Tuesday , July 15 2025

3 doktor, nurse, pharmacist  
5 ‘ALIEN’ NA HEALTH PRACTITIONERS HULI SA IPINASARANG OSPITAL

051524 Hataw Frontpage

LIMANG medical practitioner na pawang mga dayuhan ang nadakip at isang ospital ang ipinasara ng mga awtoridad dahil sa kawalan ng lisensiya mula sa Department of Health (DOH), sa Pasay City.

Ang nasabing ospital na matatagpuan sa Hobbies of Asia Compound sa D. Macapagal Blvd., ay kumakalinga sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ayon sa report mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Kasama ng mga tauhan ng PAOCC na nag-operate sa nabanggit na lugar ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) na ikinadakip ng ilang dayuhang doktor at mga nurse na wala rin lisensiya para magpraktis ng kanilang propesyon sa bansa.

Dalawa sa tatlong doktor na nahuli ay Vietnamese habang ang isa ay Chinese national.

Huli rin ang isang Vietnamese nurse at isang Chinese pharmacist.

Nag-ugat ang nasabing raid sa isang mission order laban sa isang Trinh Dinh Sang, na dalawang linggong isinailalim sa surveillance batay sa alegasyong ‘medical practice without the proper license.’ (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

PNP CIDG

PNP-CIDG, may lead na sa missing sabungeros

KOMPIYANSA si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III sa leads ng Criminal …

China Coast Guard CCG Peoples Liberation Army PLA Navy

2 barko ng China naispatan sa Occ. Mindoro

DALAWANG barko ng China, isang People’s Liberation Army (PLA) Navy na ineeskortan ng barko ng …

Dead Rape

Ini-request para sa home service
BABAENG MASAHISTA PINATULOG SA DROGA GINAHASA, NINAKAWAN SUSPEK ARESTADO SA PASIG

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos pagnakawan at gahasain ang isang 22-anyos babaeng …

071425 Hataw Frontpage

Mula sa Yemen
17 TRIPULANTENG PINOY NG MV MAGIC SEAS, NAKAUWI NA SA BANSA

HATAW News Team TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) na lahat ng 17 tripulanteng …

Jayjay Suarez

Quezon Rep. Suarez, bagong Chairman ng Appropriations Committee

MAY bago nang chairman ang House Appropriations Committee na inaasahang iaanunsiyo ng liderato ng 20th …