant vs Cedric, Deniece inilabas na
KINOMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nagpalabas na ng arrest warrant ang Metropolitan Trial Court (MTC) ng Taguig laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at limang iba pa na kinasuhan ng grave coercion. Ayon kay De Lima, ang nasabing arrest warrant ay nilagdaan mismo ni Branch 74 Judge Bernard Bernal ng Taguig City MTC. Ang arrest warrant ay …
Read More »Orasyon vs Bradley itinanggi ni Pacmom
PINALAGAN ni Mommy Dionisia, ang celebrated mother ni 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao, ang ulat na gumamit siya ng orasyon laban kay Timothy Bradley, Jr., habang nanonood ng laban ng dalawa sa MGM, Las Vegas. Mariin itinanggi ni Mommy D na gumamit siya ng “spell” o orasyon para matalo si Bradley. Paliwanag ng ina ng Filipino ring icon, pawang …
Read More »Napoles tumatagal sa ospital (Operasyon binibinbin?)
KUKWESTYUNIN ng prosekusyon ang tumatagal na pananatili ni Janet Lim-Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak), at hindi pa rin naooperahan. Ayon kay Special Prosecutor Christopher Garvida, sa susunod na linggo ay matatapos na ang ibinigay na 26 araw ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 para maoperahan si Napoles. Para kay Garvida, kung hindi maisasagawa ang surgery ay mainam …
Read More »‘President Roxas’ joke lang — Palasyo
JOKE lang at hindi pamumulitika ang pagtawag na “President Roxas” kay Interior Secretary Mar Roxas sa pagtitipon na namahagi ang kalihim ng halagang P2-B proyekto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Depensa ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga bumatikos sa tila maagang pamumulitika ng Liberal Party nang tawagin na “President Roxas” ang DILG secretary ni …
Read More »125 preso nag-hunger strike sa CDO
CAGAYAN DE ORO CITY – Mas lalo pang hinigpitan ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa Cagayan de Oro-Lumbia City Jail sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ito’y bunsod ng isinasagawang hunger strike ng 125 inmates na mga miyembro ng grupong tinaguriang “Batang Mindanao” (BM-29) sa nasabing kulungan. Inihayag ni City Jail Warden Supt. Erwin Kenny Ronquillo, totoong hindi tinanggap ng …
Read More »P50 pusta ‘di binayaran padyak boy tinarakan
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng 32-anyos pedicab driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang nakapustahan sa labanang Pacquiao- Bradley kamakalawa ng hapon, sa Navotas City. Inoobserbahan sa Tondo General Hospital (TGH) ang biktimang kinilalang si Jonathan Parcia, 32, residente ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan. Agad naaresto …
Read More »Magsasaka, baboy todas sa koryente (Nagpaligo ng mga alaga)
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka nang tangkain saklolohan ang kanyang mga alagang baboy na nakoryente sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela. Kinilala ang biktimang si Mark Jay Abon, 20, may-asawa, magsasaka at residente sa nasabing lugar. Si Abon ay nagtungo sa kanyang piggery ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay upang linisin ang kulungan ng kanyang mga …
Read More »Pag-ibig mensahe ng Palm Sunday – Tagle
BINASBASAN ng pari ang mga palaspas ng mga deboto bilang hudyat ng Semana Santa sa Redemptorist Church, Baclaran, Paranaque City. (JIMMY HAO) MAS mabibigyan nang kabuluhan ang paggunita ng mga mananampalataya ng Semana Santa sa pamamagitan nang pagtulong sa kanilang kapwa. Sa kanyang mensahe, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kababayan na isabuhay ang mga aral hinggil …
Read More »Laptop bawal sa Bar exam-SC
HINDI pinayagan ng Korte Suprema ang paggamit ng laptop sa panahon ng Bar Examinations. Sa en banc resolution noong April 1, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kahilingan ng isang Cora C. Amarga na pahintulutan ang paggamit ng laptop ng mga examinee. Paliwanag ng SC, walang balido at walang kapani-paniwalang dahilan upang pagbigyan ang petisyon ni Amarga na naglalayong magamit ang …
