Tuesday , December 3 2024
BIR money

2 kawani ng BIR,  2 kasabwat arestado sa kotong

NASAKOTE sa isinagawang entrapment operation ng pulisya ang dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at kanilang dalawang kasabwat dahil sa pangongotong ng pera sa isang business owner sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina April Claudine Dela Cruz, 30 anyos, Data Controller II, Assessment Division, BIR District 5 Caloocan, residente sa Garden Village, Sta. Maria, Bulacan; Joyet Alvero, 55 anyos, Admin Assistance Officer, BIR District 5 ng Burgos St., Concepcion, Malabon City; Jennifer Roldan, 49 anyos, freelance liaison officer ng Cruz St., Bambang, Taguig City; at Ariel Roble, 46 anyos, freelance bookkeeper ng Legarda St., Sampaloc, Maynila.

Ang mga suspek ay naaresto ng pinagsamang mga operatiba ng Caloocan Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Allan Soriano at PNP Intelligence Group sa pangunguna nina P/Lt Felcepi Simon at P/Lt. Paul John Posadas matapos tanggapin ang P1.8 milyon marked money na kinabibilangan ng 10 pirasong tunay na P1,000 bill at mga boodle money sa isinagawang entrapment operation dakong 10:30 pm sa Gen. Concepcion St., Brgy. 132, Bagong Barrio.

Sa kanyang ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo, sinabi ni Col. Lacuesta, bago ang entrapment operation, sinabihan ng mga suspek ang may-ari ng isang Panel Board Fabrication sa Brgy. Potrero, Malabon City na mayroon siyang tax liability na nagkakahalaga ng P13 milyon.

Sinabi ng mga suspek sa business owner na mababawasan lang ang kanyang tax liability kung makapagbabayad siya ng P4.5 milyon hanggang ma-settle sila sa P3 milyon.

Noong Disyembre 2, 2022, nagbayad ang business owner ng paunang P1.7 milyon cash ngunit walang inilabas na resibo ang mga suspek kaya naisipan niyang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Ani Col. Lacuesta, ang dalawang tauhan ng BIR ay sinampahan ng kasong robbery extortion at paglabag sa Section 17 of R.A. 6713 o Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees habang ang dalawa nilang kasabwat ay kinasuhan ng robbery extortion sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Miyembro ng gun-for-hire
‘MIDDLEMAN’ SA PAGPASLANG SA MAG-ASAWANG ONLINE SELLER ARESTADO

NAARESTO ang isang miyembro ng gun-for-hire group at itinuturong ‘middlemen’ sa brutal na pagpatay sa …

Pandi Bulacan HISTORICAL TOURIST SITE TINANGKANG HUKAYIN 10 ILLEGAL MINERS ARESTADO

Sa Bulacan  
HISTORICAL TOURIST SITE TINANGKANG HUKAYIN 10 ‘ILLEGAL MINERS’ ARESTADO

SAMPUNG indibiduwal ang inaresto ng pulisya matapos maaktohan na tinatangkang hukayin ang bakod at concrete …

Rida Robes

Cong. Rida nanawagan para sa imbentaryo ng waterways, sagabal ipinatatanggal

NANAWAGAN si San Josedel Monte City Lone District Representative Rida Robes sa pambansang pamahalaan na …

Makati Police

Sa pagtaas ng kriminalidad sa Metro Manila
MAS MARAMING PULIS SA MAKATI PANAWAGAN NI SENATOR NANCY

NANAWAGAN si Senador Nancy Binay noong Biyernes kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel …

2 bigtime pusher dinakip ng QCPD sa P1.3-M shabu

2 bigtime pusher  dinakip ng QCPD sa P1.3-M shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7, ang …