Saturday , July 27 2024

Sa ‘shameful attempt’ comment… US Senator kahiya-hiya — Panelo

KAHIYA-KAHIYA si US Senator Bernie Sanders dahil nagbabahagi ng mga impormasyon hinggil sa Filipinas na hindi beripikado.

Ito ang buwelta ng Palasyo sa sinabi ni Sanders na isang ‘shameful attempt’ ang pagpapatahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aktibista.

Ayon kay Presidential spokesperson Sectretary Salvador Panelo, ang mga pahayag ni Sanders ay batay sa mga pag-iingay ng mga kritiko ni Pangulong Duterte na inilalathala ng foreign news agencies.

Ipinagtanggol ni Panelo ang sunod-sunod na pagsalakay ng mga pulis sa mga bahay at opisina ng mga aktibista at batay aniya ito sa intelligence report na may ginagawa silang hindi tama.

Malaya aniyang dumulog sa korte ang mga aktibista at sampahan ng kaso ang mga pulis kung sa  tingin nila’ y mali ang ginawa sa kanila.            

                     (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *