Tuesday , April 22 2025

“SAF 44” hiniling ng VACC muling buksan ng Ombudsman (Ehekutibo ‘di makikialam)

WALANG plano ang Palasyo na makialam sa trabaho ng Ombuds­man.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos hilingin ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman na muling buksan ang kaso nang pagpatay sa 44 kagawad ng Special Action Force (SAF) sa  Mamasapano, Maguindanao noong 2015 dahil may bagong ebi­den­siya laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III na idinadawit sa kasong homicide.

Ayon kay Panelo, dapat manaig ang rule of law, pero hindi gawi ng sangay ng ehekutibo na pakialaman ang trabaho ng ibang sangay ng pamahalaan at constitutional bodies.

Nahaharap din si Aquino sa kasong graft at usurpation of authority dahil sa umano’y palpak na operasyon sa Mamasapano.

“We will not interfere with a co-equal branch of government as well as constitutional bodies. Let the rule of law prevail. Kung ano ang batas ‘yun ang sundin natin,” ani Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *