Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

3 tulak hoyo sa P.4-M shabu (Sa Navotas)

shabu drug arrest

KULUNGAN na ang hinihimas ng tatlong tulak ng shabu matapos maaresto at makuha  ang mahigit  P.4 milyon halaga ng ilegal na droga  sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas City chief of police (COP) Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Clarence Lucas, 18 anyos, iniulat na isang tulak; Francisco …

Read More »

Caloocan City nagpatupad ng barangay at granular lockdowns

Caloocan City

ISASAILALIM sa isang linggong total lockdown ang Barangay 123 habang ipatutupad ang granular lockdown sa mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, sa Caloocan City. Magsisimula ang lockdown sa nasabing barangay at mga kalye simula 12:01 am, 3 Setyembre hanggang 11:59 pm ng 9 Setyembre 2021. Base sa kautusang nilagdaan ni Caloocan …

Read More »

Sen. Kiko ‘galit’ sa taas presyo ng DTI

Kiko Pangilinan, DTI

MARIING binatikos ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na payagan ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin. Bukod sa hindi napapanahon, tinawag ito ng Senador na dagdag-pasakit sa pamilyang Filipino na halos lugmok na sa epekto ng pandemya dahil walang hanapbuhay o makain sa araw-araw.         “Sa halip na pagaanin ang …

Read More »

Pharmally ‘middleman’ ng Duterte admin

Pharmally

KINUWESTIYON ni Sen. Franklin Drilon ang papel ng Pharmally bilang middleman sa pagbili ng PS-DBM ng medical supplies sa panahon ng pandemya gayong nakipag-usap naman sa gobyerno ng China ang mga opisyal ng administrasyong Duterte. Ang pahayag ay tugon ni Drilon sa pag-amin ni vaccine czar Carlito Galvez na matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang unang lockdown ay nakipag-ugnayan sila …

Read More »

1,000 benepisaryo ng DOLE TUPAD ‘kinotongan’ ng lady solon

DolE TUPAD, Precious Hipolito Castelo, Winnie Castelo

NAGKAGULO at sumugod sa barangay upang magreklamo ang mahigit 1,000 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa sinabing ‘pangongotong’ ng isang lady solon sa Quezon City. Ayon sa mga benepisaryo, biktima umano sila ng korupsiyon ng isang halal na kongresista, imbes P7,518 ang kanilang makukuhang suweldo sa TUPAD …

Read More »

Digong, Sara ‘binuhat’ ng misinfo (Kaya nangunguna sa survey)

Sara Duterte, Rodrigo Duterte, survey

HATAW News Team ‘MISINFORMATION’ ang nakaaapekto sa mga isinasagawang political surveys kaya hindi maaaring pagbatayan ito na totoong sentimyento ng taongbayan. Ito ang iginiit ni dating Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Secretary General Bro Clifford Sorita, sa harap ng lumalabas na surveys na nagpapakitang nangunguna ang mag-amang Davao City Mayor Sara at Pangulong Rodrigo Duterte sa presidentiable at …

Read More »

Quarantine officials nagpa-‘SOS’ kay PDU30 (Sa sinabing overcharging ng PisoPay)

Bureau of Quarantine, BOQ, PisoPay

HATAW News Team HUMIHINGI ng ‘saklolo’ kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkakaisang paksiyon ng mga opisyal sa Bureau of Quarantine (BOQ) kaugnay sa sobrang taas ng singil sa Electronic Payment and Collection System (EPCS) na ipinatutupad ng kanilang ahensiya. Ayon sa grupo, ang PisoPay.com, isang financial technology company ang nakakuha sa multi-bilyong pisong kontrata kamakailan sa BOQ. Ibinunyag ng grupo …

Read More »

Impeachment ‘nakatutok’ vs Duterte (Sa P8.7-B Pharmally anomaly)

ni ROSE NOVENARIO MAARING mapatalsik o ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbabawal sa mga opisyal na sangkot sa P8.7-bilyong overpriced medical supplies na binili ng administrasyon sa Pharmally Pharmaceutical Corporation para dumalo sa imbestigasyon sa Senado. Nagbabala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na isang impeachable offense kapag pinigil ni Pangulong Duterte ang mga opisyal …

Read More »

