Monday , August 15 2022
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

 Duterte workaholic — Bong Go

WORKAHOLIC si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte kaya hindi sinunod ang payo ng mga doktor na magpahinga muna.

Ito ang sinabi ng kanyang longtime aide at ngayo’y Sen. Christopher “Bong” Go sa panayam kahapon sa Palasyo.

Bagama’t nasa Davao City aniya si  Pangulong Duterte, hindi nanga­ngahulugan na hindi siya nagtatrabaho.

Sa katunayan, ani Go, bukas ay magpu­pun­ta sila sa North Cota­bato ni Pangulong Duter­te para personal na hara­pin, pakinggan at kausa­pin ang ilang grupo ng magsasaka roon na may mga hinaing.

Ayon kay Go, kahit nasa kaniyang tahanan sa Davao City ang pangulo, ‘pag nakaisip ito ay biglang magyayaya na pumunta sila sa ilang bahagi ng Mindanao para personal na tingnan ang sitwasyon ng mga sun­dalo sa mga kampo o bumisita sa mga batang may sakit at walang makapipigil sa kanya.

Sa susunod na linggo ay balik-palasyo na si Pangulong Duterte at dadalo sa mga naka­linyang aktibidad at public appearances.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt …

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den …

Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama …

P500 500 Pesos

Kelot timbog sa pekeng P500 bills

HINDI na nakalusot ang isang 31-anyos na lalaki sa ikalawang pagtatangka na magbayad ng pekeng …

Arrest Posas Handcuff

Bag ng pasyente tinangay
MISTER NA WANTED ARESTADO SA VALE

SA KULUNGAN bumagsak ang isang lalaki, matapos tangayin ang bag ng isang babaeng out-patient sa …

Leave a Reply