This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MAGING ang Commission on Audit (COA) ay kombinsido sa sinasabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi na ‘dinadaya’ ng STL operators ang gobyerno nang halos P50 bilyon kada taon.
Ngayong naglabas ng ulat ang COA, lalong tumibay ang naunang akusasyon ni Chairman Maliksi na sinasamantala ng ilang gambling lords ang kinasanayan nilang sistema sa STL operations.
Katunayan ay nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Chairman Maliksi para imbestigahan ang eskimang nagaganap at kinahiratian ng gambling lords.
Kabilang sa nabisto ng COA ang discrepancy sa actual gross sales at ang hindi pagbabayad sa halos P870.4 milyon documentary stamps tax mula 2013 hanggang 2014.
Kung ganito ang nangyayari sa PCSO, totoo rin kaya ang sinasabi ni Chairman Ayong na kasabwat ng mga sindikato ang ilan sa board members ng PCSO?
Ano ang masasabi riyan ni Atty. Jose Ferdinand “Joy” Rojas II?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com