Wednesday , February 28 2024
1000 1k

Bebot kalaboso sa pekeng  P1,000 bill

KALABOSO ang isang pasaherong babae nang arestohin sa pagbabayad pekeng P1,000 bill sa taxi driver sa Taguig City, kamakalawa ng umaga.

Nakadetine sa Taguig City Police Station ang suspek na kinilalang si Elizabeth De Roxas, 40 anyos.

Batay sa reklamo ng taxi driver na si Jeffrey Andrino, 39 anyos, sumakay ang suspek sa kaniyang taxi sa Malibay St., Pasay City at nagpahatid sa Gate 3, Chino Roces Extension, Barangay Fort Bonifacio, sa Taguig.

Nagbigay ng P1,000 si Roxas nang bababa na at hinihingi ang sukling P850. ibinalik ni Andrino ang pera dahil naghinala siyang peke ito.

Nagtungo ang babae sa isang convenience store para magpapalit ngunit bigo siya kaya binalikan ng suspek ang driver at pilit na ibinabayad ang pera na nauwi sa pagtatalo.

Humingi ng tulong sa Taguig City Police Sub-Station 1 ang driver dahilan upang arestohin ang babae dahil sa umano’y pekeng pambayad.

     “Atin pong pinaaalalahanan ang ating mga kababayan na siyasating mabuti ang perang  tinatanggap para hindi mabiktima ng mga pekeng salapi. Tingnan natin ang security features ng  totoong pera, tulad ng security thread at watermark. Lalong-lalo na ngayong kapaskohan, marami na naman ang maglalabasang pekeng pera at masasamang loob na magsasamantala sa paggamit nito,” paalala ni Southern Police Distric (SPD) Director, P/BGen. Kirby John Kraft. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

UPANG panumbalikin ang mga bakawan sa mga baybaying barangay ng lalawigan, nakipagkaisa ang Pamahalaang Panlalawigan …

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

NAGSAGAWA ng matagumpay na operasyon ang pulisya ng Bulacan kamakalawa, na nagresulta sa pagkaaresto ng …

Andre Perez Dizon

PBGen Dizon pinarangalan ng PNP NHQ (sa epektibong pamumuno sa hanay ng Kasurog Cops PRO5)

GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez …

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …