GOOD am po Sir Jerry. Kahapon po ito nangyari, mayroong MTPB sa kanto ng San Marcelino at Ayala Boulevard. Hinuli po ako ng MTPB sa kanto ng San Marcelino at Ayala Boulevard (sa tapat ng Technological University of the Philippines), BEATING THE RED LIGHT ang ita-charge sa akin gayong nakakanan na ako mula sa Ayala Boulevard na GREEN LIGHT pa. …
Read More »Una kay Trillanes kapakanan ng retiradong sundalo at pulis
SI Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pinakaklasikong halimbawa ng kasabihang, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.” Kaya hindi na bago sa atin ang pakiusap o apela niya kay PNoy na isama sa salary standardization law 4 (SSL4) ang mga retiradong sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at retiradong kagawad ng Philippine National Police …
Read More »Lotto & casino prizes babawasan na ng tax?
HINDI raw patas ang pagpapataw ng buwis sa iba’t ibang uri ng legal na gaming activity sa bansa. Sa isang ulat na pinamagatang “Profile and Taxation of Selected Gambling and Betting Activities in the Philippines,” sinabi ito ng Department of Finance-attached National Tax Research Center (NTRC). Isinaad sa ulat na ito na, “Unequal tax treatment of casinos, lotteries and horse …
Read More »Sen. Bongbong Marcos hinikayat si PNoy na lagdaan ang retirement benefits ng barangay officials
ISANG hindi malilimutang legacy ng kasalukuyang administrasyon kung malalagdaan ang Senate Bill No. 12 na naglalayong mabigyan ng retirement benefits ang mga kuwalipikadong barangay chairman, kasapi ng Sangguniang Barangay, ingat-yaman at kalihim, barangay tanod, kasapi ng Lupon ng Tagapamayapa gayon din ang mga health and day care workers. Kaya naman masugid ang panghihikayat ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., …
Read More »Atty. Tonette Mangrobang, ng BI bukod kang pinagpala! (Paging: SoJ Ben Caguioa)
Maraming nagtatanong kung bakit tuluyan nang nag-disappear ang beauty sa Bureau of Immigration (BI) ng Acting Training Chief na si Atty. Tonette Mangrobang? Halos seven (7) months na raw hindi napagkikita sa Bureau si Madam Tonette na napag-alaman natin na kasalukuyan palang nagsusunog ng kulay ‘este’ kilay sa bansang Germany. Wow, ‘slayzindeutehn’ si madam ha?! Pero may mga nakaamoy na …
Read More »Pangako ni Erap sa MPD napako ba?
NAGTIIS na lang sa tuyo at kamatis sa pagpapalit ng taon kaming 3,000 member ng Manila Police District dahil hindi naibigay ang kalahating allowance na ipinangako ni Mayor Erap sa amin. Inaasahan kasi naming mga kagawad ng Manila Police District ang ipinangako ng alkalde ng Maynila na bago mag-Bagong Taon ay ibibigay ang aming natitirang sampung libong allowance, ngunit napako …
Read More »‘Boy Laglag’ tatak ba talaga ni Sen. Chiz Escudero?
HINDI pa siguro nalilimutan ng sambayanan nang sabihin noong 2010 elections ni Sen. Chiz Escudero na: “Ang vice president ko ay may B!” Kaya nang manalong vice president si dating Makati mayor Jejomar Binay, agad tumatak sa isip ng mamamayan, trinabaho at inilaglag ni Chiz si Mar Roxas — ang vice president noon ni PNoy. Tumatak na ang pangyayaring iyon …
Read More »MIAA employees naka-bonus o nagkautang?!
MARAMING empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nalungkot nang malaman nila ang katotohanan sa likod ng natanggap nilang P11,000 nitong nakaraang Pasko. Akala nang marami, performance bonus ang natanggap nila. Pero nang papirmahin sila sa isang undertaking, natuklasan nilang sila pala ay lumalabas na pinautang lamang ng P11,000. Tuwang-tuwa pa naman ang mga empleyado ng MIAA dahil akala …
Read More »Habang buhay na bang gagawing parking area ang southbound ng Quezon Boulevard sa Quiapo Maynila?!
Mr. Jerry Yap, magandang araw po. Gusto lang po namin iparating sa mga kinauukulan (kung may pakiramdam pa sila) ang perhuwisyong nararanasan ng mga motorista dahil sa tila kakapalan ng mukha kung sino man ang pumayag na gawing parking area ang southbound side ng Quezon Boulevard sa Quiapo Maynila. Talagang makapal po ang mukha at hindi na talaga namin alam …
Read More »Sorisong Frabelle ‘inalat’ kay Chiz!?
“HITSURANG malinis, lasang malinis, puwedeng-puwede pang manguna.” ‘Yan mismo ang mga binitiwang salita ni Senator Chiz Escudero nang maging first brand ambassador siya ng Frabelle Hotdog. Ang Frabelle hotdog ay produkto ng Frabelle Corporation, isang global fishing company na nag-venture sa meat industry. Kinuhang endorser noong 2012 ng Frabelle si Chiz dahil naniniwala silang mayroon siyang positibong reputasyon. Noong panahon na …
Read More »Anyare kay Digong Duterte?
DESMAYADO ang supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang mawalis siya sa No. 1 sa pinakahuling survey ng Pulse Asia. At hindi lang basta nasipa sa No. 1 kundi lumamang pa ng 10 porsiyento si vice president Jejomar Binay. Sa survey na ginawa noong December 4-11, may respondents na 1,800 katao, nakakuha ng 33 porsiyento si VP Binay para …
Read More »Kaso vs Immigration Commissioner Siegfred Mison ipinabubusisi ng Palasyo sa DOJ
WHEN it rains, it really pours… Kaya kung inulan man ng suwerte si Immigration Commissioner Siegfred Mison noong una, ‘e mukhang uulanin din siya ng karma sa pagtatapos ng 2015 at pagpasok ng 2016. Mismong ang Malacañang na ang nag-utos sa Department of Justice (DoJ) na busisiin ang limang kasong kinakaharap ni Mison sa Ombudsman kaugnay ng mga kasong administratibo …
Read More »Isang Makabuluhang Pasko sa inyong lahat!
SA KABILA ng mga naranasan ng sambayanan ngayong 2015, lalo na ‘yung mga biktima ng bagyo sa Sorsogon at sa Northern Samar, gusto namin kayong batiin na nawa’y maging masaya kahit paano ang inyong Pasko ngayon. Alam po natin na hindi magiging maligaya ang inyong Pasko pero sabi nga ang bawat pagsubok ay may kadahilanan. Huwag po natin kalimutan magdasal, …
Read More »Natutulog ba ang HPG laban sa illegal terminal sa EDSA, Pasay City?
TUTULOG-TULOG ba ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa pamumuno ni Chief Supt. Arnold Gunnacao at hindi niya napapansin ang napakahabang illegal terminal diyan sa kanto ng Roxas Blvd., at EDSA sa Pasay City?! Natuwa pa naman tayo nang linisin ng PNP-HPG ang Mabuhay Lane. ‘Yun bang tipong lahat ng nakaharang sa kalsada ay hinahatak at sapilitang binabaltak. …
Read More »May katotohanan ba ang Peace and Order sa Maynila Gen. Nana?!
MUKHANG palala nang palala ang peace and order sa Maynila. Barangay chairman, barangay kagawad inaambus sa Maynila. Grabe rin ang holdapan at nakawan. Kamakalawa, isang negosyante ang inambus sa Sta. Cruz, Maynila. Patay antimano, sugatan ang buntis na misis at nadamay pa ang isang security guard. Pero ang suspek, malayang-malayang nakatakas. Hindi pa natin alam kung mayroong CCTV camera sa …
Read More »Congratulations Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach!
BAGO magwakas ang 2015 ‘e humabol pa ng buenas ang ating Bb. Pilipinas na si Ms. Pia Alonzo Wurtzbach na nanalong Miss Universe sa Las Vegas, Nevada (USA). Siya ang ikatlong Miss Universe ng Filipinas, kasunod nina Ms. Gloria Diaz at Ms. Margie Moran-Floirendo. Halos apat na minuto rin nawala ang korona kay Pia dahil nagkamali ang host na si …
Read More »Pagala-galang TV5 reporter kilala kaya ni Ms. Luchi Cruz-Valdez?
Gusto nating tawagin ang pansin ni TV5 news and public affair chief, Ms. Luchi Cruz-Valdez tungkol sa nagpapakilalang reporter nila na pagala-gala sa Lawton at sa Intramuros. Nagtataka kasi ang inyong lingkod kung bakit madalas nating nakikita sa Bureau of Immigration (BI) o kaya sa isang barangay hall sa Arroceros at kung minsan naman ay sa city hall. Wala namang …
Read More »Habang binabayo ng bagyong Nona ang Sorsogon, nasaan si Chiz!?
LUNES pa nanalasa ang bagyong Nona sa Sorsogon at sa mga karatig lalawigan na nakaharap sa Pacific Ocean, pero hanggang ngayon ay wala pa rin means of communication sa Sorsogon at sa Laoang Northern Samar. Walang koryente at walang signal kaya ang lahat ng mga nasa Metro Manila o sa ibang lalawigan ay walang balita kung ano ang nangyayari sa …
Read More »Malalim na hukay at baha sa City Hall ng Mandaluyong deadma sa mga Abalos? WALA palang ka
Wala palang kalaban sa kanyang kandidatura ang misis ni Mandaluyong outgoing mayor Benhur Abalos. Unopposed! Kaya siguro kahit anong hinaing ng mga taga-Mandaluyong diyan sa malalim na hukay sa Maysilo St., at grabeng baha sa paligid ng city hall ay hindi pinapansin ng mga Abalos. Kumbaga, mukhang kampante ang mga Abalos kaya hindi sila nag-aalala kapag nagalit ang constituents dahil …
Read More »Pasok si Duterte, Grace tinuldukan na ba ng Comelec?!
MUKHANG baon daw ni Digong Duterte ang kanyang suwerte mula sa Davao. Pinayagan ng Commission on Elections (C0melec) ang kanyang substitution sa kandidatura ng kapartidong (PDP-LABAN) si Martin Dino. ‘Yan ay kahit, bilang Pasay Mayor umano ang tinatakbuhan ni Dino. Sa bahagi naman ni Sen. Grace, mukhang talagang mahigpit ang pagbabantay sa kanya ng Comelec. Kung palulusutin man, malamang sa …
Read More »May ‘Swimming Pool’ sa tapat ng city hall ng Mandaluyong
KUNG noong hindi umuulan, grabe ang baha sa harap ng Mandaluyong City Hall, aba ‘e mas lalo na nitong Martes ng gabi (kasagsagan ng bagyong Nona). Nagmukhang ilog ang rotunda. Makikita po ninyo sa larawan kung ano ang itsura ng Mandaluyong City Hall bago bumagyo. Grabe ang baha at mayroong malalim na hukay na walang ano mang palatandaan o babala …
Read More »Pandaraya ng STL operators sa gross sales at engreso nasilip ng COA
MAGING ang Commission on Audit (COA) ay kombinsido sa sinasabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi na ‘dinadaya’ ng STL operators ang gobyerno nang halos P50 bilyon kada taon. Ngayong naglabas ng ulat ang COA, lalong tumibay ang naunang akusasyon ni Chairman Maliksi na sinasamantala ng ilang gambling lords ang kinasanayan nilang sistema sa STL operations. Katunayan …
Read More »PNP-QCPD the real drug buster
HINDI na tayo nagtataka kung bakit unti-unting umiiwas ang mga illegal drug trader ngayon sa Quezon City. Alam kasi nilang hindi sila tatantanan ng Quezon City Police District (QCPD) na kasalukuyang pinamumunuan ni Chief Supt. Edgardo G. Tinio bilang District Director. Halos ilang buwan pa lang sa QCPD si Gen. Tinio pero hindi matatawaran ang malalaking huli nila sa kanilang …
Read More »Senior Citizens sa Graces-DSWD pinasaya ng PAGCOR
Isa sa mga pinasaya ngayong Pasko ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang may 180 senior citizens sa Golden Reception and Action Center for the Elderly and Other Special Cases (GRACES) sa Quezon City sa ikalimang araw ng kanilang Pamaskong Handog 2015. Bukod sa Noche Buena gift pack sa bawat isa, donasyong grocery items, bedsheets at 20 wheelchairs sa …
Read More »Natulog na ba ang kaso Nina de Pedro at Lucero sa Ombudsman?
Kumusta na kaya ang kaso ng dalawang Immigration Officer (IO) na sina IO Ma. Angelica De Pedro at Head Supervisor ng Clark International Airport (CIA) na si Elsie Lucero? Kung matatandaan po ninyo, ang dalawa ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman dahil sa paglabag sa Article XI, Sec. 12 ng Philippine Constitution at Article 171 ng Revised Penal Code at …
Read More »