Friday , April 19 2024

Niño Aclan

Listahan ng PNP officials, members na sangkot sa Ninja cops ipinasa sa Palasyo

pnp police

INAMIN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang transcript ng naganap na executive session kung saan naka­ulat ang lahat ng impor­masyon at testimonya na inihayag ni dating CIDG chief at kasalukuyang Baguio City Mayor Benjamin Magalong hing­gil sa ninja cops o mga pulis at opisyal ng Philip­pine National Police (PNP) na sangkot sa …

Read More »

P1.5-B pork ihahatag para sa 22 deputy speakers — Lacson

IBINUNYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na bukod sa P100 milyong alokasyon sa bawat kongresista ay makata­tanggap ng karagdagang P1.5 bilyong pondo ang nasa 22 deputy speakers sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso. Ayon kay Lacson, mismong sa isang kapwa niya mambabatas nakuha ang naturang imporma­syon. Sinabi ni Lacson, bukod dito ang umano’y tig-P700 milyon na matatanggap ng lahat ng miyembro …

Read More »

3 BuCor officials pinatawan ng contempt

KASAKULUYANG nakapiit sa isang silid sa gusali ng Senado ang tatlong Bureau of Cor­rections (BuCor) officials matapos maramdaman ng mga senador na nag­sisinungaling o hindi nagsasabi ng totoo ang tatlo. Kabilang sa mga officials sina Atty. Fredric Anthony Santos, ang hepe ng Legal Division ng BuCor; Ramoncito Roque, pinuno ng Documents and Records Section; at Dr. Ursicio Cenas ng National …

Read More »

Maraming raket sa Bilibid — Ex-BuCor chief

ISINIWALAT  ni dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC Rafael Ragos na talagang matin­di ang mga raket sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Magugunitang pina­munuan ni Ragos ang BuCor noong panahon ng Aquino administration na ang kanyang boss ay si dating Senador Leila de Lima. Ilan sa mga tinukoy ni Ragos na source ng pera sa bilibid ng mga opisyal ng …

Read More »

‘Laya’ sa GCTA sa panahon ni ‘Bato’ malinis

HANDA si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa imbes­tigasyon ukol sa mga napalaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) sa ilalim ng kanyanng panu­nungkulan bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor). Ayon Dela Rosa, wala siyang dapat ikatakot o ipangamba dahil duma­an sa tamang proseso ang mga pinalaya niya sa ilalim ng GCTA. Binigyang-linaw ni Dela …

Read More »

Sa eskuwela… Pagkabalisa ng ‘kaliwete’ winakasan ng RA 11394

IKINATUWA ni Sena­dor Edgardo Angara ang pagsasabatas ng Republic Act 11394 na papabor sa mga left-handed students mata­pos ang mahabang pa­na­hon ng kanilang paghihintay. Dahil dito, sinabi ni Angara, mawawa­kasan ang paghihirap sa mga paaralan ng mga mag-aaral at lalo sa kanilang sakripisyo sa kanilang mga upuan. Iginiit ni Angara, sa pamamagitan ng batas, ang mga paaralan ay maoobliga na mag­laan …

Read More »

Tarpaulin recycling project ipinamahala ni Villar sa kababaihan ng Cavite

HININGI ni reelected Senator Cynthia Villar ang tulong ng isang grupo ng mga kababaihan sa Dasmariñas, Cavite upang gumawa ng mga bag yari sa tarpaulin na ginamit sa kanyang kampanya noong nakaraang eleksiyon. Sinabi ni Villar, chair ng Committee on Environment and Natural Resources, mabibiyayaan ng recycling project  ang maliliit na tailoring business na magbibigay hanapbuhay sa mga kababaihan bilang …

Read More »

Sotto tiwalang ‘di ‘mapatatalsik’ sa 18th Congress

Tito Sotto

KOMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na siya pa rin ang mau­upo at mamumuno sa senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon kay Sotto nag­pa­hayag na ng suporta sa kanya ang mga senador na kasama niya sa mayorya. Bukod dito, nagpaha­yag din umanio ng supor­ta sa kanya ang tatlo pang bagong mahahalal na senador. Kabilang dito sina Bato dela Rosa, …

Read More »