Read More »8 patay, 14 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan
DAVAO CITY – Patay ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, habang 14 ang sugatan sa banggaan ng apat na sasakyan sa bahagi ng Ma-a Diversion road dakong 8 p.m. kamakalawa. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck kaya nabangga ang mga sasakyang sinusundan kabilang na ang puting Tamaraw FX na may lulang 15 katao. Kinilala ang …
Read More »Bradley KO kay PacMan (Palasyo ‘pumusta’)
UMAASA ang Palasyo na mapatutumba ni pambansang kamao Manny Pacquiao ang katunggaling si Timothy Bardley, Jr., sa kanilang rematch ngayon sa Las Vegas, Nevada. “Ang mensahe po natin doon sa Pambansang Kamao ay umaasa po tayong isa na namang pagtumba ang mangyayari at mananaig. Confident tayo na mananaig si Manny Pacquiao over Timothy Bradley,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. …
Read More »P20-M patong vs Tiamzons isinubi ni Gazmin, Roxas (Bayan Muna Rep. hinamon ng Palasyo)
HINAMON ng Palasyo si Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na maglabas ng katibayan sa kanyang alegasyong ibinulsa ng dalawang miyembro ng Gabinete ang reward money para sa pagdakip sa matataas na opisyal ng kilusang komunista sa bansa. Kinuwestiyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang batayan ni Zarate sa pagbibintang kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Interior Secretary Mar Roxas …
Read More »Cabañero inasunto ng pageant organizer
Kinasuhan ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidatang si Roxanne Cabañero. Humirit ang Slimmers World International ng P1 milyon danyos para sa paulit-ulit na pagbanggit ni Cabañero sa pangalan ng organisasyon at sa Miss Bikini Philippines sa inihaing reklamo at mga panayam kaugnay ng umano’y panggagahasa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro. Nakasaad sa kasong …
Read More »Deniece, Cedric 5 pa no bail (Mosyon vs illegal detention ibinasura)
WALANG piyansa ang serious illegal detention na kinakaharap nina Deniece Cornejo, Cedric Lee at limang iba pang akusado. Naghain ng motion for the determination of probable cause ang kampo nina Lee at Cornejo ukol sa kasong serious illegal detention na iniakusa ng aktor na si Ferdinand “Vhong” Navarro. Ngunit ilang minuto makaraan ang pagsusumite ng mosyon, ipinabalik ito ng Taguig …
Read More »Rape case vs Vhong Ibinasura ng DoJ (Cedric, Deniece pasok sa illegal detention)
TULUYAN nang ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host/actor na si Vhong Navarro. Ito’y batay sa inilabas na resolusyon ng panel of prosecutors na may hawak sa kaso. Kasabay nito, isinampa na ang kasong serious illegal detention at grave coercion laban kina Cornejo, Cedric Lee at iba …
Read More »Chief of staff ng Bulacan board member todas sa tandem
AGAD binawian ng buhay ang chief of staff ng board member ng lalawigan ng Bulacan makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang minamaneho ang kanyang Bes-ta van sa Brgy. Longos, sakop ng bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga. Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Edwin Inocencio, 35, may-asawa, residente ng Brgy. San Sebastian, …
Read More »P50K dagdag ng ALAM sa pabuya vs killer ni Garcia (Patong sa ulo ng killer P150K na)
MAGBIBIGAY ng karagdagang P50,000 ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa sino mang makapagtuturo sa mga responsable sa pagpatay sa reporter ng Remate tabloid na si Rubie Garcia. Bunsod nito, aabot na sa P150,000 ang nakalaang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip sa mga suspek sa krimen. Ayon kay ALAM national chairman Jerry Yap, handang magbigay ang nasabing grupo …
Read More »NAGTIRIK ng kandila ang mga miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM),…
NAGTIRIK ng kandila ang mga miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at CAMPO bilang paghiling ng hustisya sa pagpaslang sa reporter na si Rubie Garcia, sa Imus Cathedral sa Imus, Cavite kahapon ng umaga. (Mga kuha nina RAMON ESTABAYA at RIC ROLDAN)
Read More »