Wednesday , June 12 2024
MIcka Bautista photo

10 ‘pasaway’ sa Bulacan pinagdadakma

SUNOD-SUNOD na inaresto ang 10 katao na pawang may mga paglabag sa batas sa operasyong isinagawa sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Linggo hanggang nitong Lunes ng umaga, 12 Setyembre.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO ang mga suspek na sina Jayson Garcia, alyas Ison, para sa kasong Lascivious Conduct, at Anthony Corporal, alyas Tone para sa paglabag sa Sec.5 (I) ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children.

Kasunod nito, dinakip dakong 2:45 am ang suspek na kinilalang si Arvin Paul Vallar, alyas Dagul, sa ikinasang drug buy bust operation ang mga tauhan ng San Rafael MPS sa Brgy. Tambubong, San Rafael, nakompiskahan ng apat na pakete ng hinihinalang shabu at marked money.

Gayondin, inaresto sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS ang suspek na kinilalang si Jaypee De Juan, 36, construction worker, sa kasong Frustrated Murder at Frustrated Homicide kaugnay sa insidente ng pananaksak sa Brgy. Bulac, Sta. Maria.

Nabatid na lasing ang suspek nang pagsasaksakin ang dalawang biktima na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Samantala, sa isinagawang serye ng mga anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng San Jose Del Monte CPS sa Brgy. Minuyan Proper, at Bocaue MPS sa Brgy. Turo, pinagdadampot ang anim na indibidwal na naaktohan nagpapataya at tumataya sa ‘tupada.’

Nasamsam mula sa mga suspek ang mga manok na panabong, tari,  at perang taya sa iba’t ibang denominasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

shabu drug arrest

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat …

Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) …

Bagong Pilipinas Hymn

Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa …