Pagala-galang TV5 reporter kilala kaya ni Ms. Luchi Cruz-Valdez?

tv5 reporterGusto nating tawagin ang pansin ni TV5 news and public affair chief, Ms. Luchi Cruz-Valdez tungkol sa nagpapakilalang reporter nila na pagala-gala sa Lawton at sa Intramuros.

Nagtataka kasi ang inyong lingkod kung bakit madalas nating nakikita sa Bureau of Immigration  (BI) o kaya sa isang barangay hall sa Arroceros at kung minsan naman ay sa city hall.

Wala namang masama, kung ‘yan ang mga beat niya or area of coverage niya.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit minsan ay dumating siya sa opisina ng piskalya at nagpakilalang kinawatan ‘este’ kinatawan siya ng isang barangay chairman at kumukuha ng kopya ng rejoinder affidavit.

E tagasaan ba talaga o ano ba talaga ang trabaho nitong isang Perd Sevilla na laging may nakasabit na identification card ng TV5?!

Kilala mo ba ‘yan Madam Luchi Cruz Valdez?

Talaga bang taga-TV5 ‘yang Perd Sevilla na ‘yan?!

Aba kung taga-TV5 ‘yan baka hindi pa ninyo alam na napakasipag niyang mag-moonlighting lalo na sa isang  barangay chairman.

Pakibusisi n’yo lang po at baka ‘nagagahasa’ na ‘yang ID ng TV5!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com