DOTr palpak pa rin sa serbisyong perokaril — Poe

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na palpak pa rin ang ser­bisyong ipinagkakaloob ng Department of Tran­sportation (DOTr) sa mga pasahero kung kaya’t disgrasya hindi mabilis na pagdating sa patutunguhan ang sina­pit ng mga pasahero ng LRT-2 sa Anonas Station. Ayon kay Poe, imbes ang tamang tren ang paandarin at patakbu­hin sa mga riles ng train ay yaong mga hindi angkop …

Read More »

Endoso ng INC at El Shaddai target ni Villar

UMAASA si reelectionist Senator Cynthia Villar sa suporta at endoso ng  religious group na Iglesia ni Cristo na kilalang may block vote na pinamu­munuan ng  pamilya Manalo at ng El Shaddai na pinamumunuan ni Bro. Mike Velrade. Ayon kay Villar, ang kanilang igagawad na suporta at endoso sa kanyang kandidatura ay lubhang mahalaga at malaking tulong para siya ay manalo …

Read More »

Sa Rice Tariffication Law… Walang dapat mawalan ng trabaho sa NFA

INILINAW ni Senate Committee on Agriculture and reelectionist senator Cynthia Villar, walang dahilan  upang mawalan ng trabaho o magtanggal ng ilang empleyeado ang National Food Authority (NFA) sa pag­papatupad ng Rice Tariffication Law. Ayon kay Villar, hindi nabawasan o tinapyasan ang panukalang budget ng NFA sa naaprobahang 2019 General Appro­priations Act (GAA) nang sa ganoon ay maipagpatuloy ng ahensiya ang …

Read More »

Nancy Binay: Total ban dapat igiit vs Chinese construction workers

PROTEKTAHAN  ang kapakanan ng mangga­gawang Filipino. Ito ang giit ni reelec­tionist Senator Nancy Binay sa panawagan ni­yang “total ban” sa pag­pag­pasok ng mga traba­hanteng Tsino o Chinese construction workers, pati na rin ang ibang lahi, partikular sa infras­truc­ture projects ng gobyer­no. Ayon kay Binay, hin­di patas at dis­advan­tageous sa mga mangga­gawang Filipino ang polisiya at kasunduan na nakatali sa utang …

Read More »

Kongresista sa Napoles list muling ilabas

MATUNOG na naman sa mga balita ngayon ang pangalan ni Janet Lim-Napoles, na binansagang “Pork Barrel Queen” na inakusahang kumurakot sa P10 bilyong halaga ng pondo ng taongbayan, kasama ang mga kasab­wat na senador at kongre­sista. Naungkat itong muli nang magpahayag ng opinyon si Patricia Mo­reira, managing director ng Transparency Inter­national, isang pan­daigdigang organi­sa­syong sumusuri ng pana­naw ng mga tao …

Read More »

Diskarte’t gimik ng mga kandidato

KANYA-KANYANG gi­mik at diskarte ang mga tumatakbong senador sa unang araw ng kam­panya. Ang nangunguna sa mga survey na si reelec­tionist senator  Grace Poe ay nagpakain ng mga mag-aaral sa Payatas, Quezon City. Si misis hanepbuhay Cynthia Villar ay dumalo sa kick-off rally ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumu­nuan ni presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte. Kasama ni …

Read More »

Digong ‘inawat’ si Andaya vs Diokno

WALANG iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsalita kay dating House Majority Floor Leader Rolando Abaya Jr., na tigilan na si Budget Secretary  Benjamin Diokno. Sa pahayag na ipina­labas ng Palasyo, baga­mat inirerespeto umano ng Pangulo ang awtono­miya ng House of Repre­sentatives ay sinabihan si Andaya na tigilan ang ‘paninira’ sa pamama­gitan ng media propa­ganda na may layuning …

Read More »

Villafuerte gustong patalsikin si Andaya

NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secre­tary Benjamin Diokno na maitu­turing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo  Duterte.  Ngayong Lunes, muling magbu­bukas ang sesyon ng dalawang kapulu­ngan ng kongreso at sinabing hu­husga­han ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami …

Read More »

Angara humingi ng tulong para sa magsasaka (Sa nabulok na gulay at iba pang ani)