Kisses at Maureen pasok sa Top 30

Kisses Delavin, Maureen Wroblewitz

I-FLEXni Jun Nardo NAKAPASOK sa Top 30 official candidates ng Miss Universe Philippines ang early favorites na sina Kisses Delavin at Asia’s Next Top Model MaureenWroblewitz. Ang twist nga lang ng pagkakasama nina Kisses at Maureen eh dahil sa malakas na fan votes ayon sa announcement sa You Tube channel. Ang isa pang pasok sa Top 30 dahil sa fan votes ay si Steffi Rose Aberasturi. Dumaan sa iba’t ibang challenges …

Read More »

Mas maraming healthcare workers sama-samang nagprotesta vs DOH (National Day of Protest inilunsad)

INILUNSAD ng mga healthcare workers ang kanilang kilos protesta kahapon at tinawag itong National Day of Protest, sa labas ng Department of Health (DOH) Central Office sa Sta. Cruz, Maynila upang kalampagin ang kagawaran na ibigay sa kanila ang mga benepisyong matagal nang nakabinbin. Suot ang kanilang mga PPE (personal protective equipment) habang bitbit ang mga plakard at mga latang …

Read More »

Solon umaasang mababayaran pinsala sa Marawi

Marawi

UMAASA si Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman na mababayaran ang mga napinsala sa bakbakan ng mga sundalo at teroristang Maute matapos aprobahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang Marawi Compensation Act (House Bill 9925). “Naubusan ng dahilan para patagalin pa ang pagpasa ng panukalang batas. Mahigit apat na taon na mula nang nilusob ng masasamang elemento ang …

Read More »

3 kakilakilabot na ‘iron men’ timbog sa NAIA

prison

MALAMIG na rehas na bakal ang hinihimas ng tatlong kilabot na kawatan na binansagang “Iron Men” sa paligid ng Manila Domestic terminal matapos mahuli sa aktong itinutulak sa ibabaw ng kariton ang isang pirasong steel H-beam bar, BMX bike, at isang jungle bolo dahilan upang arestohin ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasay, napag-alaman sa ulat kahapon. Sa ulat na …

Read More »

Binata nag-videocall sa GF bago nagbigti

TINAWAGAN muna ng 21-anyos lalaki ang kanyang kasintahan sa pamamagitan ng video call at nagpaalam bago nagbigti sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw.  Ang biktima ay kinilalang si Axel John De Leon, 21, binata, aircon technician, at residente sa Military Road, Barangay Holy Spirit, Quezon City. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police …

Read More »

Notoryus na robbery duo nadakip sa hot pursuit operation sa Quezon City

arrest, posas, fingerprints

ni TracyCabrera QUEZON CITY, METRO MANILA — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng anti-crime unit ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa sa pinakanotoryus na mga holdaper sa lungsod sa isang hot pursuit operation matapos na biktimahin ang isang 26-anyos na binata sa Barangay Fairview. Kinilala ni QCPD chief Brigadier General Antonio Yarra ang mga suspek na sina Eddie …

Read More »

20 pasaway nasakote sa Bulacan PNP anti-crime operations

Bulacan Police Provincial Office, PNP PRO 3

PINAGDADAMPOT ng mga awtoridad ang 20 kataong pawang lumabag sa batas matapos magsagawa ng operasyon laban sa krimen sa lalawigan nitong Martes, 31 Agosto. Sa pagkilos ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Norzagaray, San Miguel, at San Jose Del Monte, nadakip ang limang drug personalities na kinilalang sina Manuel Bonifacio at Camilo Ocampo, alyas Camelo, kapwa …

Read More »

15,331 kabataang Bulakenyo tumanggap ng tulong pinansiyal

Daniel Fernando, Bulacan, Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon

HANGGANG noong 20 Agosto 2021, tumanggap ang may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ng kanilang scholarship grant mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program. Kabilang sa mga benepisaryo ng nasabing scholarship para sa unang semestre ng SY 2020-2021 ang 3,707 estudyante mula sa kategoryang …

Read More »

Most wanted ng Central Luzon tiklo sa Zambales

arrest prison

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) ng Central Luzon sa inilatag na manhunt operation ng nga awtoridad sa bayan ng Castillejos, lalawigan ng Zambales, nitong Martes, 31 Agosto. Batay sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng 305th Maneuver Company, 2nd Platoon, RMFB3, …

Read More »

P.420-M shabu nasamsam, tulak timbog sa Tarlac

shabu drug arrest

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang drug peddler na nakompiskahan ng kulang sa kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lalawigan ng Tarlac, nitong Martes ng gabi, 31 Agost0. Sa ulat mula kay P/Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac PPO, nagkasa ang magkasanib na puwersa mga operatiba ng PDEU, Tarlac PPO at …

Read More »

Bentahan ng parol sa Pampanga umarangkada na (Sa pagpasok ng ‘BER months’)

NAGSIMULA nang umarangkada ang bentahan ng parol sa Pampanga, ang tinaguriang Christmas Capital of the Philippines sa pagsisimula ng BER months. Sinimulan nang i-display ng mga gumagawa ng parol ang kanilang mga tinda, na may iba’t ibang laki at may disenyong tala, poinsettia, reindeer, at iba pa. Karamihan sa mga parol ay ginamitan ng LED lights, na mas matibay at …

Read More »

9-unit apartment sa Antipolo, isinailalim sa granular lockdown

Antipolo Rizal

ISINAILALIM sa granular lockdown ang isang 9-unit apartment sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, matapos magpositibo sa CoVid-19 ang ilang residente rito. Sa imbestigasyon ng City Health Office, dalawang unit ang may nagpositibo at may mga suspected cases sa apat pang unit ng apartment na matatagpuan sa Ursula St., Milagros Subdivision, Brgy. Dalig, sa nabanggit na lungsod. Nabatid na …

Read More »

Cybersex ops timbog sa Vale, at Batangas

cyber libel Computer Posas Court

UMABOT sa 41 indibidwal na sinabing pawang sangkot sa cybersex ang inaresto sa sabay-sabay na anti-cybercrime operations ng mga awtoridad sa tatlong magkakaibang lugar sa Valenzuela City at lalawigan ng Batangas nitong nakaraang araw ng Martes, 31 Agosto. Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar kahapon, sinabi niyang ang operasyon ay isinagawa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) …

Read More »

HDO vs Lao inihirit ng senado (Planong tumakas)

Lloyd Christopher Lao

NAIS ng Senado na maglabas ng hold departure order (HDO) laban kay dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao matapos makatanggap ng ulat na nagtangkang lumabas ng bansa sa gitna ng imbestigasyon sa overpriced medical supplies na kanyang kinasasangkutan. Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na inabisohan siya ni Sen. …

Read More »

Sara gaya ni Digong ‘pag naging ph prexy —1Sambayan

HATAW News Team UPANG matiyak na matututukan at masosolusyonan ang CoVid-19 pandemic sa Filipinas na kabilang sa pinakamasamang lagay sa buong Asya, hindi na dapat ang administrasyong Duterte o sinomang kandidato nila ang maupo sa Malacañang. Ayon kay 1Sambayan convenor Neri Colmenares, nakita na ng publiko kung paano ang naging CoVid response ng administarsyong Duterte kaya kung ayaw nang maulit …

Read More »

Bilyones na Covid-19 funds ‘bayad-utang’ ng Duterte admin sa ‘criminal ring’

ni ROSE NOVENARIO NAPUNTA sa kamay ng sindikatong kriminal at mga pugante sa batas ang bilyon-bilyong pisong pondo ng Filipinas para sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic. Isiniwalat kahapon ni Sen. Risa Hontiveros na tinutugis ng Taiwan government ang mga opisyal ng Pharmally International Holding Co Ltd na sina Huang Wen Lie, Huang Tzu Yen, at business partner ni Michael Yang, …

Read More »

Aktres hinirang na bagong miyembro ng Ph Coast Guard

Julia Barretto, Gerald Anderson, K9 Squadron, PCG

ni Tracy Cabrera MANILA — May bagong miyembro ang Philippine Coast Guard (PCG) sa katauhan ng aktres na si Julia Barretto na itinalaga bilang auxiliary ensign Auxiliary K9 Squadron ng PCG. Malugod na sinalubong ni PCG commandant Admiral George Ursabia Jr. ang pagpasok ni Barretto sa donning and oath-taking ceremonies na isinagawa sa PCG national headquarters sa Port Area, Maynila kasama ang iba pang …

Read More »