ISINUMITE na ng Bangsamoro Development Agency sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang blueprint para sa rehabilitasyon at pagpapaunlad ng mga lugar na naapektohan ng gulo sa Mindanao. Batay sa blueprint na inihain kahapon, mula sa transition period hanggang sa halalan ng opisyal ng Bangsamoro political entity, kakailanganin ang P110 bilyong pondo partikular para sa pagpapa-tayo ng mga impraestruktura at …
Read More »Masonry Layout
3 todas sa onsehan sa droga (Sa CSJDM, Bulacan)
PINAGBABARIL hanggang mapatay ng armadong kalalakihan ang tatlo katao sa tinutuluyan nilang bahay kamakalawa sa CITY of San Jose Del Monte, Bulacan. Sa imbestigasyon, anim armadong lalaking sakay ng tatlong motorsiklo ang biglang duma-ting sa tinutuluyang bahay ng mga biktima sa Brgy. Sto. Cristo, sa naturang lungsod. Tatlo sa kanila ang pumasok at pinagbabaril ang mga biktima na agad ikinamatay …
Read More »Sementeryo para sa LGBT itinayo ng Cavite
NAGTAYO ng libreng sementeryo para sa lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community ang lokal na pamahalaan ng Rosario, Cavite. Inilaan ang mga pink na puntod para sa mga bakla habang puntod na may rainbow border ang para sa mga lesbian. Ikinatuwa ng mga miyembro ng LGBT ang espesyal na libingan na anila’y maituturing na pagtanggap sa kanila ng bayan. …
Read More »Pink na kabaong agaw-atensyon sa Bacolod
BACOLOD CITY – Agaw-atensiyon sa mga dumalaw sa puntod ng kanilang mga namayapang kamag-anak sa Burgos Public Cemetery at Patyo Romano Katoliko sa lungsod ng Bacolod, ang isang kabaong sa harapan mismo ng sementeryo at marami ang nag-selfie. Ang kabaong na ini-display ng isang puneraryia bilang bahagi ng kanilang mga promosyon sa undas ay kulay pink at pwedeng pumasok ang …
Read More »Kelot utas sa pedicab driver
PATAY ang isang lalaki makaraan saksakin ng pedicab driver na kanyang kinutusan kamakalawa sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang si Joel Ultra, 39, ng #45 Bonifacio St., Brgy. Baritan ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa leeg at kaliwang bahagi ng katawan. Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si …
Read More »Mercado sinungaling — JV Bautista
INAKUSAHANG sinungaling ng abogadong si JV Bautista ang star witness ng Senate Blue ribbon sub-committee na si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado matapos ipakita ni Bautista ang mga dokumentong nagpapatunay na naospital nga si Mercado noong Oktubre a-uno ng taong ito. Matatandaang hinamon ni Mercado ang kampo ni bise presidente Jejomar Binay noong Oktubre 22 na magpalabas ng ebidensya …
Read More »Spokesmen ni Binay pinalabas
NAGKAROON ng tensiyon sa pagdinig ng Senate blue ribbon sub-committee kahapon kaugnay ng imbestigasyon sa mga isyu ng korupsyon laban kay Vice President Jejomar Binay. Ito ay nang sumugod sa pagdinig ng lupon na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel, ang dalawang tagapagsalita ni Binay na sina Rep. Toby Tiangco at UNA Secretary General JV Bautista at nais magsalita. Ngunit agad …
Read More »3 MIAA employees sinibak vs human trafficking
ISINAILALIM sa preventive suspension ang tatlong empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) bunsod ng pagkakasangkot sa human trafficking activities kaugnay sa apat na babaeng patungo sa Lebanon via Abu Dhabi nitong Sabado, Oktubre 25. “MIAA employees who are involved in the human trafficking have been re-assigned without prejudice of having preventive suspension while under investigation,” pahayag ni MIAA …
Read More »Ex-Sen. Flavier pumanaw na
