Opinyon ng London-based think tank… Wishful thinking, at pakikialam sa Ph sovereignty

TABLADO sa Palasyo ang pahayag ng London-based think tank na Capital Economics na mas marami pang mamumuhunan ang magnenegosyo sa Filipinas kung papalitan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalu­sugan.

Tinawag na “wishfuk thinking” ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo ang opinyon ng Capital Economics.

Pakikialam aniya sa soberanya at pama­malakad ng Filipinas ang hirit ng Capital Eco­nomics.

Pinayohan ni Panelo si Robredo na mag-ingat sa pagtanggap ng mga payo at baka makasira lamang sa kanya.

Giit ni Panelo, hindi nagsi­sinungaling ang numero dahil base sa report ng economic managers dumami pa ang mamu­muhunan sa bansa mula nang maluklok si Pangulong Duterte sa Palasyo.

(ROSE NOVENARIO)