Saturday , February 4 2023
Bea Alonzo Magpakailanman MPK

Bea sa MPK — ‘di lang takutan, it’s very heartbreaking

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIBIDA si Bea Alonzo sa isang special episode ng ika-20 anibersaryo ng Magpakailanman sa Sabado. Ito rin ang kauna-unahang pagganap niya sa award-winning anthology.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Miyerkoles, sinabing gaganap si Bea sa kuwento ng isang babaeng dumaan sa ilang nakakikilabot at heartbreaking na mga karanasan.

“It’s not just a horror story, it’s also about losing a family member, it’s also about heartbreak that led to the horror part of the story. So hindi lang siya sigawan, hindi lang siya takutan, but also it’s very heartbreaking,” sabi ni Bea.

Ayon pa kay Bea, hindi madaling gampanan ang kanyang karakter dahil maraming intense at dramatic scenes.

“It talks about faith also, ‘yung kung paano natin mas mapananatiling matatag ‘yung pananampalataya natin para hindi ito mangyari sa buhay natin. This is also what I want to share with the world,” sabi ni Bea.

Idinirehe ito ni Jerry Lopez Sineneng na siya ring direktor sa Start Up PH ng aktres.

Makakasama rin dito sina Bing Pimentel at Marco Alcaraz.

Mapapanood sa Sabado, Disyembre 10, ang special 20th anniversary episode ng Magpakailanman

About Rommel Gonzales

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …