Thursday , March 30 2023

Sekyu sinagasaan sa Mandaluyong  
RECKLESS SUV DRIVER KAPAG ‘DI PA LUMITAW, FRUSTRATED MURDER POSIBLENG IHAIN – LTO

060822 Hataw Frontpage

SASAMPAHAN ng kasong frustrated murder ang hindi sumipot na driver ng sports utility vehicle (SUV) na ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) matapos banggain ang security guard na nagmamando  ng trapiko saka tumakas sa Mandaluyong City noong Linggo.

Dumalo sa pagdinig ang 157 Raptor Agency Operation Manager na si Chrisbern Soriano at sinabi niyang inaasikaso nila ang kapakanakan at paggaling ng kanilang tauhan.

Nabatid na nakikipag-usap ang suspek sa opisina ng biktima pero hindi malinaw kung nakikipag-aregalo ang kampo ng SUV driver.

Halos dalawang oras na nag-abang ang ilang miyembro ng Intelligence and Investigation Division ng LTO, media, at kinatawan ng 157 raptor agency sa  suspek, ngunit hindi sumipot.

Dahil dito muling sinilbihan ng show cause order ng LTO ngayong 7 Hunyo ang SUV driver.

Ayon kay Renante Militante, Officer-In-Charge ng Intelligence and Investigation Division ng LTO, itatakda ang pinal na pagdinig ng kaso sa Biyernes, 10 Hunyo 2022, dakong 1:00 pm.

Kapag hindi muling sumipot ang SUV driver, tuluyan nang tatanggalan ng lisensiya ng LTO ang  suspek.

Kaugnay nito, sinabi ni Mandaluyong police chief P/Col. Gauvin Mel Unos, ang kanilang inisyal na imbestigasyon ay nagpakita ng reckless imprudence resulting in physical injuries bilang paunang kaso pero posibleng sampahan ng frustrated murder ang suspek.

“Noong ni-review natin ‘yung video na na-post sa social media, puwede namin i-file siya ng ‘frustrated murder’ due to the circumstances na napanood from the video that was uploaded,” ani Unos.

Magugunitang unang pinadalhan ng show cause order ng LTO ang driver na hindi pinangalanan dahil umano sa data privacy.

Inutusan din ang driver na magsumite ng written explanation kung bakit hindi siya dapat sampahan ng kasong administratibo sa reckless driving at kung bakit hindi dapat suspendehin o bawiin ang kanyang lisensiya. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …