Pangako ni Erap sa MPD napako ba?
NAGTIIS na lang sa tuyo at kamatis sa pagpapalit ng taon kaming 3,000 member ng Manila Police District dahil hindi naibigay ang kalahating allowance na ipinangako ni Mayor Erap sa amin.
Inaasahan kasi naming mga kagawad ng Manila Police District ang ipinangako ng alkalde ng Maynila na bago mag-Bagong Taon ay ibibigay ang aming natitirang sampung libong allowance, ngunit napako ang ipinangako ng alkalde.
Bago sumapit ang Kapaskohan ay panay pa-media ng alkalde na ang 3,000 na pulis ng Manila Police District ay mabibigyan niya ng P20,000.00 cash mula sa lokal na pamahalaan dahil pinanatili nila ang peace and order sa lungsod ng Maynila.
Ngunit nang aming kunin mula sa tanggapan ng MPD /Finance Division ay kalahati na lang ang natanggap sa ipinangako na ibibigay ang kalahati bago sumapit ang New Year.
Kaya nagdagsaan ang mga pulis sa tanggapan ng FINANCE Division pero naka-padlock ang pintuan.
Umuwi ang mga pulis nang luhaan dahil ang inaasahan nilang natitirang P10,000.00 ay napako kaya imbes sumaya ang New Year ng pamilya ng mga pulis ng Manila Police District ay naging malungkot. – Concerned MPD personnel. Pls don’t publish my email add.
[divider]
