Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Motorsiklo sumalpok sa kotse, Rider todas

road accident

PATAY ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang palikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Juanito Angala, 44 anyos, may asawa, residente sa Blumentrit Extension, Sampaloc Maynila sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Kusang loob na sumuko at …

Read More »

P1.36-B utang ng POGOs habulin, gamiting ayuda sa pamilyang Filipino

PAGCOR POGOs

MAAARING gamiting ayuda sa mahihirap na pamilya o pambayad sa benepisyo ng healthcare workers ang P1.36 bilyong utang ng 15 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa gobyerno, ayon kay Senador Kiko Pangilinan. Iginiit ni Pangilinan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na gawin ang lahat para masingil ang mga POGO na may obligasyon pa sa gobyerno.         “Hindi ito …

Read More »

Senaryong kawalan ng herd immunity, paghandaan — Marcos

Covid-19

NAGBABALA  at pinaghahanda ni Senador Imee Marcos ang Filipinas sa mas matinding senaryo na hindi na makakamit ang target na herd immunity. “Mananatiling teorya ang herd immunity na ‘moving target’ sa ngayon. Nitong nagdaang taon, target natin ang nasa 70% ng populasyon, ngayon 90% na, pero bukas maaaring lampas na sa kakayahan natin,” babala ni Marcos. “Sa harap ng mataas …

Read More »

Casino sa Bora itigil — Abante (Beaches, not baccarat, peace and tranquility; not poker tournaments)

UMAPELA si Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag payagan ang paglalagay ng mga casino sa isla ng Boracay, sa Kalibo, Aklan. Habang naghahanda ang mga developer sa pagtatayo ng mga casino, sinabi ni Abante sa pangulo na dapat protektahan ang magandang isla ng Boracay. Sa liham na tinangap ng Malacañang noong 3 Setyembre,  …

Read More »

2-week MECQ extension, hirit ng PCP

COVID-19 lockdown bubble

MAHALAGANG iapela at ipabatid kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Health (DOH) na dapat pang palawigin ng dalawa pang linggo ang ipinatutupad na modified enhanced community quarantine(MECQ) imbes isailalim ang Metro Manila sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) dahil nahihirapan na ang mga healthcare workers sa bansa sa patuloy na pagtaas ng CoVid-19 Delta variant cases. …

Read More »

Isko sa Duterte admin: Gamot muna kaysa plastik na face shield

Isko Moreno, Face Shield, Remdesivir, Tocilizumab

“GAMOT muna kaysa plastic, ‘yun ang bilhin natin.” Panawagan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa administrasyong Duterte kaugnay sa pagtugon sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Iginiit ng alkalde ang pangangailangan sa mga gamot para sa CoVid-19 gaya ng Remdesivir at Tocilizumab. “Ang daming naghahanap ng Tocilizumab…Itong gamot na ‘to nakatutulong sa tao,” sabi ng alkalde. Aabot aniya …

Read More »

Digong, Sara ‘walang hiya’ kapag tumakbo sa may 2022 (Sa palpak na CoVid-19 response)

Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Elections 2022

HATAW News Team WALA nang karapatang ipresenta nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang sarili sa harap ng publiko, wala na silang karapatan pang tumakbo sa 2022 national elections. Iginiit ito ng grupo ng healthworkers na nanindigang ibang administrasyon ang kailangan ng bansa para tuluyang makabangon sa pandemyang sa loob ng dalawang taon ay walang …

Read More »

APOR ‘di Puwedeng Umuwi Sa ‘Pakulong’ Granular Lockdowns (Eksperto nabahala)

WALANG taong papayagang maglabas-pasok sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown kahit klasipikadong authorized person outside their residence (APOR). Ito ang ‘bagong pakulo’ at umano’y mas mahigpit na patakarang ipatutupad ng lokal na pamahalaan sa mga piling lugar na isasailalim sa granular lockdown sa National Capital Region kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa mas maluwag na general community …

Read More »

Higit 8.5-M vaccine doses inihatid ng Cebu Pacific sa iba’t ibang lugar sa bansa

PATULOY ang paghahatid ng Cebu Pacific ng mga bakuna kontra CoVid-19 na umabot sa 8.5 milyong vaccine doses patungo sa 25 probinsiya simula noong Marso ng kasalukuyang taon. Sa huling dalawang linggo, inilipad ng Cebu Pacific ang higit sa 900,000 vaccine doses patungong San Jose, Ozamiz, Dumaguete, Legazpi, Puerto Princesa, Bacolod, General Santos, Iloilo, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, …

Read More »

217 Pinoys mula Gitnang Silangan inilipad pauwi ng Cebu Pacific

217 Pinoys mula Gitnang Silangan inilipad pauwi ng Cebu Pacific

LIGTAS na iniuwi ng Cebu Pacific sa bansa ang 217 Filipino mula sa Dubai, nitong Sabado, 4 Setyembre, sakay ng special commercial flight 5J 27, bilang bahagi ng pagtugon ng airline sa panawagan ng pama­halaan na tulungang makauwi ang overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded dahil sa travel restriction. Ito ang pampitong CEB-arranged Bayanihan flight na aprobado ng special working …

Read More »

Chavit Singson nag-invest ng $100-M sa South Korea

Chavit Singson nag-invest ng $100-M sa South Korea

HABANG nagsusyuting ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin sa  mala-palasyong bahay ni Mayor Chavit Singson sa tabing dagat sa Narvacan na halos katulad ng mga nagsisipag­lakihang bahay ng mga super sikat na Hollywood personalities sa California, nasa South Korea ang masipag at galanteng alkalde para mag-invest ng $100-M sa nasabing bansa. Katatapos lang pumirma si Mayor Chavit ng memorandum of understanding para …

Read More »

Lola timbog sa Pampanga (Wanted sa human trafficking)

human traffic arrest

DINAMPOT ng mga awtoridad ang isang senior citizen na wanted sa kasong human trafficking sa inilatag na manhunt operation sa bayan ng Minalin, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng tanghali, 3 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Arnold Thomas C. Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, napag-alamang nagkasa ang mga operatiba ng Minalin Municipal Police Station (MPS) ng manhunt operation …

Read More »

3 tulak, 5 pa deretso sa hoyo (Anti-crime ops ikinasa ng Bulacan PNP)

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magka­kahiwalay na anti-illegal drug operations, habang idineretso sa kulungan ang apat na kabilang sa listahan ng most wanted persons (MWPs) sa iba’t ibang operasyon laban sa krimen na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 5 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, …

Read More »

Tulak na HVT sa Bulacan tiklo sa entrapment (P.1-M shabu kompiskado)

KALABOSO ang inabot ng isang pinaniniwalaang tulak na kabilang sa target list ng PDEA- PNP at nasamsaman ng higit P100,000 halaga ng shabu sa ikinasang buybust operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes ng gabi, 2 Setyembre. Magkatuwang na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office at San Jose del Monte …

Read More »

60-anyos tulay bumagsak 1 patay, 1 sugatan sa Digos

PATAY ang isang trabahador habang sugatan ang isa pa nang bumagsak ang isang lumang tulay na nakatakda nang gibain dahil sa mga pinsalang dulot ng mga nakaraang lindol sa lungsod ng Digos, lalawigan ng Davao del Sur, dakong 12:00 ng tanghali nitong Sabado, 4 Setyembre. Nabatid na parehong trabahador ng TSK Builders and Supply, contractor ng proyekto, ang namatay at …

Read More »

4 laborer nalibing nang buhay sa construction site (Sa Nueva Vizcaya)

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang apat na construction workers matapos matabunan ng lupa sa isang construction site nitong Biyernes, 3 Setyembre, sa Sitio Naduntog, bayan ng Tiblac Ambaguio, lalawigan ng Nueva Vizcaya. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na biktimang sina Rafael Villar, 42 anyos, foreman, at John Retamola, 25 anyos, construction worker, kapwa residente sa bayan ng Villaverde; at …

Read More »

Kamandag ng ahas puwedeng panlaban sa CoVid-19

Kinalap ni Tracy Cabrera SAO PAOLO, BRAZIL – Napag-alaman ng mga siyentista sa Brazil na may isang molecule sa kamandag ng isang uri ng ahas na kayang pigilin ang mutation ng corona virus sa mga monkey cell — posibleng hakbang tungo sa paglikha ng isang droga na maaaring lumaban sa virus na sanhi ng CoVid-19. Batay sa pag-aaral na lumabas …

Read More »

Welder kulong sa baril

cal 38 revolver gun

SWAK sa kulungan ang isang welder matapos makuhaan ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Amunation) ang naarestong suspek na kinilalang si Christopher Narin Gemina, 42 anyos, residente sa Building 15, Room 211, Disiplina Village T. Santiago St., Brgy. Lingunan. Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Regor Germedia at …

Read More »

P7-B proyekto ng road dike, 5-story building sa Marikina, ‘inayawan’ ni Mayor Teodoro? — Cong. BF Fernando

Marcy Teodoro, Bayani Fernando, Marikina

AABOT sa P7 bilyong halaga ng mga proyekto kabilang ang konstruksiyon ng road dike at 5-palapag na gusali sa lungsod ng Marikina ang tinanggihan ng lokal na pamahalaan. Ito ang inihayag ni 1st District Congressman Bayani ‘BF’ Fernando na deretsahan umanong tinutulan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro. Unang binanggit ng kongresista ang dalawang P800-milyong budget ng road dike at 5-palapag na …

Read More »

Negosyante pumalag vs korupsiyon sa pandemya

Benedicto Yujuico, Philippine Chamber of Commerce and Industry, PCCI

DESMAYADO ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa mga nag­labasang isyu ng katiwalian sa pagbili ng medical supplies ng administrasyong Duter­te para labanan ang pandemyang dulot ng CoVid-19. “It is disheartening to learn of the integrity issues over the procurement of certain equipment and supplies needed to combat CoVid-19 and other related issues,” ayon kay Amb. Benedicto Yujuico, …

Read More »

VM Honey can lead Manila, kung ‘aakyat’ si Yorme Isko — Bagatsing

Don Ramon Bagatsing, Honey Lacuna, Isko Moreno, Manila

“KUNG sakaling ‘aakyat’ o papalaot pa sa karera ng politika si Yorme Isko, kayang-kayang igiya at pamunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila.” Ito ang inihayag ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing. “Walang nakaalam kung ano ba talaga ang plano ni Yorme sa susunod na eleksiyon kundi siya at ang kanyang destiny. …

Read More »

Palpak na Covid-19 response, dagok sa Duterte admin 2022 elections — Casiple

Mon Casiple, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

HATAW News Team NANINIWALA ang batikang political analyst na si Mon Casiple na ang naging pandemic response ng national at local leaders ang magiging sukatan ng mga botante sa 2022 elections. Ipinaliwanag ni Casiple, ang kultura ng mga Filipino ay hindi madaling nakalilimot, sa pinagdaanan ng bawat isa sa panahon ng pandemic, kung sino ang nakatulong at nakita nilang may …

Read More »

TUCP, MAG, umalma sa palpak na gov’t (Suporta sa mag-amang Duterte bokya)

TUCP, MAG, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

HATAW News Team RAMDAM sa buong mundo ang hagupit ng CoVid-19 pandemic, ngunit hindi ito dapat gawing palusot ng adminsitrasyong Duterte sa nararanasang virus surge sa Filipinas resulta ng kahinaan ng gobyerno. Kapwa inihayag ng labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at health group na  Medical Action Group (MAG), mayroong pondo  para sa ayuda at pambili …

Read More »

Pharmally kompanyang fly by night (Tax clearance kinuwestiyon)

BIR Money Pharmally

ni ROSE NOVENARIO LUMALABAS na hindi rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Pharmally Pharmaceutical Corporation base sa pahayag ni Sen. Franklin Drilon na wala itong tax clearance pero nakasungkit ng kontratang P10-B halaga ng medical supplies sa administrasyong Duterte.  Giit ni Drilon, para makasali sa government bidding ang isang kompanya ay kailangan makakuha ng tax clearance mula sa …

Read More »

Pekeng yosi binebenta, tindera arestado 2 ACCERT volunteer tiklo sa damo

Cigarette yosi sigarilyo

INARESTO ng mga awtoridad ang isang babaeng nagmamay-ari ng isang tindahan dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo samantala dalawang kabataang volunteer rin ang dinampot sa quarantine checkpoint dahil sa pag-iingat ng marijuana sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 1 Setyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naglatag ang mga operatiba ng Bulacan …

Read More »