Friday , February 3 2023
shabu

Mag-asawang senior citizen, anak, kasabwat timbog sa ilegal na droga

APAT na hinihinalang drug personalities, kabilang ang mag-asawang senior citizens at ang kanilang anak ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Virginia Abella, alyas Nanay, Arsenio Albesa,  kapwa 64 anyos; Jervy Albesa, alyas Tampe, 30, at Reynaldo Penano, 37, driver, pawang residente sa San Diego St., Brgy. Canumay West.

Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., dakong 2:25 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa bahay ng mag-asawa sa Ruby Ville Subd., Brgy. Canumay West.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mag-asawa matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer, kasama sina Jervy at Penano na kapwa nakuhaan ng hinihinalang shabu.

Ani P/Cpl. Pamela Joy Catalla, nakompiska sa mga suspek ang halos P10 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P68,000, buy-bust money, P400 seized money, cellphone at hand bag.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Naty Castro

Bansag na ‘terorista’ ng ATC kay Doc Naty pinalagan

KINONDENA ni House Deputy Minority leader Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list ang pagbabansag …

Rex Gatchalian DSWD

Rex Gatchalian bagong DSWD secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si  Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) …

money thief

2 Australiana, ninakawan ng Nigerian sa QC condo

TINANGAY ng isang Nigerian ang US$39,000 ng dalawang Australiana na kaniyang katransaksiyon sa negosyo sa …

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng bagong konsehal ng pamahalaang bayan …

Bulacan Police PNP

8 tulak, 5 wanted inihoyo ng pulisya

MAGKAKASUNOD na naaresto ang walong hinihinalang mga notoryus na tulak ng ilegal na droga at …