DALAWANG lalaki ang nasa malubhang kalagayan makaraang mabiktima ng pamamaril noong araw ng Martes sa magkahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Kritikal ang kalagayan sa Tondo Medical Center (TMC) ng unang biktimang si Lucino Laguros, 54 anyos, tricycle driver at naninirahan sa Area 3 Labahita St., Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng tama ng bala …
Read More »Masonry Layout
2 trike driver huli sa P84K ilegal na droga
SWAK sa kulungan ang dalawang tricycle driver na kapwa sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naarestong suspek na sina Roberto Calixto, 54 anyos, residente sa B24 L4 2nd St.; at Allan Almario, 40 …
Read More »Pamamahagi ng 2021 ECQ ayuda tapos na sa Maynila
NAIPAMAHAGI na ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa 380,820 benepisaryo ang tig-P4,000 ECQ cash assistance mula sa national government. Batay sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang Lungsod ng Maynila ang kauna-unahang LGU na nakatapos ng distribusyon ng ayuda sa buong National Capital Region. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, hangad ng …
Read More »Baseco beach nanatiling no swimming zone
NANATILING sarado sa publiko ang Baseco beach sa Maynila. Ayon kay P/Lt. Philip Fontecha, Police Community Precinct 13 commander, bawal pang maligo ang mga residente kahit summer na. Hangga’t wala aniyang utos si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mananatiling bawal ang paliligo sa Baseco beach. Gayonman, sinabi ni Fontecha, pinapayagan naman ng kanilang hanay ang mga residente …
Read More »Wanted na carnapper nasakote sa Maynila (10 taong nagtago)
ARESTADO ang isang lalaking wanted sa carnapping matapos ang halos 10 taong pagtatago sa batas sa lungsod ng Maynila. Taong 2011 pa lumabas ang warrant of arrest laban kay Christopher Pacamara, 47 anyos. Ayon kay P/Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police, kilala ang lalaki sa pagnanakaw ng sasakyan sa lungsod. Palipat-lipat din umano ang …
Read More »Sayyaf nalambat ng NBI QC base
NADAKIP ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang operasyon sa Maharlika Village, Taguig City ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) – Counter Terrorism Division na nakabase sa Quezon City. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang ASG member na si Wahab Jamal, alyas Ustadz Halipa. Siya ay nadakip nitong 7 Mayo …
Read More »Kawatan todas sa shootout, kasabwat nakatakas (Bahay ng OFW niransak sa Nueva Ecija)
PATAY ang isang suspek habang nakatakas ang isa pa nang mauwi sa running gun battle ang habulan sa pagitan ng mga awtoridad at mga kawatang nanloob sa bahay ng isang OFW nitong Martes ng gabi, 11 Mayo, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa isinumiteng ulat ni P/Col. Jaime Santos kay P/BGen. Valeriano De Leon, dead …
Read More »11 suspek nalambat ng PDEA3 (2 drug den sa Angeles City sinalakay)
NALAMBAT ang 11 indibidwal na hinihinalang pawang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga at pagmamantina ng drug den sa serye ng pagsalakay sa dalawang drug den nitong Martes ng gabi, 11 Mayo, ng mga kagawad ng PDEA3 sa pakikipag-ugnayan sa Angeles City PNP, sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PDEA3 Director Christian Frivaldo …
Read More »Siklista patay sa ‘epileptic’ na AUV driver (Nahati ang katawan)
KAHILA-HILAKBOT ang naging kamatayan ng isang siklista nang mahati ang katawan matapos masagasaan ng isang AUV sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1o Mayo. Nabatid sa ulat ng pulisya, sakay ng kanyang bisikleta ang biktimang kinilalang si Tani Cruz nang sagasaan ng isang AUV, may plakang ZKX 667. Sa tindi ng pagkasagasa sa biktima, nagkalasog-lasog …
Read More »Trillanes 2022 (Para sa survival ng bansa)
PUNTIRYA ni dating Senador Antonio Trillanes IV na maging susunod na presidente ng Filipinas pagbaba sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Ayon kay Trillanes, nais niyang maging standard bearer ng opposition coalition 1SAMBAYAN bilang kapalit ni Vice President Leni Robredo sa 2022 elections. Nagpasya si Trillanes at ang Magdalo Group na sabihin sa 1SAMBAYAN ang balak …
Read More »NEA chief kinasuhan ng PACC (Partylist group pinondohan ng pera ng bayan)
ni ROSE NOVENARIO SINAMPAHAN ng kaso ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong dahil sa pagbalewala sa paggamit ng pondo ng bayan para tustusan ang kampanya ng isang partylist group. Ayon kay PACC chairperson Greco Belgica, naghain online ang PACC ng kaso laban kay Masongsong. Batay sa resulta ng imbestigasyon ng …
Read More »‘Terror list’ ng ATC ilalabas ngayon
ISASAPUBLIKO ng Anti-Terrorism Council (ATC) ngayon ang listahan ng mga pangalan ng mga indibiduwal na itinuturing ng gobyerno bilang terorista. Inihayag ito kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., sa kanyang pagharap sa oral arguments sa Korte Suprema kaugnay ng mga petisyong ipawalang bisa ang Anti-Terrorism Act ( ATA). “There is a resolution of the Anti-Terrorism Council …
Read More »4.3-M estudyante pre-registered na para sa SY 2021-2022 — DepEd
BINUBUO ng mga estudyante mula sa kindergarten, grade 1, 7 at 11 ang 4,300,000 nagparehistro sa pre-registration para sa School Year 2021-2022. Tiniyak ni Department of Education Undersecretary Jesus Mateo, mula sa kindergarten, grade 1, grade 7 at grade 11 ang mga mag-aaral na nakapagparehistro na. Aniya, halos 95% sa bilang na ito ay kumakatawan sa mga mag-aaral …
