Sunday , November 9 2025
Daniel Fernando Maria Esperanza Christina Frasco Singkaban Festival Bulacan

Makulay na pagdiriwang ng Singkaban Festival sa Bulacan nagsimula na

MULING napuno ng sigla, kulay, at saya ang bakuran ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagbalik ng normal na face-to-face na pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022 nitong Huwebes, 8 Setyembre, dakong 8:00 ng umaga sa harap ng gusali ng Kapitolyo, sa lungsod ng Malolos, matapos ang dalawang taon na pagdaraos nito online.

Pinangunahan ni Department of Tourism Secretary Maria Esperanza Christina Frasco ang libu-libong Bulakenyo sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando sa pagbubukas ng engrandeng pagdiriwang ng mayamang sining at kasaysayan ng lalawigan.

Inanyayahan ni Fernando ang lahat ng Bulakenyo maging ang mga lokal at dayuhang turista na pumunta at saksihan ang isang linggong pagdiriwang ng “Mother of All Fiestas” sa Bulacan, ang Singkaban Festival 2022 na may temang, “Patuloy na Pagsikhay Tungo sa Tagumpay”.

“Isang linggong pagdiriwang na sesentro sa mayamang sining at kultura ng 21 bayan at tatlong lungsod ng lalawigan ang ating ipapamalas sa ating Singkaban Festival ngayong taon. Ngunit bukod dito, atin ring ipagbubunyi ang matatag na kaugalian ng ating lahi na maging sa pandemya ay hindi nagpagapi,” anang gobernador.

Matapos ang grand opening, pinanood nina Frasco, Fernando, at iba pang lokal na opisyal at mga bisita ang pagpasok ng mga kalahok sa “Parada ng Karosa” na nagpakita ng kanilang mga produkto, serbisyo,  tradisyon, sining, at tourist destination  sa kanilang lokalidad.

Bukod rito, itinampok ang mga costume na naglalarawan sa mga Bulakenyong bayani, makabayan, pambansang alagad ng sining, at personalidad sa Robinsons Place Malolos na nagsimula kahapon at tatagal hanggang sa susunod na Huwebes, 15 Setyembre, sa programang “Bulacan Festival Costume Expo”.

Gayundin, nagbukas ang ikaapat na One-Man Art Exhibition ni Andrew Alto De Guzman na pinamagatang “HomAge: 30 Years of Art” sa kaparehong araw hanggang 30 Setyembre sa Guillermo E. Tolentino Hall, Hiyas Museum.

Hinarana din ng Hiyas ng Bulacan Brass Band ang mga bisita at manunuod ng kanilang musika at pagtatanghal sa “Konsierto ng Hiyas ng Bulacan” sa Bulacan Capitol Mini Forest.

Sa huli, itinanghal ng mga kalahok sa “Singkaban ng Bayan: Arc Making Competition” ang kanilang mga lahok sa harapan ng gusali ng kani-kanilang municipal o city hall mula 8 hanggang 15 Setyembre. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Vice Ganda Araneta Xmas Tree

Nangingislap ang Araneta City sa saya ng kapaskuhan sa pag-iilaw ng iconic giant Christmas tree

MULING pinasigla ng Araneta City ang diwa ng Pasko sa taunang pag-iilaw ng kanilang iconic …

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …