Monday , December 23 2024

Rose Novenario

3 lider sabit sa human smuggling… Simbahan ni Quiboloy sa Amerika ni-raid ng FBI

human traffic arrest

DUMISTANSYA ang Palasyo sa bestfriend forever (BFF) o matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy. Sinalakay kamaka­lawa ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation ( FBI) ang simbahan ng Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles, California dahil sa kasong human trafficking at inaresto ang tatlong lider nito. Ayon …

Read More »

Sa kamatayan ni Kobe Bryant… Palasyo nalumbay, nakiramay para kay Black Mamba

NAKIIISA ang Palasyo sa pagdadalamhati ng buong mundo sa pag­panaw kahapon ni basketball legend Kobe Bryant sa isang chopper crash sa California kahapon. Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Bryant, 41 anyos, dating Los Angeles Lakers star, ay mahal na mahal ng kanyang Pinoy fans. “The Office of the President is saddened after learning about …

Read More »

Mahirap na Filipino, mas marami… SWS survey deadma sa Palasyo

DEADMA ang Palasyo sa pinakabagong resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na ikinokon­sidera ang kanilang sarili bilang mahirap. Base sa survey ng SWS sa ikaapat na quarter ng 2019, tumaas sa 54 percent ang bilang ng mga Filipino na nagsabing mahirap sila kompara sa 42 percent na naitala noong Setyem­bre 2019. …

Read More »

Pinoys sa Wuhan stay put pero mag-ingat sa Coronavirus

WALA pang plano ang administrasyong Duterte na pauwiin sa bansa ang mga Filipino na nasa Wuhan City sa China kahit laganap na siyudad ang coronavirus. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinapayohan ng Malacañang ang mga Pinoy sa Wuhan City na mag-ingat at maglatag ng precautionary measures. Hindi kasi aniya maa­aring agad na paalisin ang mga Filipino sa Wuhan City dahil naroon …

Read More »

Maraming lindol indikasyon ng malakas na pagsabog

lindol earthquake phivolcs

MATINDING banta ng pagsabog ang indikasyon ng maraming paglindol na ibig sabihin ay uma­angat ang magma sa bunganga ng bulkang Taal. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, sakaling suma­bog ang bulkan, magla­labas ito ng ring of clouds na mapanganib sa tao. Ito aniya ang dahilan kaya hindi pa ibinababa ng Phivolvs ang alert level 4 …

Read More »

P50-M hatag ni Digong sa biktima ng Taal eruption

BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P50 milyon ang mga lokal na pamahalaan ng Batangas na naapektohan ng pag­sabog ng bulkang Taal. Nagtungo kahapon ang Pangulo sa PUP Gymnasium para pangu­nahan ang pamamahagi ng food packs sa mga bakwit. Sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go, binigyan ni Pangulong Duterte ng tig-limang milyong piso ang Lipa City, Agoncillo, Tanauan, Mabini, Batangas …

Read More »

Kontratang UP-Zobel de Ayala binubusisi na ng Palasyo

BINUBUSISI na rin ngayon ng Palasyo ang isa pang kontrata na pinasok ng negosyanteng si Fernando Zobel de Ayala sa pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iimbestigahan na ang kontrata ng mga Ayala sa University of the Philippines Ayala Land Technohub sa Quezon City. Ayon kay Panelo, napag-alaman niya na umuupa lamang si Ayala ng P20 kada square meter …

Read More »

Duterte inimbita ni Trump sa US Asean Summit

INANYAYAHAN ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa US-ASEAN Summit na gaganapin sa Las Vegas sa 14 Marso 2020. Sa kalatas na inilabas ng Palasyo kahapon, nakasaad na bukod kay Pangulong Duterte, inim­bi­tahan rin ni Trump ang siyam na leaders ng mga bansang bumubuo sa ASEAN. Unang inihayag ang paanyaya ni Trump noong ASEAN Summit and …

Read More »

Panelo sinopla si Lacson

“TALK to your lawyers, hindi ka naman abo­gado.” Ito ang buwelta ng Palasyo sa pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na mauuwi sa constitutional crisis ang nakaambang paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema para sa prankisa ng ABS-CBN. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas maka­bubu­ting kumonsulta muna si Lacson sa kanyang mga …

Read More »

Digong lumagda sa one-time gratuity para sa JO, kontraktuwal sa gobyerno

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-time gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa gobyerno. Pinirmahan ng Pangulo ang Administrative Order No.20 na nagbibigay ng maximum na P3,000. “Granting a year-end gratuity pay to JO (job order) and COS (contract of workers is a well-deserved recognition of their hard work,” ayon sa order ng Pangulo. (ROSE …

Read More »

1,000 sundalo ng AFP tumulak sa ME para sa paglikas ng Pinoys

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo ang kanyang buong suporta sa mga tropang Pinoy na nagtungo sa Gitnang Silangan para tumulong sa paglikas sa overseas Filipino workers (OFWs). Sa kanyang talumpati sa send-off program kahapon sa Pier 13 sa Port Area, Maynila, sinabi ng Pangulo na kanyang ipag­darasal ang tagumpay ng misyon. “There will be imponderables to reckon with. Hindi natin alam. …

Read More »

12 tindahan sa Bambang inasunto ng DTI

KAUGNAY nito, may 12 establisimiyento sa Bambang, Maynila ang naisyuhan ng notice of violations ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa overpricing ng face masks at medical supplies. Ayon kay DTI Under­secretary Ruth Castelo, sa 17 establisimiyento sa Bambang ay 12 ang nakitaan ng paglabag. Sinabi ni Castelo, sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang nasabing mga esta­blisimiyento …

Read More »

Taal idineklarang ‘No Man’s Land’

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ideklanag “no man’s land” ang Taal Volcano Island. Inihayag ito ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum sa panayam kahapon sa Malacañang. “That is part of the approved recom­menda­tion that Taal volcano island should not have permanent habitation,” aniSolidum. Ang rekomendasyon ay ginawa ni Defense Secretary Delfin Loren­zana sa …

Read More »

Malacañang maglilikas ng mga alagang hayop

ISUSUNOD na ililikas ng pamahalaan ang mga alagang hayop na naiwan at naapektohan rin ng pagputok ng bulkang Taal. Sa press briefing ng Laging Handa sa Malacañang, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Casiano Monilla, sa kasalukuyan, hindi pa nila matutukoy kung kailan nila masisimulan ang paglilikas sa mga hayop. Nananatiling ang prayoridad nilang mailikas ay mga …

Read More »

Leni walang ‘kredebilidad’ sa drug war ni Duterte — Panelo

SAYANG ang oras kapag pinakinggan ang mga sasabihin ni Vice President Leni Robredo hinggil sa isinusulong n drug war ng adminis­trasyong Duterte dahil wala naman siyang alam sa isyu. “As the President said, VP Robredo is a colossal blunder. Liste­ning to her perorations about a matter she knows nothing about will be another herculean blunder. It is a useless exercise …

Read More »

Digong hindi tumuloy sa Leyte… Negosyanteng overpriced sa N95 face mask mananagot sa batas

IPINAGPALIBAN ni Pangulong Rodrigo Duter­te ang pagbisita sa Leyte ngayon dahil sa pagsabog ng Taal volcano sa Batangas. Nakatakdang pangu­nahan ng Pangulo ang pamamahagi ng mga benepisyo para sa rebel returnees sa San Isidro, Leyte ngayong hapon. Nagsagawa ng aerial inspection kahapon ng umaga si Pangulong Duterte upang malaman ang lawak ng pinsala nang pagsabog ng bulkan. Ang eroplanong sinak­yan …

Read More »

No deployment ban sa Kuwait — Duterte

OFW kuwait

HINDI magpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte kahit ginahasa at pinatay ng kanyang employer ang isang Pinay overseas worker. Sinabi ng Pangulo sa panayam sa ABS-CBN kamakalawa na iba ang sitwasyon ngayon kompara sa mga naka­lipas na taon dahil mabilis ang pag-aksiyon ng mga awtoridad sa Kuwait at agad na dinakip ang employers ni Jeanalyn …

Read More »

P1.8-B sa OFWs’ repatriation handa na — DoF

MAY nakahandang P1.8 bilyon para sa repatria­tion program ng gobyerno sa mga Filipino sa Iran at Iraq, ayon sa Department of Finance. Sinabi ni Finance assistant secretary Rolan­do Toledo sa press briefing sa Palasyo na handa na ang kabuuang P1.8  bilyon standby funds anomang oras na gamitin ng gobyerno para sa ikinakasang evacua­tion at repatriation sa mga naiipit na Filipino …

Read More »

Bagong kontrata sa 2 water concessionaire igigiit ng Palasyo

BINIGYAN ng tsansa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang water con­cessionaires na tanggapin ang bagong concession agreement na ipapalit sa umiiral na kontrata na dehado ang taong bayan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag tumanggi ang Maynilad at Manila Water sa bagong kontrata, iuutos ni Pangulong Duterte ang kanselasyon ng umiiral na concession agreement at itutuloy ang pag-takeover ng …

Read More »

Panelo nangoryente… Digong ‘ayaw’ kumampi sa US

HINDI kakampi ang Filipinas sa Amerika sa pakikipaggirian sa Iran. Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon taliwas sa sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kakampihan ng Filipinas ang US kapag may nasaktang Pinoy sa alitan ng Amerika at Iran. “I would not like it, it was just a projection,” ani Duterte sa panayam. Magpapadala aniya ng special …

Read More »

Para sa Middle East OFWs: Bilyones na contingency fund mungkahi ng Pangulo

IPINANUKALA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magsagawa ng dalawang araw na special session para magpasa ng resolusyon para sa paglalaan ng bilyon-bilyong pisong contingency fund para sa paglikas ng mga Filipino sa Gitnang Silangan kapag lumala ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran. Nais ng Pangulo na may nakahandang pondo upang magamit anomang oras  na kailangang ilikas ang …

Read More »

P4.1-T nat’l budget lalagdaan ngayon ni Pangulong Duterte

NAKATAKDANG pirmahan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 trilyong national budget para sa kasalukuyang taon. Ang paglagda sa 2020 budget ay gaganapin ngayong 4:00 pm sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naantala nang isang linggo ang pagpirma sa 2020 budget dahil binusisi nang husto ng Pangulo ang lahat ng probisyon nito. “This President is a lawyer …

Read More »

Exodus ng OFWs sa Middle East iniutos ni Duterte

INUTUSAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghanda para agad mailikas ang libo-libong Filipino sa Gitnang Sila­ngan sakaling tumindi ang tensiyon sa pagitan ng US at Iran bunsod nang pagpatay ng Ameri­ka kay Iranian General Qassem Soleimani. “Nagpatawag si Pangulong Duterte ng meeting kasama ang chief of staff ng AFP kung ano ang magiging …

Read More »

Sa pagpatay ng US kay Soleimani… China, Russia makikinabang — Joma Sison

PABOR sa China at Russia sa pagpaslang ng Amerika kay Iranian General Qassem Solei­mani at mga kasama niyang mga opisyal ng Iran at Iraq sa Baghdad airport kamakailan. Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa isang kala­tas. Aniya, ang mga bansa sa Gitnang Silangan na kinondena ang ‘multiple murder’ na iniutos …

Read More »

P4.1-T 2020 nat’l budget maingat na binubusisi ni Duterte

TODO ang pagbusisi ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa P4.1 trilyon 2020 national budget. Pahayag ito ng Palasyo matapos ratipi­kahan ng dalawang kapu­lungan ng kongreso ang pambansang pon­do. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nababago ang paninindigan ni Pangulong Duterte na i-veto ang mga probisyon na taliwas sa Saligang Batas. Una rito, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mayroong P83 bilyong …

Read More »