Read More »Mayor Tiangco nabakunahan na ng 2nd dose
NAKOMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang coronavirus disease 2019 (CoVid-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy. “Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makompleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa CoVid-19. Kailangan pong makompleto ang first at …
Read More »Lolo, 8 kelot huli sa tupada
ISANG lolo kabilang ang walong kalalakihan, ang nasakote ng Oplan Galugad nang maaktohang nagsasabong sa isang tupadahan sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Joel Villanueva, ang mga inaresto na sina Nestor Cator, 62 anyos, Roger Garcia, 47 anyos, Edison Ybañez, 33 anyos, Joel Toñacao, 54, Ronilo Peronilo, 35, Arman Enmil, 32, Rico …
Read More »2 MMDA traffic enforcers sibak sa extortion
SINIBAK sa serbisyo ang dalawang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos mag-viral sa social media ang video ng kanilang ginawang pangingikil. Kinilala ang dalawang enforcer na sina Edmon Belleca at Christian Malemit, na kapwa guilty sa kasong extortion at grave misconduct. Napag-alaman nakunan ng video ang dalawa noong 23 Abril 2021 na nanghihingi ng halagang P1,000 …
Read More »Babaeng nabundol ng fire truck nabulag
NASAGASAAN ng fire truck ng Bureau of Fire Protection ang 31-anyos babae nitong Linggo ng gabi sa bayan ng Pateros. Sinabing ligtas na ang biktimang si Annie Tiar ngunit kinailangang operahan upang tanggalin ang labis na napinsalang mata. Kinilala ang suspek na si FO2 Ramon Lactao II, 36 anyos, nakatalaga sa Pateros Fire Station, kasalukuyang nasa kustodiya ng …
Read More »Tulak dinakma ng parak sa buy bust
NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.1 milyong hinihinalang shabu mula sa isang drug suspect na naaresto kamakalawa sa Makati City. Nasa kustodya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11, Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Ernesto Macaraig, Jr., 38 anyos. Base sa report …
Read More »Kalalayang Chinese na drug ex-offender todas sa ambush
PATAY ang isang Chinese national na kalalaya pa lamang sa kulungan habang kasama ang isang babaeng paralegal staff sa loob ng isang taxi nitong Lunes ng gabi sa Parañaque City. Hindi umabot nang buhay sa Parañaque Doctors Hospital ang biktima na kinilalang si Wang Teng Shou, nasa hustong gulang at residente sa Malate, Maynila, may mga tama ng bala …
Read More »Muslim group sumugod sa Manila City Hall (Akala may ayuda)
ILANG grupo ng mga Muslim ang napasugod sa labas ng City Hall sa lungsod ng Maynila kahapon. Ito’y upang pumila para makakuha ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan. Dahil dito, nabigla ang mga nagbabantay sa entrance ng Manila City Hall kaya’t nagpatulong sila sa mga pulis para masigurong nasusunod ang inilatag na health protocols. Pero ayon sa …
Read More »2 most wanted magnanakaw sa Gapo arestado (Operation Manhunt Charlie)
NADAKMA ng mga awtoridad ang dalawang suspek na itinuturing na most wanted ng lungsod ng Olongapo, sa lalawigan ng Zambales, pinaniniwalaang sangkot sa pagnanakaw sa isinagawang Operation Manhunt Charlie nitong Lunes, 10 Mayo, sa Brgy. Sta. Rita, sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang mga suspek na sina Ar Jhay De Jesus, alyas …
Read More »3 tulak timbog drug bust (Sa Angeles City, Pampanga)
NASAKOTE ang tatlong suspek na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa inilatag na drug bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit at Police Station 3 ng Angeles City Police Office nitong Lunes, 10 Mayo, sa Purok 5B, Citi Center, Brgy. Pandan, Angeles City, Pampanga. Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan, hepe ng Angeles City Police Office, …
Read More »P1.9-M droga kompiskado 4 rich kids arestado sa BGC
APAT na lalaking tinaguriang ‘rich kids’ ang inaresto ng mga awtoridad, matapos makompiskahan ng halos P1.9 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy nitong 6 Mayo sa Bonifacio Global City, Taguig City. Sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Timothy Joseph Espiritu, alyas Elix, Lorenzo Vito Barredo, John Valdueza Galas, at Aureo Alota Cabus, Jr. Nakompiska sa apat na …
Read More »12 ‘sugarol’ arestado (Sa Meycauayan, Bulacan)
HINDI alintana ang matinding init ng panahon, at kahit pawisan, tuloy pa rin sa pagsusugal ang mga naarestong kalalakihan sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 11 Mayo. Nadakip ang tatlong suspek na kinilalang sina Deopete Valdemar, Justin Encartado, at isang 16-anyos na menor de edad, pawang mga residente sa Barangay Bayugo, sa nabanggit na lungsod sa …
Read More »‘Umbrella Cockatoos’ ilegal na ibinebenta, 2 online sellers timbog sa Bulacan
DINAKIP ng mga operatiba ng Environmental Protection and Enforcement Task Force (EPETF) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pulisya sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan ang dalawang illegal wildlife traders ng ‘umbrella cockatoos’ (cacatua alba), isang uri ng ibong loro, sa isang entrapment operation. Kinilala ni P/Cpl. Niño Gabriel, imbestigador ng Baliuag Municipal Police Station, …
Read More »