Thursday , April 18 2024
Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCO) na nakabatay sa Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 at tumanggap ng Seal of Excellence bilang Beyond Compliant sa ginanap na Ika-22 Gawad Kalasag National Awarding Ceremony sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles, 7 Nobyembre.

Binanggit ang World Risk Report 2022, pinangalanan ang Filipinas bilang bansa na may pinakamataas na panganib sa mga sakuna at kalamidad mula sa 192 bansa.

Pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson at Department of National Defense Officer-in-Charge at Senior Undersecretary Jose Faustino, Jr., kailangang ipagpatuloy ng Filipinas ang pagpapabuti ng kakayahan nito upang epektibong matugunan ang mga kahinaan lalo sa mga sakuna.

“Year after year, these uncontrollable calamities ravage our nation physically and in spirit. However, the same overwhelming challenge further proves the resilience of Filipinos. But, beyond our national resilience as a people, we have to be scientifically and technically adept in placing systems and processes that work. We need to continuously elevate so that the next time a disaster comes along, we are more prepared to respond,” ani Faustino.

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Gob. Daniel Fernando ang NDRRMC sa pagkilala at nangakong patuloy na paglalaanan ang disaster risk reduction and management.

“Ngayong taon, lubos na sinalanta ng sunod-sunod na kalamidad ang ating bayan. Nakalulungkot na may kinailangan pang magbuwis ng buhay sa kasagsagan ng isang malakas na bagyo na dumaan sa ating lalawigan. Kaya naman, patuloy ang ating commitment na pagtutuunan ng pansin ang disaster prevention, preparedness, and response upang maiwasan ang mga ganitong klase ng pangyayari,” anang gobernador.

Samantala, tumanggap rin ang mga lungsod ng Malolos, Meycauayan, at San Jose del Monte, at ang bayan ng Calumpit ng gradong Fully Compliant sa kaparehong seremonya ng pagbibigay ng parangal.

Ang Gawad Kalasag Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) and Humanitarian Assistance ang pangunahing programang pagkilala ng bansa para sa mga stakeholder na nagpapatupad at nagsusulong ng mga disaster risk reduction and management program. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

robbery holdap holdap

Sa Siniloan
NEGOSYANTENG MISIS PATAY SA 2 HOLDAPER

ni Roderick Palatino SINILOAN MPS – Patay ang isang ginang habang ang kaanak na tricycle …