Tuesday , September 27 2022
Daniel Fernando Maria Esperanza Christina Frasco Singkaban Festival Bulacan

“Magkapit-bisig tayo sa pagpapayabong ng pamanang ito” – Fernando

NANAWAGAN si Gob. Daniel Fernando sa kanyang mga kapwa Bulakenyo na ipagpatuloy ang pamana ng Singkaban Festival sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang linggong mga aktibidad na inilaan upang ipagbunyi ang mayamang kultura at kalinangan ng lalawigan ng Bulacan sa ginanap na Grand Opening sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa lungsod ng Malolos, nitong Huwebes, 8 Setyembre.

“Kapit-bisig tayo sa pagpapayabong ng pamanang ito na nananaig sa gitna ng anumang hamon at nagpapatuloy sa bawat yugto ng kasaysayan ng ating lalawigan,” anang gobernador.

Ayon sa People’s Governor, ipinagmamalaki ang Bulacan bilang lalawigan na may pinakamaraming pambansang alagad ng sining sa halos lahat ng kategorya.

“Ito ang ating lahi. Ito ang ating pamana. Tandaan po natin na ang Bulacan ay dakilang lalawigan na karapat-dapat sa ating matapat na pagmamahal,” ani Fernando.

Ibinahagi din niya na kanyang ilulunsad ang Dulaang Filipino, isa sa kanyang mga prayoridad na proyekto bilang isang aktor sa telebisyon at teatro, na naglalayong tumuklas ng mga bagong artista naturang larangan.

“Hangad ko po na manatiling buhay ang tunay na diwa ng Singkaban, ang kalinangan at kabutihan ng isang tunay na Bulakenyo,” aniya.

Samantala, para sa kanyang bahagi, saludo sa mga Bulakenyo ang Kalihim ng Kagawaran ng Turismo Maria Esperanza Christina Frasco na kinatawanan ni Undersecretary Ferdinand “Cocoy” Jumapao dahil sa kanilang katatagan sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemya.

“Sa lahat ng pinagdaanan natin, lalo na dahil sa pandemya, nakakataba ng puso makita kayong mga Bulakenyo na nagkakaisa para ipagpatuloy ang mayamang tradisyon ng Bulacan,” ani Jumapao.

Tiniyak din niya sa mga Bulakenyo na kaisa nila ang DOT sa pagpapalago ng katangi-tanging natatagong destinasyon sa lalawigan.

“Isa sa mga prayoridad ng DOT under Sec. Frasco ang pantay-pantay na pagpapaunlad ng destinasyon, higit lalo doon sa mga natatagong yaman at tanawin. Makakaasa kayo na hindi makakalimutan ng DOT ang Bulacan lalo na at isa ito sa mga kaakit-akit na lugar na may natatanging potensyal sa daigdig ng ekonomiya,” dagdag ng undersecretary.

Matapos ang programa, ginanap ang Parada ng Karosa kung saan 11 karosa ang nakiisa kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, mga lungsod ng Malolos at Meycauayan, at mga bayan ng Bocaue, Bulakan, Guiguinto, Hagonoy, Pandi, Paombong, Santa Maria at San Rafael.

Nakaangkla sa temang “Patuloy na Pagsikhay Tungo sa Tagumpay” ang Singkaban Festival sa taong ito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …