Sunday , November 24 2024

Niño Aclan

Safety is just a tap away — Biazon   
iRESPOND INILUNSAD NG MUNTINLUPA CITY

Ruffy Biazon iRespond Muntinlupa

PARA matiyak ang mas mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna, inilunsad ng Muntinlupa ang iRespond mobile application, ang kauna-unahang emergency and rescue assistance app sa lungsod. “Safety is just a tap away,” ayon kay Mayor Biazon, “Sa pamamagitan ng iRespond, mas mabilis na maire-report at maaksiyonan kung kailangan ng medical assistance, fire rescue, police intervention, o iba pang kritikal …

Read More »

Writ of Execution ng DHSUD bigong ipatupad ng pulisya

Multinational Village

NAWALAN NG SAYSAY ang ipinalabas na Writ of Execution ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na nilagdaan ni Atty. Norman Jacinto Doral na nagsasaad na kinikilala nila ang grupo ni Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) Arnel Gacutan at ipinag-uutos sa grupo ni Julio Templonuevo ang pagsuko ng mga records ng asosasyon katulad ng libro, records ng …

Read More »

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

Egay Erice Comelec

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang mga dokumento na naglalaman ng paper trail ukol sa isang dollar bank account ng isang opisyal ng nasabing ahensiya. Kasunod ito ng paghiling ni Erice kay Garcia na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa naturang dollar  bank accounts ng isang opisyal …

Read More »

Guo bigong maaresto ng senado

Alice Guo

BIGO ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSSA) na madakip si Bamban Mayor Alice Guo sa mga isineklara niyang address bilang residensiya. Naglabas ng warrant of arrest ang senado nitong Sabado dahil dalawang beses nang hindi nakadalo sa pagdinig ukol sa kontrobersiyal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at sa pagkatao ng alkalde. Ito ay matapos na …

Read More »

Sakripisyo, galing, at husay ng Pinoy nurses kinilala
Tolentino tiniyak PH Nursing Act of 2022 mahigpit na tututukan

Francis Tolentino

PINURI ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy nurses hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo. Ayon kay Tolentino kilala ang mga Pinoy Nurses pagdating sa maayos na serbisyo at magaling na pag-aasikaso sa mga pasyente dito sa sariling bansa hanggang sa ibayong dagat. Tinukoy ni Tolentino na kahit noong panahon …

Read More »

Tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Calabarzon Region sa pamamagitan ng TUPAD program ikinasa

Bongbong Marcos Francis Tolentino

MAHIGIT sa 12,000 mangingisda at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal ang nabigyan ng tulong at ayuda sa pamamagitan ng Presidential Assistance o Tupad program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Dasmariñas Arena sa Dasmariñas City, Cavite. Tumanggap ng tig P10,000 ang bawat mangingisda at magsasaka sa presensiya nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Read More »

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

071024 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng kooperasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagtulak sa senado para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa tila biglaang paglobo ng budget ng New Senate Building (NSB). Ayon kay Escudero, matapos nilang makapag-usap ni Senador Alan Peter Cayetano, Chairman ng Senate committee on …

Read More »

Binay naghain ng reklamo vs ‘asal’ ni Sen. Cayetano
Reklamo mababalewala — Alan

Nancy Binay

NAGHAIN si Senadora Nancy Binay ng reklamo sa Senate committee on ethics laban kay Senador Alan Peter Cayetano kaugnay sa isang insidente sa pagdinig noong nakaraang linggo ng Senate Committee on Accounts ukol sa New Senate Building (NSB). Batay sa 15-pahinang reklamo ni Binay, nakasaad dito ang naramdamang pambabastos at ginawang pagtrato sa kanya ni Cayetano noong siya ay dumalo …

Read More »

Villar nagsusulong ng Avian biodiversity conservation

Cynthia Villar Avian biodiversity

MAHALAGANG malaman ang mayamang kaibahan ng mga uri ng ibon sa ating rehiyon upang mapanatili  natin ang kanilang natural na tirahan para sa darating na henerasyon, ayon kay  Sen. Cynthia A. Villar. Bilang Chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, sinabi ni Villar, suportado niya ang mga gawaing nagtataguyod ng conservation at preservation awareness ng mga …

Read More »

Paglagda ng PH, JAPAN sa RAA magpapalakas sa sandatahan

PH Japan RAA

NANINIWALA ang mga senador na higit na magpapalakas sa ating sandatahan ang kasunduan sa pagitan ng Filipinas at Japan o ang Reciprocal access agreement (RAA). Ayon kina Senate President Francis “Chiz” Escudero, Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, at Senador Alan Cayetano malaking tulong ito para sa patuloy na magandang relasyon ng Filipinas sa ibang mga bansa. Naniniwala ang mga senador …

Read More »

Para sa pagpapataas ng kamalayan ng bawat Pinoy
FUN RUN PARA SA WPS SUPORTADO NI TOLENTINO

Francis Tol Tolentino WPS Fun Run

SINUPORTAHAN ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang idinaos na fun run para sa West Philippine Sea (WPS) na dinaluhan ng itong libong katao na pinangunahan ng Philippine Coast Guard upang higit na bigyan ng kamalayan at kaalaman ang publiko na ginanap sa Mall of Asia (MOA). Ayon kay Tolentino malaking tulong ang ganitong okasyon upang higit na magkaroon …

Read More »

Nakabinbin pa sa Senado
ESTANDARISASYON NG SUWELDO, BENEPISYO NG BARANGAY OFFICIALS ISULONG NA – LAPID

Lito Lapid

HINIKAYAT ni Senador Lito Lapid ang kanyang mga kasamahan sa Senado na pagtibayin na agad ang inakda niyang panukalang batas para sa estandarisasyon ng suweldo at benepisyo ng mga opisyal ng barangay sa bansa. Ginawa ni Lapid ang pahayag sa talumpati niya sa Good Governance Summit – 2nd Provincial Liga Assembly – Liga ng mga Barangay ng Northern Samar Chapter …

Read More »

Mga proyekto ng pamahalaan dapat 24/7 operations — Poe

Grace Poe

NANINIWALA si Senadora Grace Poe na mahalagang ipatupad ng pamahalaan ang 24/7 na operasyon  sa lahat ng mga ginagawang proyekto nito upang sa ganoon ay mabilis matapos at hindi masayang ang pera ng taong bayan. Ito ang nilalaman ng Senate Bill No. 2716 o kikilalanin sa tawag na Accelerated Infrastructure Delivery Act na inihain ni Poe na naglalayong round-the-clock na …

Read More »

Gatchalian hinimok si Guo Hua Ping o Alice Guo na magsalita na

Alice Guo

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian kay Guo Hua Ping o Alice Guo na magsalita na, makipagtulungan sa mga awtoridad, at isiwalat ang totoong operasyon at “malalaking tao” sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO, na tinatawag na ngayong Internet Gaming Licensees o IGL, na gumagawa ng mga iligal at kriminal na aktibidad. “Hinihikayat ko si Alice Guo na …

Read More »

 ‘Marites’ sa hanay ng mga senador pinuna ni Binay

Senate BGC bldg money

INAKUSAHAN ni Senadora Nancy Binay ang pagiging marites o ‘tsismoso’ ng isang senador. Ito ay tahasang ibinunyag ni Binay sa isang press conference sa mga miyembro ng  media matapos na tanungin ukol sa kontrobersiyal na New Senate Building. Ayon kay Binay, batay sa impormasyong kanyang nabatid, ang naturang senador ay patuloy na umiikot at nakikipag-usap sa kung sino-sino para siraan …

Read More »

Book mobile, ilulunsad ng Makati LGU

Book mobile Makati

NATAKDANG ilunsad ngayong araw, 3 Hulyo, ng lungsod ng Makati ang isang mobile library o book mobile. Ayon sa Makati LGU, ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng national children’s book day na may may temang “Ang kuwento na dala ng book mobile sa makabagong panahon: tara nang magbasa nang sama-sama.” Ang Book Mobile sa Barangay ay lilibot para palaganapin …

Read More »

Akusado arestado sa NAIA Terminal 3

NAIA arrest

INARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) at PNP Aviation Security Group ang isang paalis na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 patungong Osaka, Japan. Sa report ng AVSEGROUP, nag-ugat ang pag-aresto sa 32-anyos lalaking pasahero, residente sa Pasay City, sa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Vernard V. Quijano, …

Read More »

Angara bagong DepEd secretary

Sonny Angara DepEd

TINANGGAP ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang alok na maging kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos magbitiw si Vice President Sara Duterte noong 19 Hunyo epeketibo hanggang 19 Hulyo, taong kasalukuyan. Inianunsiyo ng Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng Presidential Communication Office (PCO) ang pagtatalaga kay Angara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang kalihim ng DepEd. Agad nagpahayag …

Read More »

Sa sobrang mahal na kontrata ng Meralco
VETO MULA SA ERC HILING NG CONSUMERS

070324 Hataw Frontpage

NAGHAIN ng petisyon ang Power for People Coalition sa Energy Regulatory Commission (ERC) upang hilingin na huwag payagan ang mga kontrata ng supply ng koryente ng Meralco sa apat na planta ng fossil fuel na magreresulta ng mas mahal na presyo ng koryente para sa mga consumer. Sa unang bahagi ng taon, nagsimula ang pinakamalaking utility ng distribusyon ng bansa …

Read More »

P35 wage hike ‘di sapat para sa mga mangagawa — Escudero

070324 Hataw Frontpage

NANINIWALA si Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero na hindi sapat ang P35 wage increase para sa mga manggagawang Filipino sa National Capital Region (NCR) na nais ipatupad ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB). Ayon kay Escudero tila hindi tumutugma sa tunay na pangangailangan ng isang manggagawa ang naturang dagdag na sahod lalo’t patuloy ang pagtaas ng presyo …

Read More »

EO ni Bersamin hindi susundin  
BAGONG PILIPINAS PLEDGE, HYMN INAARAL PA NG SENADO — ESCUDERO

Bagong Pilipinas Hymn

TAHASANG sinabi ni Senate President  Francis Joseph “Chiz” Escudero na walang balak sundan ng senado ang ipinalabas na kautusan sa mababang kapulungan ng kongreso na maging bahagi ng flag ceremony ang pagbigkas ng pledge at hymn ng Bagong Pilipinas. Ayon kay Escudero iginagalang niya ang desisyon ng mababang kapulungan ng kongreso at wala naman siyang nakikitang masama ukol sa bagay …

Read More »

Para sa mga batang ina  
SEXUALITY EDUC, SOCIAL PROTECTION ISINUSULONG NI SENADOR GATCHALIAN

Mother Baby

KASUNOD ng pinakahuling report ng Commission on Population and Development (CPD) na mahigit 22,000 batang kababaihan ang dumanas ng paulit-ulit na pagbubuntis o repeat pregnancy, iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan ng mas pinaigting na comprehensive sexuality education (CSE) at mga programa ng social protection para sa mga batang ina. Ayon sa CPD, 13-15 anyos ang naitalang dumanas ng …

Read More »

Katutubong gas para sa enerhiya isineseguro ni Pia

070124 Hataw Frontpage

ISINUSULONG ni Senadora Pia Cayetano ang paggamit ng indigenous gas upang siguruhin ang seguridad at katiyakan ng enerhiya sa bansa. Umigting ang pagnanais ni Cayetano, chairwoman ng Senate committee on energy, na maisulong ang pagpapalago ng katutubong gas matapos bumisita sa Malampaya Shallow Water Platforms na matatagpuan 50 kilometro sa baybayin ng Palawan kasama ang mga opisyal ng Prime Infra …

Read More »