Saturday , April 1 2023
Shabu lab nalantad BEBOT, 4 KELOT HULI SA P544-M SHABU

Shabu lab nalantad  
BEBOT, 4 KELOT HULI SA P544-M SHABU

NADISKOBRE ang shabu laboratory ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Task Force NOAH, Team Navy, PDEG at PNP Region 4A sa magkahiwalay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng lima katao sa lalawigan ng Cavite at pagkakakompiska ng P544 milyong halaga ng shabu kahapon ng umaga.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang naunang nadakip na sina Dominador Robasto Omega, Jr., at Siegfred Omega Garcia.

Base sa ulat, pasado 8:00 am nang isagawa ang operasyon sa Blk 34 Lot 14 Hyacinth St., Camella Homes, Dasmariñas, Cavite.

Nakuha mula sa mini-shabu lab ng dalawa ang 60 kilong shabu na nagkakahalaga ng P408 milyon, butane stove, cooking equipment, gallon na may lamang chemical, rectangular plastic containers na may lamang white crystalline substance, air purifier, samot-saring drug paraphernalia, cellphone at mga identification card. 

Samantala naaresto sa hiwalay na operasyon sina Elaine Maningas y Calusin, Ricardo Santillan y Santiago, at Laurel Dela Rosa y Salceda.

Dakong 8:00 am din nang isagawa ang buy bust operation ng mga awtoridad sa Blk 11 Lot 1 Buenavista Townhomes, General Trias Cavite.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang 20 kilo ng shabu na may halagang P136 milyon, 6 cellphones at ginamit na buy bust money.

Nakapiit ang mga suspek at nakatakadang sampahan ng paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN/BOY PALATINO)

About Almar Danguilan

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …