This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MUKHANG palala nang palala ang peace and order sa Maynila.
Barangay chairman, barangay kagawad inaambus sa Maynila. Grabe rin ang holdapan at nakawan.
Kamakalawa, isang negosyante ang inambus sa Sta. Cruz, Maynila. Patay antimano, sugatan ang buntis na misis at nadamay pa ang isang security guard.
Pero ang suspek, malayang-malayang nakatakas. Hindi pa natin alam kung mayroong CCTV camera sa nasabing lugar.
‘E ano ba talaga ang nangyayari sa peace & order sa Maynila, Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rolando Nana?!
Mayroon ba talagang peace & order?!
Busy nga ang mga lespu ninyo sa pag-ikot pero hindi naman nagiging deterrent laban sa kriminalidad.
Saan ba kasi umiikot ang mga lespu ninyo?!
Sa mga ilegalista?!
Sudsurin mo ‘yan Gen. Nana!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com