PUMANAW na ang dating health secretary at senador na si Juan Flavier, pasado 4 p.m. kahapon. Binawian ng buhay ang 79-anyos politiko dahil sa multiple organ failure sanhi ng pneumonia, ayon sa manu-gang niyang si Robby Alampay. Dinala siya sa National Kidney Institute noong Setyembre hanggang siya ay pumanaw. Kilala si Flavier sa “Let’s DOH it” campaign ng kagawaran, Stop …
Read More »P70.9-B master plan aprub kay PNoy (Para sa biktima ng Yolanda)
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang P170.9-bilyong master plan para sa muling pagtatayo ng mga kabahayan, istruktura, at kabuhayan ng mga sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., 171 lokal na pamahalaan sa anim rehiyon na apektado ng Yolanda ang makikinabang sa 8,000-pahinang master plan na isinumite ni rehab czar …
Read More »Cebu Pacific kasado na sa Undas
INAASAHAN ng Cebu Paci-fic (CEB), ang Philippines’ leading carrier, ang pagsakay ng 18 porsiyentong dami ng mga pasahero sa panahon ng Undas, kompara nitong nakaraang taon. Pinaalalahanan ng airline ang lahat ng mga pasahero na maging maaga sa paliparan sa peak travel period. “We recommend that passengers allow enough travel time when going to the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …
Read More »Konseho ng Caloocan pumalag sa mataas na bail bond
PINALAGAN ng konseho ng Caloocan ang napakataas na bailbond na iniutos ni Regional Trial Court (RTC) Judge Dionisio Sison sa ha-lagang P100,000 para sa indirect contempt. Sinabi ni Majority Floorleader Kon. Karina Teh, napakalaki at hindi makataru-ngan dahil mula sa kasong civil na ipinag-utos ng kor-te na magpasa ang konseho ng isang ordinansa para sa pagbabayad sa parcel ng loteng …
Read More »14-anyos estudyante nagbigti
PALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagpapakamatay ng isang 14-anyos estudyante sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Navotas City. Kinilala ang biktimang si Eduardo Martin Manguni, estudyante ng Tanza National High School, at residente ng Block 6, Lot 30, Carville Subdivision, Brgy. Tanza ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni PO2 Allan Bangayan, 12:10 a.m. nang matagpuang nakabigti ang biktima …
Read More »Atty. Roque ipinadi-disbar
IKINOKONSIDERA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasampa ng reklamo laban kay Atty. Harry Roque makaraan ang pagsugod sa Camp Aguinaldo kasama ang mga kliyenteng pamilya Laude noong Oktubre 22. Matatandaan, sumampa sa bakod ng kampo sina Marilou Laude, kapatid ng pinaslang na transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer, at Marc Sueselbeck, fiance ng biktima, sa pagnanais …
Read More »Tattoo artist itinumba
PATAY ang isang tattoo artist makaraan pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Carlo Raymond Buot, 33, residente ng Ilang-Ilang St., Maligaya Park Subd., Brgy. 177 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo. Habang pinaghahanap ang dalawang hindi nakilalang mga suspek na …
Read More »Adik lasog sa trak
NALASOG ang katawan at nadurog ang ulo ng isang 49-anyos lalaki makaraan salubungin ang 16 wheeler truck at magpasagasa sa nasa-bing sasakyan sa Zaragosa at Delpan Streets, Tondo, Maynila kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Amelito Laurito, alyas Bulldog, ng B. San Bernardo St., Tondo. Ayon sa imbestigas-yon, dakong 8:30 p.m. bigla na lamang sinalubong ng biktima ang …
Read More »Babaeng tulak todas sa ex-con
PATAY ang isang 30-anyos ginang na sinasa-bing tulak ng droga ma-karaan pagbabarilin ng isang ex-convict kamakalawa sa loob ng sementeryo sa Pasay City. Nalagutan ng hininga habang dinadala sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Marnile Bodejas, ng Block 38, Lot 6, Mahogany St., Brgy., Santo Nino Pasay City. Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga pulis laban sa suspek …
