Thursday , April 18 2024
Jeric Gonzales Broken Blooms Louie Ignacio

Jeric at pinagbibidahang pelikula humakot ng award 

BAGO pa man ipalabas dito sa Pilipinas ang Broken Blooms, humakot na ito ng awards mula sa iba’t ibang film festival abroad.

Wagi ito ng Gold Remi sa Houston International Film Festival sa Texas at nasungkit naman ng lead actor nitong si Jeric Gonzales ang pinakauna niyang international acting award sa Harlem International Film Festival sa New York.

Wagi ring Best Actor si Jeric sa Mokho International Film Festival samantalang ang lead female actress nitong si Therese Malvar ay nanalong Best Actress In An Indie Film, at ang direktor  na si Louie Ignacio ay ginawaran ng Special Jury for Director bukod pa sa Best Narrative Feature Film award ng pelikula.

Kinilala muling Best Actor si Jeric sa Tagore International Film Festival, Best Actress naman si Jaclyn Jose at ang kanilang pelikula mismo ay nag-uwi ng Best Narrative Feature award, Critics’ Choice For Best Director kay direk Louie, at Best Cinematography kay TM Malones.

Napanalunan ni Jeric ang kanyang pang-apat na international acting award bilang Best Actor mula sa Montelupo Fiorentino International Independent Film Festival sa Italy nito lamang Hulyo.

At kamakailan ay pinagkalooban ng Special Jury Award ang pelikula sa 8th Brasilia International Film Festival sa Brazil.

Dalawang film festivals din sa India ang kumilala sa pelikula na isinulat ni Ralston Gonzales Jover.

“First time ko siyang napanood on big screen dito sa Pilipinas, na kasama lahat ng mga kababayan nating Filipino, so natuwa ako sa reaction nila, kasi na-appreciate nila ‘yung pelikula namin, kaya masayang-masaya ako, ayun grateful na nagawa namin ‘yung pelikulang ‘to,” bulalas ni Jeric.

About Rommel Gonzales

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Gringo Honasan Ferdinand Topacio Baby Go

Sen Gringo isasapelikula ang buhay

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAKDANG gawan ng Borracho Film Production ang buhay ni former Sen Gringo Honasan na hindi pa …