Department of Agriculture

NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa administrasyon na agad aksiyonan ang peligrong kinakaharap ngayon ng mga magsasakang nalugi dahil sa sumobrang ani.  Ayon sa senador, sa mga ganitong suliranin, nararapat na may nakahandang ayuda ang pamahalaan na makatutulong sa mga magsasaka sa mahabang panahon. “Hindi lang pagpapautang ang dapat na naitutulong ng gobyerno sa mga apektado nating magsasaka. Hindi ito …

Read More »

Marathon hearing tiniyak ni Legarda para sa 2019 budget

TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda na prayoridad ng senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw Lunes, 14 Enero, ang pagpasa sa lalong madaling panahon ng 2019 proposed nation­al budget na nabigong maiapasa noong Disyem­bre dahil sa umano’y kakapusan ng panahon kaya re-enacted ang budget ngayong buwan ng Enero. Ayon kay Legarda, hindi niya sasayangin ang pagsasagawa …

Read More »

Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking

BIGO ang namumuong ‘diskarte’ sa bidding pro­cess sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng armas at mga kagamitan ng pulisya. Ibinunyag ito ng ilang bidder na hanggang nga­yon ay desmayado sa kanilang natuklasan. Anila, sa 11th hour matapos makapagsumite ng mga dokumento ang bidders, biglang  nadis­kubreng may nakasingit na ‘documentary re­quirements’ o ‘additional requirements’ sa bidding process na …

Read More »

Produksiyon ng magsasaka, mangingisda, tataas (Sa climate smart training) — Villar

BUO ang paniniwala ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Com­mittee on Agriculture, na tataas ang produksiyon sa agrikultura sa bansa at ma­gagawang makasabay ng mga mangingisda at magsa­saka sa hamon ng moderi­sasyon at climate change matapos ang dinaanang training at pag-aaral sa isang climate smart training business school. Inihayag ito ni Villar sa kanyang pagdalo sa gra­duation ceremony ng …

Read More »

Modernisasyon ng jeepney tinutulan (Sa Senado)

Hataw Frontpage Modernisasyon ng jeepney tinutulan (Sa Senado)

BINATIKOS ng ilang senador ang hindi makatarungang panukalang modernisasyon para sa mga pam­publikong sasakyan katulad ng mga jeepney, na ipinanukala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kina Senadora Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, nanguna sa pagdinig, at Senador Ralph Recto, hindi kaka­yanin ng mga kasalu­kuyang operator at mga driver ang panukalang modernisasyon. Sinabi …

Read More »

Trillanes maaari nang lumabas sa senado

INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na anomang oras ay maaari na siyang makalabas ng gusali ng Senado ngunit hindi tinukoy kung dere­tsong uuwi ng kanilang tahanan o kung saan tutuloy pansamantala. Ito ay makaraan ba­wiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang arestohin ang senador nang walang warrant of arrest at maglabas ng desisyon ang Korte Su­pre­ma sa inihaing petisyong kumukuwestiyon …

Read More »

Mocha isasalang sa Senate hearing

INIREKOMENDA ni Sena­dora Nancy Binay kay Senador Francis “Kiko” Pan­gi­linan, chairman ng Se­nate  Committee on Cons­titutional Amendments and Revision of Codes, ang pag-imbita kay Communications Group Assistant Secretary Mocha Uson, bilang isang resource speaker, sa susu­nod na pagdinig ng Senado ukol sa panukalang Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon kay Binay, maka­tu­tulong ito upang mapaki­nabangan si Uson ng pa­mahalaan …

Read More »

Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado

READ: Collateral damage READ: BOL nadiskaril NIRATIPIKAHAN ng Sena­do ang bersiyon ng Bang­samoro Organic  Law (BOL) na pinagtibay ng Bicameral Conference Committee. Nakapaloob sa naturang bersiyon ng BOL na kaila­ngan magpatawag ng ple­bisito ang pama­halaan, siyamnapu (90) hanggang isandaan at limampung (150) araw matapos itong malagdaan ng Pangulo. Sa plebisito ay aalamin kung payag ang mamama­yan ng 39 barangay ng …

Read More »

TRAIN 2 isinulong

MAKARAAN maram­daman ng taong-bayan ang resulta ng TRAIN Law ay agad inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang TRAIN Law 2 o panibagong tax reform package. Ayon kay Pangulong Duterte, ang TRAIN Law ay makatutulong para sa mga maliliit na mang­gagawa at negosyante Tinukoy ni Duterte na halos 99 porsiyento ng mga …

Read More »