Read More »P1.2-M shabu tiklo sa dealer
CEBU – Naaresto ang isang hinihinalang drug dealer sa buy-bust ope-ration sa Cebu City kamakalawa. Ang suspek na si Leny dela Cruz ay naa-resto sa Brgy. Lorega, Cebu City makaraan ireklamo ng kanyang mga kapitbahay sa pulisya ang kanyang illegal na ope-rasyon. Ilang pakete ng crystal substance, pinaniniwalang shabu, ang narekober ng mga tauhan ng Intelligence Branch ng Cebu City …
Read More »Wage hike sa titsers didiskartehan ng palasyo
PINABORAN ng Malacañang ang dagdag na sahod sa mga guro sa buong bansa. Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag kasunod ng kilos protesta ng mga pampublikong guro sa Kongreso para humiling ng wage increase. Sa kasalukuyan, tumatanggap ang mga guro nang mahigit P18,000 kada buwan sa entry le-vel kahit dapat P30,000 para sa disenteng pamumuhay. Sinabi ni Coloma, …
Read More »3 baby girl isinilang ng Caviteña
TATLONG baby girl ang isinilang ng isang 21-anyos ginang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Dakong 4:30 a.m. kahapon nang isilang ni Maria Teresa Madeja, ng Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite ang tatlong malulusog na sanggol sa caesarian section ng ospital. Iprinesenta ng mga staff ng DJFMH mula sa Neo-natal Intensive Care Unit, sa mga photo journalist ang tatlong sanggol. Papangalanan …
Read More »Davao PNP Chief kinasuhan ni misis sa DOJ
KINASUHAN ng kanyang misis sa Department of Justice (DOJ) ang hepe ng Davao Police na si Senior Superintendent Vicente Danao. Paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 ang inihaing reklamo ni Ginang Susie Danao. Kwento ng ginang sa kanyang reklamo, taon 2002 hanggang 2013 nang makaranas siya at kanyang mga anak ng physical …
Read More »2015 budget ng PNR lumobo
INAASAHANG aangat ang serbisyo ng Philippine National Railways (PNR) sa susunod na taon. Ito ang tiniyak ni PNR General Manager Joseph Allan Dilay makaraan kompirmahing tumaas ang naaprubahang badyet para sa kanilang tanggapan. Unang lumabas sa mga ulat na mula sa P1.2 bilyong panukalang 2015 budget ng PNR, tinapyasan ito ng Budget Management Department at bumaba sa P546 milyon ngunit …
Read More »Retired principal utas sa utol na retired teacher
KORONADAL CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang retired principal makaraan barilin ng kanyang kapatid na retired teacher kahapon ng umaga sa Brgy. Topland, Koronadal City. Kinilala ang biktimang si Francisco Arcallo, 67, retired principal, binaril ng kanyang nakababatang kapatid na si Piloteo Arcallo, isang retired teacher. Ayon sa inisyal na report, away sa lupa ang …
Read More »Suspension vs Gov. Tallado sa sex scandal
POSIBLENG masuspinde si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado kaugnay ng kinasa-sangkutang eskandalo sa pagkakaroon ng kala-guyo. Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque III, hindi magandang halimbawa at/o modelo ang ginawa ni Tallado. Sinabi niya, alinsu-nod sa Administrative Code of 1987, bilang isang public official ay nagdulot ng kahihiyan hindi lamang sa kanyang opisina kundi sa buong probinsya …
Read More »Reblocking ng DPWH ipinatigil ng MMDA
IPINATIGIL muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works & Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng road re-blocking sa ilang lugar na apektado ng proyekto at ang number coding sa provincial buses upang mabigyan daan ang paggunita ng Undas. Suspendido ang number coding na ipinatutupad sa provincial buses simula ngayong araw (Oktubre 30), base sa abiso ng …
Read More »