MIAA employees naka-bonus o nagkautang?!

082715 MIAA NAIA moneyMARAMING empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nalungkot nang malaman nila ang katotohanan sa likod ng natanggap nilang P11,000 nitong nakaraang Pasko.

Akala nang marami, performance bonus ang natanggap nila.

Pero nang papirmahin sila sa isang undertaking, natuklasan nilang sila pala ay lumalabas na pinautang lamang ng P11,000.

Tuwang-tuwa pa naman ang mga empleyado ng MIAA dahil akala nga nila pondo mula sa gobyerno, ‘yun pala pondo mula sa Provident Fund at lumalabas nga na may utang sila.

‘Yan ba ang pasalubong ng MIAA sa kanilang mga empleyado sa pagpasok ng 2016?!

Ay yay kuyawa uy!

Ano ba talaga ang katotohanan sa likod ng P11,000 na ‘yan?!

Hindi naman siguro malaking kasalanan kung ipaliwanag man ‘yan ng MIAA Finance…

Paging MIAA Finance chief, please explain!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com