Tuesday , September 27 2022

Bulacan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan

UPANG talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa Bulacan, nakipagpulong si Gob. Daniel Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang nitong Lunes, 5 Setyembre.

Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan sa mungkahing Bulacan Mega City sa mga bayan ng Balagtas, Bocaue, at Pandi na iprinisinta ni Pandi Mayor Enrico Roque.

Ayon sa gobernador, mahalaga na nagtutugma ang mga ganitong klase ng pag-unlad sa iba pang bahagi ng lalawigan.

Samantala, ibinihagi ni RSA kay Fernando na dalawa sa ilang iminumungkahing access roads patungo sa Bulacan airport ang Marilao Interchange at Tabang Interchange sa Guiguinto.

Samantala, bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility, ibinalita ni RSA na kasalukuyang nagsasagawa ang SMC ng malawakang dredging project sa apat na pangunahing river system sa lalawigan.

Nangako din si RSA na patuloy na aalamin at tutulong sa paghuhukay ng iba pang lokal na ilog sa lalawigan bilang tugon sa kahilingan ng gobernador, at karagdagan sa walong kasalukuyang dredging project sa Bulacan.

Sinabi din niya na naipreserba ang 300-ektaryang Bulakan Mangrove Ecopark sa kabila ng ginagawang kontruksyon ng paliparan sa Bulacan.

“Ngayon pong panahon ng tag-ulan, magandang balita po para sa mga Bulakenyo na marinig natin mula mismo kay Sir Ramon Ang na katuwang natin sila sa paggawa ng hakbang upang maprotektahan ang ating kalikasan. Patunay po nito na kayang pagsabayin ang pag-unlad at pagpreserba ng ating mga likas na yaman,” anang gobernador.

Pinasalamatan din ni Fernando si Ang sa pagpaparating ng pinansyal na tulong para sa paga-update ng Provincial Development and Physical Framework Plan ng Bulacan. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …