Saturday , January 29 2022

Drug Czar Leni sinibak ni Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang drug czar o Co-Chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) matapos ang mahigit dalawang linggo sa puwesto.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang hakbang ng Pangulo ay bilang tugon sa panawagan ni

Liberal Party Pre­sident, Senator Francis Pangilinan, na sibakin si Robredo at bilang pag­tang­gap sa hamon ng Bise Presidente na tanggalin siya bilang drug czar.

Ani Panelo, sinayang ni Robredo ang tsansa na magkaisa ang oposisyon at administrasyon sa pagbaka sa illegal drugs at ginamit pang oportu­nidad ang pagiging drug czar para atakehin ang mga pamamaraan ng gobyerno sa paglaban dito.

Nang hingin ni Robre­do ang datos ng pulisya sa anti-illegal drugs operations ay inilantad agad niya ang motibo na akusahan ang gobyerno sa mga patayang naga­nap kaugnay sa kampan­ya.

Sa halip aniya maki­pag-usap sa Pangulo kaugnay sa kanyang papel bilang drug czar, mas minabuti ni Robredo na sa media isiwalat ang kanyang mga saloobin.

“The functions of the ICAD, as performed by its four clusters, are already spelled out in Executive Order No. 15. So is the role of its head of ensuring that the objec­tives of the ICAD are accomplished. If VP Robredo wanted clari­fication in the scope and limits of her new task, she could have sought audience with the President, which she failed to do. As always, she talked — not with her appointing authority — but right in front of the cameras asking the Pre­sident on her supposed mandate,” dagdag ni Panelo.

Kung seryoso aniya si Robredo na tugunan ang ugat ng drug problem, sana aniya ay nakipag-usap siya sa mga bikti­ma, sa kanilang mga pamilya at sa komunidad imbes unahin makipag­pulong sa United Nations at mga kinatawan ng US Embassy na walang alam sa tunay na nangyayari sa drug war.

Giit ni Panelo, mas kursunada ni Robredo na makakuha ng inter­national attention para hiyain ang bansa at nais lang gamitin sa pamomo­litika ang gustong maku­hang confidential information sa drug war.

“It is time to put the issue to eternal rest and bury it in the graveyard of what could have been, as well as dismiss any obstacle that impedes the government to focus on the issue at hand,” ani Panelo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

abs cbn

 ABS-CBN pinaghati-hatian na

I-FLEXni Jun Nardo PINAGHATIAN na ang iba pang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN. Unang …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

NBI Landbank

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll …

012822 Hataw Frontpage

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas …

electricity meralco

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas …

Leave a Reply