Sunday , December 5 2021

Natutulog ba ang HPG laban sa illegal terminal sa EDSA, Pasay City?

00 Bulabugin jerry yap jsyTUTULOG-TULOG ba ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa pamumuno ni Chief Supt. Arnold Gunnacao at hindi niya napapansin ang napakahabang illegal terminal diyan sa kanto ng Roxas Blvd., at EDSA sa Pasay City?!

Natuwa pa naman tayo nang linisin ng PNP-HPG ang Mabuhay Lane. ‘Yun bang tipong lahat ng nakaharang sa kalsada ay hinahatak at sapilitang binabaltak.

Hindi ba’t nagkahabulan at nagkabarilan pa nga nang linisin ‘yang Mabuhay Lane?!

‘E bakit ‘yang napakahabang ‘parada’ ng sasakyan sa ilalim ng tulay sa Roxas Blvd., at EDSA, Pasay City, hindi malinis-linis ng PNP-HPG?!

Hindi ba ninyo alam na grabeng traffic ang idinudulot ng mga nakahambalang na sasakyan diyan sa area na ‘yan.

Kantong-kantong po iyan, kaya ‘yung galing sa SM MOA  na kakanan sa Roxas Blvd., e nag-iimbudo na sa area na ‘yan.

Nagtataka naman tayo kung bakit hindi ito napapansin ng mga taga-PNP-HPG gayong kitang-kita na ‘yan ay cause ng traffic.

Mayroon bang nakikinabang diyan na hindi kayang banggain ng PNP-HPG?!

Aba, ano na ang nangyari sa sinasabi ni Gen. Gunnacao na lilinisin ng PNP-HPG ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila para sa ikagagaan at ikaluluwag ng trapiko ng mga sasakyan?!

Pulis ba talaga si Gen. Gunnacao o arkitekto?!

‘E napakahusay magdrowing!

May katotohanan ba ang Peace and Order sa Maynila Gen. Nana?!

MUKHANG palala nang palala ang peace and order sa Maynila.

Barangay chairman, barangay kagawad inaambus sa Maynila. Grabe rin ang holdapan at nakawan.

Kamakalawa, isang negosyante ang inambus sa Sta. Cruz, Maynila. Patay antimano, sugatan ang buntis na misis at nadamay pa ang isang security guard.

Pero ang suspek, malayang-malayang nakatakas. Hindi pa natin alam kung mayroong CCTV camera sa nasabing lugar.

‘E ano ba talaga ang nangyayari sa peace & order sa Maynila, Manila Police District  (MPD) director Chief Supt. Rolando Nana?!

Mayroon ba talagang peace & order?!

Busy nga ang mga lespu ninyo sa pag-ikot pero hindi naman nagiging deterrent laban sa kriminalidad.

Saan ba kasi umiikot ang mga lespu ninyo?!

Sa mga ilegalista?!

Sudsurin mo ‘yan Gen. Nana!

Kanal sa Sampaloc nilagyan ng bara

SIR tma ba na barahan ang daluyan ng tubig na kanal nitong kontador sa ibabaw ng kalye na lumalabas at mabaho, malamok  baka magkasakit kami. Ito ay sa Miguelin St., corner Sobriedad. Si Marvin po ng Sampaloc, Mla. Thank you sir. #+63999921 – – – –

Hilaw pa si Sen. Grace Poe

GOOD day po sa akin lng po sobra pang hilaw itng c Grace Poe pra  tumakbo sa pagka-pres wala akong tiwala sa kanyang kakayahan para patakbuhin ang bansa na puno ng korupsiyon lahat ng ilegal na gawain andito na sa Pinas. Gate of hell ang Pinas sbi nga ng isang international writer I forgot the name. Ngayon madami hindi nakaaalam na c Poe secret candidate n Benigno Aquino, tyak ipagpapatuloy lng n poe ang kasmaan at katiwalian sa gobyerno pag c Poe ang winner at ito pa c Danding Cojuangco ang taga-pondo ng kandidatura n Poe kya alam n natin ang mangyyari pag nanalo c Poe. Remember Danding Cojuango is uncle of Pres Aquino talgang gagawa c Aquino ng paraan para manaalo tng c poe, tngnan mo ung 3 judges na hindi pumabor kay Poe. Mag-inhibit dahil iakyat ni Poe sa Korte Suprema ang kanyang sagot sa disqualification ng comelec sa residency. S’yempre para bgyan daan ang appointed judge ni Aquino. Para papanalunin c Poe sa mga disqualification case na knayang hnahanap. #+63922634 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng …

Bulabugin ni Jerry Yap

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Adviento

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NITONG nagdaang araw ng Linggo ay nagsimula …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

China, bully na in denial

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAPAGKUNWARI ang China, sa ilalim ni Xi Jinping, pagdating …

Bulabugin ni Jerry Yap

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

Leave a Reply