Friday , June 2 2023

Bisor ng QC-STL huli sa Bookies

091222 Hataw Frontpage

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang sales supervisor ng nagpapatakbo ng Small Town Lottery (STL) sa lungsod makaraang masangkot sa paggamit sa numbers game ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) bilang prente ng ilegal na sugal o bookies.

Sa ulat na nakarating kay QCPD Director, P/BGen. Nicolas Torre III, mula sa District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan ni P/Col. Melgar Devaras, kinilala ang suspek na si Teddy Pascual, 53, tubong Cebu, at nakatira sa Block 8, Lot 6, Pook Pag-asa St., Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Si Pascual ay sales supervisor ng PCSO STL Authorized Agent Corporation base sa identification card na nakita sa kanya.

Si Pascual ay nadakip dakong 10:30 pm nitong 7 Setyembre 2022, sa Pook Pag-asa St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Ayon kay Devaras, ang pagkakadakip kay Pascual ay tugon sa direktiba ni PNP Chief, Police Gen. Azurin Jr., kaugnay sa kampanya laban sa ilegal na sugal partikular na sa paggamit sa mga legal number game ng PCSO tulad ng STL, EZ 2 at lotto bilang prente ng ilegal na sugal sa pamamagitan ng pag-bookies.

Dahil sa pagbo-bookies malaki ang nawawala sa revenue ng PCSO para sa mga charity program ng ahensiya para sa mahihirap.

“Ang estilo nila ay ipinapasok sa iba o sa bookies ang kobransa kaya, malaki ang nawawala sa PCSO dahilan ng mababang revenues,” ayon kay PCol. Fernando Ortega, QCPD Deputy Director for Administration.

Nauna rito, nagsagawa ng anti-illegal gambling operations ang DSOU sa pangunguna ni P/Maj. Don Don Llapitan at P/Lt. Armando Peñaflor Jr., sa ilalim ng superbisyon ni Devaras, sa Pook Pag-asa, Batasan Hills makaraang makatanggap ng impormasyon na talamak ang operasyon ng bookies sa lugar.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa bisor habang suot pa ang ID ng PCSO STL at naaktohan sa ilegal na pagpapataya para sa bookies.

Inaresto si Pascual dahil sa paglabag sa PD 1602 as amended by Republic Act 9287 (illegal game number, EZ2/lotteng).

Nakompiska kay Pascual ang gambling paraphernalia tulad ng papelitos, ballpen, at bet money na nagkakahalaga ng P300.

Nakatakdang sampahan ng kaso si Pascual sa Quezon City Prosecutors Office sa paglabag sa PD 1602. Siya ay nakapiit ngayon sa Kampo Karingal.

Samantala, sa isinagawang Palace briefing kamakalawa, sinabi ni Department of Interior and Local Governement (DILG) Sec. Benhur Abalos na kanyang ipaaaresto ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na operasyon ng number games ng PCSO tulad ng bookies sa STL, lotto, EZ2, Tres Suwertes at iba pa.

Hinikayat ni Abalos ang publiko na agad isumbong sa mga kinauukulan kung may nalalaman silang sangkot sa ilegal na STL upang agad na masugpo ito.

Itinatag ng PCSO ang STL upang magbigay alternatibong palaro sa mga mamamayan na nahuhumaling sa jueteng at para masugpo ito.

Layunin ng STL na makalikom ng dagdag na pondo para sa mga programa ng PCSO gayonman mayroong ginagamit ang prankisa bilang prente ng ilegal na sugal. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …