Habang buhay na bang gagawing parking area ang southbound ng Quezon Boulevard sa Quiapo Maynila?!

quiapoMr. Jerry Yap, magandang araw po. Gusto lang po namin iparating sa mga kinauukulan (kung may pakiramdam pa sila) ang perhuwisyong nararanasan ng mga motorista dahil sa tila kakapalan ng mukha kung sino man ang pumayag na gawing parking area ang southbound side ng Quezon Boulevard sa Quiapo Maynila.

Talagang makapal po ang mukha at hindi na talaga namin alam kung kanino sila nanghihiram ng kapal ng mukha?!

Hindi yata naiintindihan ng mga swapang sa kuwarta na ang nililikha nilang traffic jam dahil ginawa nilang parking ang Quezon Boulevard ay apektado ang Avenida Rizal, Quezon Boulevard, España Boulevard at ang mga sanga-sangang kalsada rito.

‘Yan po ang number one na dahilan. Pati tuloy ‘yung simbahan ay nasisisi ng mga hindi Katolikong motorista. Kaya raw ma-traffic dahil may simba tuwing Biyernes at Linggo.

Pero sa totoo lang ang tunay na dahilan, halos kalahati na ng southbound ng Quezon Boulevard ay okupado ng mga sasakyang nakaparada.

Kung sino man ang makapal ang mukhang may pakana niyan, sana tuluyan nang mabura ang mukha mo!

Perhuwisyo ka!

Salamat po, Ka Jerry, sa espasyo. Ikaw ang tunay na idol namin! Mabuhay ka!

—Samahan ng mga Motoristang

Banas na sa Traffic sa Maynila

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com